Saved
"Miss Alyanna? Pls proceed to Mr. Avanzano's office."
"Okay, thanks." Dinaan ako ni Kuya Noah sa opisina ni dad dahil may nag ge general cleaning daw sa bahay at magkakalat lang daw ako dun, napaka nice.
"Hi pa!" nag mano ako kay papa at umupo sa sofa
"Why are you here Aly?"
"Well, Kuya Noah drop me here."
"I'm busy Aly, I have scheduled meetings that's why I can't accompany you here."
"Ah, alam ko naman yun pa. Sige punta nalang po muna ako sa mall." Tumayo siya sa upuan niya at kinuha yung wallet niya, great. Babayaran niya nanaman ako ng pera dahil wala siyang oras.
"Here Aly, take this and buy everything you want."
"Okay. Thanks." hinalikan ko sa pisnge si papa at tsaka ako dumiretso paalis ng opisina niya. I knew it, bakit pa kasi ako kailangan dalhin ni Kuya Noah dito?
Mag aabang nalang ako ng taxi dito sa labas ng city hall, psh.
Teka bakit parang ang dami atang tao? Anong meron? Mga nakasuot sila ng kulay pulang tshirt at may mga dalang card boards at iba't ibang signages.
" Mayor Avanzano, corrupt!!" sigaw ng mga tao, madami pang mga kabastusan ang mga nakasulat sa cardboards nila -- what the? Is this some kind of joke? O kaya naman ay pauso ng mga kalaban namin para pabagsakin si dad?!
"Mga kasama! Tignan nyo, hindi ba ayan ang bunsong anak ng mayor!!" nakita ko ang pagturo saakin nung isang babae, kaagad din naman tumingin yung isa niyang kasama saakin -- oh my gosh. Anong gagawin ko? Luminga linga ako sa paligid ko para makahanap ng taong pwedeng tutulong sakin but this place is full of citizens na walang pakialam and infact they would rather get their phones and capture the whole scenario.
"Sugurin!! Para makita ng mayor na hindi tayo nakikipag biruan sakanya!" nakita ko ang dami ng tao na tumatakbo papunta sa pwesto ko kaya naman ganun din ang bigat sa dibdib ko, Is this the end of me?
"Alyanna!!" Napalingon ako sa tumatawag ng pangalan ko -- It was Levi, riding in his motorcycle, mukha siyang kasali sa gang dahil sa all black niyang suot, naka leather jacket pa ito at boots.
Mabilis na tumigil ang motor na sinasakyan niya sa tapat ko, inabot niya din sakin ang extra helmet niya
"Sakay, bilis." kaagad akong sumampa sa likuran niya at mabilis nya ding pinatakbo ang motor nya
"Levi, hindi ko maintindihan. Bakit ganun yung mga tao? Bakit nila sinusugod si papa?"
"Hindi ka ba nanonood ng balita? Kalat na kalat na sa news yung balita tungkol sa papa mo."
"No. Pinagbabawalan kasi kami manood ng tv ni mommy e."
"Eh sa social media? It's everywhere Alyanna, trending ito sa twitter ah?"
"I- I don't know.." ang totoo ay hindi ko naman talaga alam dahil kakatapos lang din ng exams namin at nag aral ako ng husto dahil kailangan kong habulin ang grade na inaasam ko, I am a consistent honor student sa university na pinapasukan ko and I won't let myself na mahulog sa top ranking.
"Saan mo gusto pumunta?" tanong sakin ni Levi.
"Ikaw na bahala." sinandal ko ang ulo ko sa likuran niya. Alam ko na hindi kami close ni Levi dahil kahit ilang beses ko mang sabihin sakanya na wala akong pake sa away ng father side namin, hindi naman mapagkakaila na naapektuhan pa din ako.
"Aly.."
"Hmm?"
"Okay ka lang?"
"Ano bang ginawa ni papa, Lev?"
BINABASA MO ANG
Before he left.
Romance"You killed my brother." sunod sunod ang pagtulo ng luha ko ng makita ko siya na nakangiti pa habang naglalakad papasok ng school gate. Nagawa niya pa akong ngitian matapos ipapatay ng pamilya niya ang kuya ko. "H-huh? Anong sinasabi mo Aly?" I slap...