08.

14 0 0
                                    

(Ella's Pov)

*kring!! Kringg!!*

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, agad ko namang tinignan ang orasan at *timecheck* 6:30 pa lang, Maaga pa.
Naalala ko naman na ngayon pala ang first day ni Baekhyun sa trabaho nya. Aish! Kailangan rin pala naming maaga pumasok. -___-

Pumunta naman kaagad ako sa kwarto ni Baekhyun para gisingin sya. Gising na kaya sya? O tulog paden? Haist! Di mo malalaman Ella kung di ka papasok sa kwarto nya..

Kumatok ako kaso walang baekhyun ang bumukas ng pinto. Sa pangalawang katok wala pa den, takte! Anyare dun kay baekhyun? Baka tulog pa, di nako nag dalawang isip na kunin ang duplicate key at agad itong ginamit para buksan ang pinto nung baekhyun nayon.

Pag bukas ko...isang natutulog na baekhyun lang naman ang nadatnan ko.

PUTA!

KALA KO TULUYAN NA SYANG NILAMON NG KAMA NYA! ><

Agad naman akong umupo sa kama nya at tinignan sya habang natutulog, ang cute nya talaga pag natutulog 😊 mukha talaga syang anghel na bumaba dito sa lupa..di kaya anghel talaga to? Pero imposible eh! Wala syang pakpak kaya tao sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng bigla syang magsalita kaso nakapikit padin ang mata nya. What da--- gising pala sya??

"Ah eh....andito ako para gisingin ka! Oy! Gising na! May pasok pa tayo! Remember? First day mo ngayon sa trabaho mo kaya be ready, sige na bumungon kana jan!" Palusot ko sa kanya. Hota! Nakakahiya! Nakita nya kong nakatitig sa kanya!!

"Ummm..naantok pa ko eh!"

"Aba't di pwede yan baekhyun, sige na gumising kana! Bahala ka jan iiwan talaga kita mamaya!" Aakma na sana akong tatayo pa labas ng kwarto ng biglang....
Ng bigla.....nya kong hinatak dahilan para mapaupo ako sa lap nya, sheyt! Ano to???!!

"Pls! Wag mo kong iwan Ella" at agad nya kong niyakap ng mahigpit. Wattda--pangalawang beses nya nakong niyakap ah!

"Pwede ba baekhyun! Ano na naman ba tong gimik mo ah? Sige na maligo kana at baka ma late na naman tayo neto sa trabaho" at ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap nya saken. Anong ibig sabihin nya na wag ko syang iiwan? Ano yun forever na syang titira dito? Para lang di ko sya iiwan? Anong ka putanginahan nyon ha?!?

"Sorry, sige na maliligo nako. Hintayin mo na lang ako sa baba"  at agad na syang tumayo at dumiretso sa CR nya.
At ako naman naligo narin ako para kakain na lang kami mamaya..

*fast forward*

Andito nadin kami sa coffee shop at sakto lang pagdating namin dumating din si maam rara, at mukhang...Blooming? Bat kaya? Di ako sanay na makita si Maam na nakangiti ah! Nasanay na kase ako sa mga aura nya na animo'y kala mo araw-araw lugi ang shop dahil sa init ng ulo nya.
But now, i dunno kung bakit ganon nalang ang good mood ni maam. Di kaya sinapian to ng mabait na espiritu?

MY ANGEL (EXO BAEKHYUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon