tdpm 11

8.6K 209 1
                                    


Chapter eleven

Natuloy din silang kumain sa labas .

Harris was so determined not to cross the line again, not before they are married,kaya kahit sinabi niyang mag-order na sila ay wala ding nangyari.Mas malakas ang temptation kung nasa bahay lang sila,kaya halos hilain siya ng lalake pasakay sa kotseng gamit nito.

And boy, yung ngiti niya umabot na hanggang tainga. Dahil naghihintay sa loob ng kotse ang isang pumpon ng bulaklak.

At halos humagalpak siya ng tawa nang malaman niya ang dahilan kung bakit iniwan ng lalake ang bulaklak doon. "Baka kasi isaksak mo sa baga ko ang mga rosas na yan,kung ibibigay ko sa iyo na hindi pa tayo nagkakaintindihan." Wika nito.

"Wanna go buy that ring,now?" tanong ni Harris habang kumakain sila sa isang pizza parlor.As usual,pizza ang sa kanya at pasta naman para sa lalake,pero nang magsawa siya sa kinakain niya,nakihati siya sa pagkain nito.

Tiningnan niya ang lalake.

"Are you proposing?" tanong niya.

"Sana,kaso wala naman akong singsing na dala."

"Okey."

"Okey?"

"Okey,I understand.Walang singsing,walang proposal.Pero okey lang,I can wait."

Napangiti ang lalake.Oh,how she loves this man.Napangiti na rin siya.

They didn't go buy that ring that afternoon.Sunod-sunod ang mga tawag ng mga kapatid niya,tinatanong kung nasaan na sila.Sa huli,kinuha ni Harris ang telepono at isa-isa nitong kinausap ang mga iyun.Nangako ito sa kanila na kakain lang daw sila sa labas at hindi sila lalagpas sa boundary.

Ang ikinaganda lamang ng pagiging reliever niya,hindi siya nakatali.Kaya nang magdesisyon silang umuwi sa probinsiya,dahil ayaw bumalik ni Harris nang hindi siya kasama,kinausap na lamang niya ang kanyang head nurse na pagkatapos ng huling duty niya ay hindi na siya tatanggap pa ng iba.

Tatlong araw na sila sa probinsiya, pero wala pa ring singsing ang daliri niya.Nahiya naman siyang magtanong o kulitin ang lalake.

Nakabihis na siya.Pero wala pa rin ang lalake.May usapan sila na manonood ng sine.Madalas silang kumain sa labas,pero ang manood ng sine ang hindi pa nila nagagawa,kahit noong magkaibigan pa lamang sila.

Narinig niya ang andar ng motorsiklo nito, kaya dali-dali siyang lumabas sa silid na inuukopa niya.Pero pagdating niya sa sala,nagtaka pa siya nang mapansing parang kumpleto sa attendance ang mga Villa Roman cousins at ang mga asa-asawa ng mga ito.Pati ang kanyang ate Jeje at kuya Halden ay nakabihis din.

Napatingin siya kay Harris. "Sorry," he mouthed.

It was supposed to be an intimate date,pero ang mga asar na pinsan ng lalake pati na rin ang mga asa-asawa ng mga ito,nagpilit sumama.Ang nangyari naging couple's night ang date nilang dalawa.

"Ano? Ibinigay mo na ba?" narinig niya na tanong ni kuya Halden.Pumunta silang mga girls sa CR, habang hinihintay nila ang oras.

"Shut up." Wika ni Harris.

"Ang hina mo naman, pinsan." Kantiyaw ni kuya Lex.

"Gusto mo ng tulong?" tanong naman ni Ricky.

"Don't tell na naduduwag ka na naman?" si kuya Harley.

"Guys, stop it." Sumabad si kuya Reece. "Air conditioned na dito pero hayan at pinagpapawisan si Pinsan...he's nervous."

Natahimik ang mga ito nang mapansin ng mga itong bumalik na sila.Kanya-kanyang lapit ang mga barako sa mga asa-asawa nila.

The Doc's Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon