CHAPTER III - Crossed Paths
KINABUKASAN. Nakatitig si Alexander sa hawak na papel, nakuha na niya kanina ang unang sulat sa kanya ng anonymous writing partner niya. And the hand writing was really pretty and neat. Maayos ang pag kaka-construct ng sentence, pati ang spelling ng mga words, hindi pinaikli na parang text.
Hello,
First off, I don't know what to write so let me just introduce myself without really introducing myself, does that make sense? I don't really know. I'm a girl, a very pretty and cute girl, I'd like to say I'm funny and loud but I think most of the time I'm quiet than loud. I'm only loud when I'm around with my friends; they're the only one who I can show my true self.
Enough of me, how about you? Do you think this assignment will really help us to communicate and associate better with other people?
Wala namang sinabi si Ma'am kung gaano kahaba at kung ilang paragraph ang kailangan nating isulat 'di ba? So.. I will say my goodbye now. I don't know how to end this letter so I just won't. haha. ;)
Napangiti lang si Alexander matapos mabasa ang sulat, agad siyang kumuha ng papel at ballpen para gumawa ng reply. Hindi siya mahilig magsulat kaya hindi niya alam kung bakit natutuwa siyang reply-an ito. Kung sino man ang writing partner niya ay parang gusto niya kaagad itong makilala sa personal.
Wala sa loob na napalingon siya sa lamesa 'di kalayuan sa puwesto niya, dahil sa malalakas na pagtawa. Nakita niya si Lauren na nakayuko sa may lamesa at halos hindi na makahinga sa kakatawa. Napakamot nalang ang binata sa may dulo ng kilay habang nakatingin sa dalaga, parang kahapon lang ay halos sumayad ang nguso nito sa lupa dahil sa pagsimangot ngayon naman ay tumatawa ito, daig pa ng panahon ang pagbabago-bago ng mood. Napalingon siya kay Karla na naka-piggy back ride sa kaibigan nitong si Dianah. Napapanigiti lang si Alexander habang nakatingin sa dalaga. Nakakahawa kasi ang kasiglahan nito, kahit sinong wala sa mood ay mapapa-ngiti. Isa iyon sa nagustuhan niya sa dalaga, ang pagiging masayahin nito.
Kilala na niya ang limang magkakaibigan dahil naging classmate na niya ang mga ito sa magkakaibang subject simula pa lang noong first year sila. Palaging magkakasama ang lima at halos hindi napaghihiwalay, sikat rin ang grupo ng mga ito sa campus. Si Lauren ang tinuturing na Campus queen bee kahit ilang beses nang sinabi ng dalaga na hindi nito gusto ang titulo ay wala na siyang nagawa dahil iyon na ang tawag sa kanya ng lahat. Si Karla naman ang Campus sweetheart, si Dianah ang president ng singing club, si Nami naman ang sa dance club at si Allyson ang Campus president. Imposibleng hindi mo makilala ang magkakaibigan kahit frehman ka palang. They also have that positive yet intimidating vibes around them.
Napalingon si Karla sa gawi niya at nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at kumaway sa kanya kahit nasa likod pa ito ni Dianah. Kumaway rin siya sa dalaga. Tawagin niyo na siyang bakla pero hindi mapigilan ni Alexander na kiligin at matuwa dahil pinansin siya ng ultimate crush niya. Then he saw Lauren in the corner of his eyes frowning at him. Masama pa rin ba ang loob niya sa akin, wala naman akong ginagawa sa kanya, huh?
"Alex!" Bulyaw sa kanya ni Evan na katabi lang din naman niya. Inis na nilingon niya ito. "I thought you'll help me with Lauren."
"I thought it's already clear to you that we're not close and that she elbowed me yesterday!" Alexander said to his annoying friend.
"But I did your math homework and I let you borrow my car yesterday! Isa pa alam mo namang mahina ang loob ko, konting tulong lang naman ang kailangan ko dahil sa ating dalawa ikaw ang malakas ang loob na lumapit sa mga babae."
BINABASA MO ANG
Experiments
RomanceOperation called: Moving On From My Best Friend Can two broken hearts help each other to move on? Lauren and Alexander agreed to help each other...but their contract as lovers will expire as soon as they moved on. But one morning Lauren woke up and...