tdpm 1

22.3K 313 5
                                    


Note: hanggang teaser pa lang ako...tatapusin ko lang  po ang story nina reece&annie  at harold&grace...and it's Dr.Harris Villa Roman's turn.

19 apr 2016

Chapter one

Kung ilang beses na niyang binasa ang text back message ng kanyang ate Emily, ang panganay sa lahat ng kanyang mga kapatid. Dati din itong isang overseas Filipino worker, kaya alam nito kung paano ang mabuhay sa abroad.Actually pinadali lang ng nasabing text message ang kanyang desisyon na umuwi na nga sa Pilipinas for good. Kung baga, nakadesisyon na siya dati pa,at ang text ng ate niya ay parang kumpirmasyon na lang.

Twenty four na siya, ngunit dahil siya ang bunso sa anim na magkakapatid, and they, her older siblings, practically raised her,after their parents died when she was thirteen,feeling ng mga ito thirteen pa rin siya na kailangan protektahan.Hindi naman sa hindi niya na-a-appreciate iyun,siyempre natutuwa siya na kahit nasa tamang edad na siya ay kapakanan pa rin niya ang iniisip ng mga ito.

It's time to go home. Kaya naman hindi na siya nag-renew pa ng kontrata.

But normal life? Hmm, idi-discover pa niya kung ano nga ba ang normal na buhay pagkatapos ng mga nasaksihan at naranasan niya bilang isang nurse at field worker ng isang humanitarian group.

Hinihintay na niya ang kanyang boarding time sa Freetown-Luigi International airport,isang dating British air base sa Sierra Leone.At habang nagpapalipas siya ng oras,hindi niya maiwasang balikan ang nakaraan kung paano siya napunta sa bansang iyun.

Pagkatapos ng kanyang graduation noon, at pagkatapos niyang maipasa ang kanyang board exam,nahirapan siyang makahanap ng trabaho,katulad ng isang tipikal na nursing graduate.Kaya naman nag-volunteer siya sa ospital kung saan siya nag-training noong estudyante pa lamang siya,dahil lahat ng aplayan niya,hinahanap ang working experience.Pagkatapos ng anim na buwan,nabigyan siya ng pagkakataon bilang maging reliever,ibig sabihin tatawagan at magkakaroon lamang siya ng duty kung may hindi makakapasok sa mga regular na empleyado.Nagtiyaga siya ng mahigit isang taon na walang permanenteng kita,kaya kahit mahigit dalawang taon na siyang graduate ay binibigyan pa rin siya ng allowance ng mga kapatid niya.

Nawawalan na siya ng pag-asang makakuha ng permanenteng trabaho, nang magkaroon siya ng interes sa MSF-medicins sans frontieres. Si kuya Halden, ang doctor na asawa na ngayon ng isa pa niyang ate,si ate Jeje,ang nagbigay ng ideya sa kanya.Limang taong MSF field worker ito,bago nagdesisyong bumalik na sa bansa.

Kuya Halden was trying to win back her sister's affection , kaya naman madalas ito sa bahay nila noon.Dating nobyo ito ng kanyang ate.Ngunit nagkahiwalay ang dalawa.Pagkatapos nun ay umalis ang lalake para maging field worker sa MSF o mas kilala sa English speaking countries na Doctors without boarders.Hindi naka-get over ang lalake sa ate niya,kaya nang bumalik ito sa bansa ,bumalik din ito sa ate niya,at kaya panay ang effort nito sa panliligaw uli.

KAgigising lang niya mula sa night duty nang dumating ang lalake. Wala pa ang ate niya dahil naipit ito sa trapik.At habang nilalantakan niya ang dala nitong meryenda,panay ang kuwentuhan nila.Nabanggit nito ang tungkol sa mga naging karanasan nito habang nagtatrabaho sa MSF.Naging interesado siya,kaya nang dumating ang kanyang ate,iniwan na niya ang mga ito,at pumasok sa kanyang silid.Doon ay pinuntahan niya ang website ng nasabing medical humanitarian organization.At habang binabasa niya ang mga impormasyon doon at sharings ng mga field workers,lalo siyang naengganyo.Wala pa siyang masyadong karanasan ngunit,wala namang mawawala kung susubukan niya.Ang tanging mailalagay niya sa kanyang online application ay ang halos dalawang taon niyang pagbo-volunteer at pagiging reliever sa isang maternal and newborn tertiary hospital sa Manila.Pagkatapos niyang kunin ang self assessment test na requirement bago mag-fill up ng application,ay ipinaasa na niya iyun.

The Doc's Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon