CHAPTER IV – Unfortunate Events
"NAMI, SA TINGIN mo anong kulay ng sapatos ang bagay sa damit ko?"Nakangiting lumingon si Karla sa kaibigan, hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawang magkaibang sapatos. Pinasadahan ni Nami ng tingin ang kaibigan mula ulo hanggang paa at ilang saglit na nag-isip.
Naka-suot siya ng high waisted black ripped jeans, yellow long sleeve crop top with white colar, ang buhok niya ay hinayaan lang niya sa natural nitong ayos.
"Hmm," sabi ni Nami habang nakatingin sa dalawang sapatos. Pinili ng kaibigan niya 'yong black high heels na may mga strap. Hindi sigurado ni Karla kung anong tawag sa sapatos na iyon dahil hindi naman maalam ang dalaga sa mga bagay na iyon.
"Thanks Namibear," kontentong sabi niya at hinalikan pa ito sa pisngi.
"Eww, Karla. gusto mo bang sirain ang make up ko?"
"I'm not wearing lipstick," natatawang sabi niya sa kaibigan. Inilagay niya sa gilid ng pintuan ang sapatos at tumingin kay Lauren. Nakahiga ang dalaga sa sarili nitong kama at nagbabasa ng libro, mukang wala pa itong balak mag-ayos para sa party mamaya. Well, sa tingin ni Karla ay hindi naman nito kailangan ng mahabang oras sa pag-aayos dahil kahit ano naman yatang suotin nito ay bagay rito. Nakakainggit din minsan dahil napaka-effortless ng ganda nito.
"Lolo," umupo siya sa tabi nito at naki-silip sa binabasa nitong libro. "Bakit hindi kapa naghahanda?"tanong ng dalaga sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa loob ng kuwarto ni Lauren para mag-handa sa pupuntahan nilang party mamaya.
"Hmm, sila Dianah at Allyson nasaan?" sabi lang ni Lauren habang ang paningin ay hindi inaalis sa binabasang libro. Sinilip niya yung title ng libro, The Fault in Our Star. "Huli kana sa uso Lolo, matagal ko nang nabasa 'yang book na 'yan."
"Paano kong makaka-limutan, eh pumasok kang namumugto ang mga mata dahil dito. May iba lang din akong binabasa kaya ngayon ko lang ito nasimulan."
"Hello people!" Napalingon silang tatlo ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Lauren at iniluwa niyon sila Diana at Allyson na nakabihis na ring pareho. "Dawg, hindi ka sasama?" Tanong ni Dianah kay Lauren ng mapansin ang itsura ng kaibigan nila.
Lauren sigh. "Mamaya pa naman ang party, tatapusin ko lang itong isang chapter."
Nagkibit balikat lang si Dianah at sinimulang ayusin ang buhok. Si Nami ay kanina pa nag-aayos sa buhok niya. Kadalasan itong tatlo ang inaabot ng siyam-siyam sa pag-aayos sa buhok nila. Silang dalawa ni Lauren ay suklay lang ang kailangan, minsan itinataas din ni Karla ang buhok depende sa mood. Lumingon siya kay Lauren at napansin niyang naka-tingin din sa kanya ang kaibigan pero kaagad itong nag-iwas ng tingin at tinutok muli ang mga berde nitong mata sa binabasang libro.
Kanina pa may gustong tanungin si Karla sa kaibigan pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi lang maiwasan ng dalaga na mag-isip dahil sa nakita niya kanina. Wala naman talagang kakaiba sa nakita niya, nag-uusap lang naman silang dalawa. Pero kasi... Hindi iilang beses na nangyari na ang mga lalaking nagugustuhan niya ay si Lauren ang gusto at hindi siya. Iyong tipong akala niya siya ang gusto tapos malalaman niya nalang na boyfriend na ni Lauren yung lalaki kinabukasan. Pero kahit isang beses ay hindi nag-isip ng masama si Karla sa kaibigan. Wala naman siyang magagawa kung ito talaga ang mas nagugustuhan 'di ba? At isa pa, sigurado siyang hindi naman sinasadyang agawin ni Lauren ang mga iyon sa kanya.
Hindi lang bestfriend ang turing niya sa kaibigan, para na rin niya itong kapatid kaya siguro hindi niya magawang magalit dito. Ito lang kasi ang nagt-tiyaga sa kanya lalo na 'nong mga panahon na mayroon siyang hindi pagkakaunawan sa iba pa nilang kaibigan. Hindi siya nito iniwan at pinilit siya nitong unawain.
BINABASA MO ANG
Experiments
Любовные романыOperation called: Moving On From My Best Friend Can two broken hearts help each other to move on? Lauren and Alexander agreed to help each other...but their contract as lovers will expire as soon as they moved on. But one morning Lauren woke up and...