tdpm 10

8.2K 206 6
                                    


Chapter Ten

Hindi lamang ang kanyang ate Rhia ang sumama sa appointment niya sa doctor.Maagang umuwi ang kanyang bayaw,at ito pa ang nagmaneho papunta sa ospital.

Hindi siya mapakali habang hinihintay nila ang mga blood results at urinalysis.Kinakabahan siya na hindi niya mawari.Pero bakit nakaramdam din siya ng disappointment nang sabihin ng doctor na hindi siya buntis. Gastroesophageal reflux disease, heart burn, acid indigestion...iyun ang ilan sa mga tawag sa kalagayan niya.At kaya naman siya nahihilo ay dahil sa kakulangan ng katawan niya ng iron at dahil na rin siguro sa puyat kaya mababa ang dugo niya.

Nakasunod lang siya sa ate niya habang hawak-hawak niya ang mga resetang ibinigay ng doctor.

"Okey ka lang?" tanong ng ate niya,habang hinihintay nila ang mga gamot.

"I don't know.I'm relieved,pero bakit disappointed din ako?Patingin na rin siguro ako sa psychiatrist ,'te?".

"You'll be fine....sa una lang yan.It'll get better." Pampalubag ng ate niya.

"Sana nga..."

Kinausap niya ang kanyang head nurse na hindi na muna siya makakakuha ng mga duty.Kailangan din muna niyang isipin ang kanyang kalusugan.

And yet it still frustrates her.Dahil balik na naman siya sa zero.Dahil wala siyang trabaho,mas marami na naman siyang oras para isipin ang lalake.Ang isang advantage lang siguro ng pag-i-stay niya sa bahay,ay mas nakaka-bonding niya ang mga pamangking sina Henry Ford Lin V o Pipo at Eneru Lawrence Yap Mercado o Lance.Imbes na papuntahin ang baby sitter ay siya na muna ang nag-aalaga sa mga pamangkin.Pero tinulugan naman siya ni Pipo pagkatapos mainom ang gatas nito.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may taksing huminto sa harap ng bahay nila.

"Kuya Seth!" tawag niya nang makilala ang dumating.Tumayo siya at sinalubong ito. "Bakit di mo sinabing darating ka ngayon...?" naputol ang tanong niya nang makita ang hitsura ng kapatid. "Ano'ng nangyari?Kuya?". nakasaklay ito,at may support bandage ang kanang paa nito.

"Wala ito.Aksidente sa trabaho. Malayo sa bituka...napabilis lang ang bakasyon ko." Nakiusap ito sa taksi driver na pakipasok ang nag-iisang bagahe nito.

"Pero..."

"I'm okey,Isang.Ikaw nga diyan,sabi ni Rhia,may sakit ka daw?".

"Magaling na ako...ayaw lang akong payagan ni ate na kumuha na uli ng duty.Mas malala pa yun sa guwardiya sibil...Pero ano ngang nangyari?"

"Nahulog ako habang inaayos ko yung mga kable...hindi naman mataas, kaso masama yung pagkakabagsak ko,kaya hayan,bali ang buto.Hindi naman ako puwedeng magtrabaho,kaya nang dumaong ang barko sa Hong Kong,pinayagan na akong umuwi kahit na next month pa ako dapat magbakasyon....maiba ako." Nabayaran na nito ang taksi driver at nakapagpasalamat na rin. "May boyfriend ka na?"

"Kuya!"

Natawa ang lalake. "Sabagay ikaw naman bunso, kaya paunahin mo muna ako,okey?"

"Are you getting married?"

"Sino naman ang magpapakasal sa akin?".

"Hopefully not that bitch Tara who took your money..." wika niya.Girlfriend ng kuya niya si Tara noon bago ito nakasakay sa barko.At nang kumikita na ang kapatid 'bilmoko' na ang babae,hanggang sa dumating sa point na nangutang ito ng pang-start daw sa negosyo.Pero nang makuha ang pera,nabalitaan na lang nila na may iba pa pala itong boyfriend.

"Don't worry, little sister.I have learned my lesson...may makakain ba diyan?"

Umiling siya. "Order na lang tayo?".

The Doc's Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon