CHAPTER I -Writing Bullsh*t

26 3 0
                                    


CHAPTER I – Writing Bullsh*t



"EARTH to Lauren," Nami said rolling her eyes. When Lauren didn't even move, she slap her in the arms, hard. "Lauren!"

"Ouch, Nami!" Magkasalubong ang kilay na sabi ng dalaga sa kaibigan habang hinihimas ang braso, naka-long sleeve siya pero baka kapag sinilip niya ang braso ay may kulay asul ng marka doon. "Ano bang problema mo? Bakit mo ako hinampas?"

"Kanina ka pa kasi niya tinatawag pero hindi mo siya pinapansin," natatawang sabi ni Dianah Jane habang kumakain ng potato chips. Nakatambay sila sa school garden habang hindi pa nagsisimula ang klase, may fifteen minutes pa sila para mag enjoy sa pag-tambay.

"Pero hindi mo pa rin ako dapat hinampas!" Naiinis na reklamo niya, bakit ba hindi pa rin siya nasasanay sa mabigat na kamay ni Nami? Nagulat siya ng bigla siyang niyakap ni Karla.

"Awww...Nami you hurt Lauren," the girl with the light brown hair said while pouting. "Mag-sorry ka kung hindi ipapa-bugbog kita kay Dianah!" Hindi nagsalita si Nami, she just rolled her eyes and cross her arms in front of her chest.

"Where's Allyson by the way," sabi ni Dianah habang ngumunguya sa kinakaing chips. "Kanina ko pa siya hindi nakikita, papasok ba siya?"

"Dumiretso siya kay Mrs. Santos, kita-kita nalang daw mamayang lunch." Sabi ni Lauren na hindi pa rin makakilos dahil sa yakap ni Karla. Lima silang magkakaibigan, kilala na nila ang isa't-isa simula pa yata noong nasa sinapupunan pa sila ng mga nanay nila kaya hindi nakapagtatakang magkakakilala ang mga magulang nila. They understand and respect each other, may mga pagkakataon na hindi sila nagkaka-sundo pero mas marami naman ang mga panahon na magkakasundo sila. Alam niyang maaasahan niya ang mga kaibigan kahit kailan. Ito ang mga kasama niya sa saya at lungkot, sa mga kung anu-anong kalokohan. "So, bakit ka nga nanghampas kanina?" baling ni Lauren kay Nami.

"Nakalimutan ko na kung bakit." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito ng masama. "Basta. Bakit nga pala parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong nalang ni Nami sa kanya.

Now it's her turn to rolled her eyes at her curly haired friend. "Just thinking stuff," kibit balikat niyang sagot.

"Are you thinking about Jason?" tanong ni Karla bigla sa tabi niya, nakayakap pa rin sa kanya ang kaibigan, nakahilig ang ulo nito sa balikat niya.

"Eww, no!" sagot niya agad. Niyuko niya si Karla, nakatitig lang sa kanya ang kulay brown nitong mga mata. "Ilang ulit ko bang sasabihin na wala akong gusto sa kanya, he has bad breath!"

"Bakit Chancho may gusto ka ba kay Jason?" nang-aasar na tukso ni Dianah kay Karla.

"Chee Chee!" Tumuwid ng upo si Karla at binato si Dianah ng kung anong madampot niya, at nagkataong iyon ay ballpen. Naka-ilag naman kaagad ang natatawa nilang kaibigan. Chee Chee / China and Chancho was their thing, para lang iyon sa kanilang dalawa. "Wala akong gusto sa kanya, alam naman nating pumayag si Lauren makipag-date sa kanya kaya na curious ako kung anong kaganapan."

"That's not even a date! He keep following me like a lost puppy kaya pumayag akong makipag kita sa kanya, pero para lang sabihin na wala siyang pag-asa sa akin. Mukang naintindihan naman niya dahil hindi na niya ako nilapitan pa ulit," kibit balikat na paliwanag ng dalaga.

"Good, 'coz he's weird and he dress like my grandfather!" sabi ni Nami na nakikinig pa rin pala sa kanila, nakatutok kasi ang mata nito sa hawak na cellphone. Sa kanilang lima ito ang fashion queen, palaging nasa-uso ang style ng damit at buhok.

"Whatever. Basta wala akong gusto sa kanya period."

"Eh, ano ba ang type mo Lo?" tanong ni Karla na nakayakap naman ngayon kay Dianah, she really loves to cuddle and kiss people. "Sa seventeen years of existence natin sa mundo hindi ko pa yata nakita na nagkaroon ka ng serious relationship. I mean may nakatagal na ba sa'yo ng isang buwan?"

ExperimentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon