CHAPTER II - Unwanted Feelings
LAUREN was staring at Karla, nakapila ang dalaga sa may counter habang siya ay naka-upo na sa may table nila kasama ang iba pa nilang kaibigan. It's lunch break at gaya ng nakagawian ay sabay-sabay silang kumakain. Nakakuha na silang lahat ng pagkain, medyo nahuli kasi si Karla ng dating. She glance at her friends to see Dianah already eating while Allyson's praying and Nami's on her phone. Ibinalik nalang niya ang paningin kay Karla, only to see a guy approach the brown eyed girl to help her with her tray of food. Nakangiting tumango lang si Karla habang siya naman ay nagsalubong ang mga kilay. It's the same guy who approach her a while ago.
Lumapit sa kanila ang dalawa, inilapag ng lalaki ang tray ni Karla sa may table nila. "Salamat, Xander." Karla said blushing. This is new, she rarely saw Karla blushing unless it's her crush.
"No problem," he said smiling from ear to ear. "Mauna na ako."
"Thanks ulit. I'll see you around, Xander." Umupo si Karla sa tabi niya nang makalayo na ang lalaki. "What?" Tanong nito nang mapansin na lahat sila ay nakatingin sa kanya.
"Chancho, are you not telling me something?" Tanong ni Dianah na sandaling huminto sa pagkain at nang-aasar na nakatingin sa kaibigan.
"What?"Napakamot si Karla sa dulo ng kilay. Natawa ito ng ma-realize ang klase ng tingin na binibigay nila sa kanya. "He's a friend, classmate ko siya sa isang subject ko. Nothing's going on, okay." She said defensively.
"But you like him, don't you?" Nanunukso ang mga mata ni Nami kay Karla. "He's cute."
"He's cute Nami?" sabi ni Allyson. "What's wrong with you? He's hot!" Nagkunwari ang kaibigan nila na pinapaypayan ang sarili. Nagtawanan namang ang iba.
"What do you think Lauren?" tanong ni Dianah sa tahimik na dalaga. "You have some classes together right?"
"I think he's arrogant," kibit balikat niyang sagot. "I don't like him."
"Of course you won't." Dianah said smirking.
"Guys, stop!" sabi ni Karla bago pa makasagot si Lauren. Nakatakip sa muka nito ang dalawang palad. "He's just a friend, okay, end of conversation."
"But you're crushing on him, right? Because I can still see your blush even if you cover your face." Nakangiting sabi ni Allyson. "Don't be shy, I think it's cute." Tila kinikilig na sabi pa ng kaibigan nila habang siya naman ay magkasalubong lang ang kilay.
"Right Chancho, high school na tayo puwede kana mag-boyfriend. Si Lauren nga nakaka-ilang boyfriend na, eh." Dianah said, Lauren just rolled her eyes at her friend. But Dianah's getting under her nerves.
"Whatever guys, he's just a friend okay. Please, just change the subject?"
Buong lunch ay nag-kwentuhan ang magkakaibigan habang kumakain, samantalang si Lauren ay tahimik lang at minsan lang sumali sa usapan. Normal na siyang tahimik pero mas tumahimik siya ngayon. Wala siya sa mood para makipag-tawanan. Sanay naman na ang mga kaibigan niya sa mga mood swing niya kaya pinabayaan nalang siya ng mga ito. Pagtunog palang ng bell ay tumayo na kaagad si Lauren, mabilis na napgaalam sa mga kaibigan bago mabilis tumalikod at kumaripas ng lakad.
Dumiretso siya sa sunod niyang klase, hindi niya rin pinapansin ang mga bumabati at tumatawag sa kanya, dire-diretso lang siyang naglakad. Umupo siya sa regular niyang puwesto sa gitna ng classroom. Isinubsob niya ang muka niya sa dalawa niyang palad at pilit na kinakalma ang sarili. Kailangan niyang kontrolin ang galit niya. Huminga siya ng malalim. Nanatili siya sa ganoong ayos ng ilang minuto, nang masigurong kalmado na siya ay umayos siya ng upo at kinuha ang libro niya sa bag.
BINABASA MO ANG
Experiments
RomantizmOperation called: Moving On From My Best Friend Can two broken hearts help each other to move on? Lauren and Alexander agreed to help each other...but their contract as lovers will expire as soon as they moved on. But one morning Lauren woke up and...