05.

24 0 0
                                    

(Ella's Pov)

Nagising ako sa mainit na sikat na araw na tumatama sa mukha ko. Tumayo ako at tinignan kong anong oras na *timecheck*
8:00 am, Nak ng....LATE NA K@O!!

8:30 Kase ang pasok ko, at mukhang napasarap ata ang tulog ko at ngayon lang ako nagising. Agad akong pumunta sa CR para gawin ang morning rituals ko. Alam nyo naman kung ano yun diba?

Mabilisan lang lahat ng pag-kilos ko kase once na mag bagal bagal pa ko, baka granadahin na naman ako ng boss ko ng mga salita.

Tapos ko na lahat pati ang pagbihis, di na ko kumain ng almusal doon nalang sa trabaho. Kase male-late na talaga ako ang natitirang oras nalang saken is 15 mins.

Paglabas ko ng kwarto sinilip ko muna sa kwarto nya si Baekhyun..tulog pa sya nung madatnan ko, aish! Iti-text ko nalang sya mamaya. Late na talaga ako eh!

*fast forward*

Andito nako sa coffee shop na pinapasukan ko ngayon, buti nalang maluwag ang kalsada kanina kaya wala pang 10 mins eh! Naka pasok nako. Salamat naman di ko naabutan si Maam Rara namin na daig pa ang 'meron' dahil sa sungit.

"Buti naman di ka na-late Ella, naku kundi. Handa mo na yang tenga mo sa mga sermon non" natatawang sabi ng ka work mate kong si shellie. Kaibigan ko rin sya dito kase magkasama kami sa pag prepare ng mga kape dito para sa mga customers.

"Hahaha, iba pa naman yun si maam, palibhasa kase wala pang lablayp kaya kung maka sungit kala mo daig pa ang merong mens sa kanya" sabi naman ng isa kong kaibigan at ka work mate ko rin nasi Aers.. barista rin sya kagaya namin kaso madalas syang ia-sign bilang cashier dito.

"Sshh. Tumahimik nga kayo, baka marinig kayo ni maam. Sige na may customer oh! Handa nyo na yung mga cups ako na mag eentertain" sabi ko. At agad ng ngumiti sa kararating palang na customer.

Ang Gwapo nya habang namimili ng kape sa menu, nakakatulo ng laway Shemmss!

"Ah excuse me miss..naririnig mo ba ko?" Di ko namalayang nakanganga na pala ako habang tinitignan sya. Tengene! Nakakahiya -___-

"Ah eh..s-sorry po sir..ano po bang order nyo?" Tanong ko.

"Isa ngang mocha latte coffee.. take in" at agad ko na nga iyong pinindot sa computer at agad na binigay iyon kanila shellie..

"Ah okay po sir. Eto po yung change nyo 50 won , paki hintay nalang po yung order nyo. Thank you sir and sorry" at agad akong tumingin sa baba, nakakahiya talaga yung kanina. Sarap uminom ng asido (-___- )

"Hahaha! Its okay, don't say sorry. Madami narin akong naka encounter gaya mo. Sige una nako" at pumunta na nga sya sa malapit na mesa at hinantay nga ang coffee na inorder nya.

Wait! Wag mong sabihing namumula ka Ella? No! Naka blush on ka lang.. remember?

Agad na ngang binigay ni aers ang inorder na coffee nung lalaki at agad nya itong ininom.

PATI PA NAMAN PAG INOM? HOT PADEN??
ASAN ANG HUSTISYA??

"Hui! Natutunaw na si sir kakatitig mo sa kanya hahaha" napatalon naman ako ng biglang magsalita sa likod ko sila shellie.
Langya! panira ng Moment -___-

"Ayyiieee...na love at first sya kay sir pogi." At kiniliti ako ni aers. Luh? Love at first sight? Di rin ah! *kinikilig*

"Pwede ba, tigilan nyo ko. Kung anong pinag sasabe nyo jan ang mabuti pa linisin nyo nalang yung mga mesa at baka matuwa pa ko sa inyo at hindi ko ituloy ang pagsapak sa inyong dalawa" sabay walk out ko at lumabas ng coffee shop.
Wooohh! Kailangan ko munang mag pahangin..naaalala ko na naman kase yung nangyare kanina eh! >_<

Agad ko namang naalala si Baekhyun,
Oo nga pala! Hindi pa pala ako namaalam dun kanina tulog kase sya eh! Alangan namang gisingin ko. Baka manapak pa yun bigla.

To: Baekhyun

Hello! Pasensya na kung di ako naka pag-paalam sayo kanina bago ako umalis, nag mamadali na kase akong pumasok kanina sa trabaho kanina kaya di na kita nagising pa. Kaya mo naman siguro magluto noh? Mag luto ka nalang jan ng pwede mong makain sa ref, mamaya pa ko uuwi mga gabi na siguro, kaya wag mo na kong antayin kumain mamaya. Remember 'cook your own food' sige na kinumusta lang kita. Bye!"

From: Ella ❤

Yan na, na text ko na rin sya sa wakas. Sana mabasa nya yung message ko. Nako! Baka paggamit ng cellphone di nya pa alam.
Nakaka curious nga yung baekhyun na yun eh! Biruin mo ba namang di nya alam ang tawag sa cellphone at kung pano gamitin? Haist! Taong bundok ata yun eh!

habang nag papahangin..di ko namalayang nasa harapan ko na pala sya...sino pa kundi si sir hot kanina.. kalma lang ella kaya mo yan. Inhale exhale!

"Uhm..thank you nga pala sa pag serve ng order ko kanina...Ella" nagulat naman ako ng nalaman nya ang pangalan ko.
Agad ko namang tinignan ang name plate ko sa coat ko at oo nga doon nga nya nalaman ang pangalan ko.

"Hahaha! Wala po yun sir tungkulin ko pong mag serve sa mga kagaya nyong costumer" kinakabahan kong sabi.

"Hahaha! I see, by the way my name is Park Jin Young, Junior for short" sabay lahad ng kamay nya saken. Makiki pag shake hands ba ko?

"Nice to meet you po sir junior, Ella jenine kim is my real name po" at napilitan akong makipag shake hands sa kanya. Wala eh! Mahirap tanggihan ang isang gwapo, hot at attractive na kagaya nya.
Siguro nga baka may Girlfriend na sya eh!

"Nice to meet you too Ella, so...i need to go at my office now, late narin kase ako eh! i hope magkita pa tayo ulet"

"Ah sige po, ingat po sa byahe sir. Wag po kayong mag-alala dito padin po ako magta-trabaho at makikita nyo parin po ako dito. Sige na po sir, una narin ako sa loob. Bye sir junior!" Sabay wave hands ko.
aish! sana dito pa bumili si sir ng kape.
Para MAGKITA PA KAMI!! *blush*

"okay, bye Ella" sya at pinaandar na nya ang kotse nya. Samantalang ako nakatingin pa sa kotse nya kahit malayo na ito. Gusto ko sanang tanungin kong may girlfriend na sya kaso...NAKAKAHIYA! baka isipin nya pang nangingialam ako sa relationship nila..

Ng mawala na ang kotse sa paningin ko napag desisyunan kong pumasok na ng coffee shop baka madami na ang customer dun at baka kailangan rin ako dun sa loob.

Papasok na sana ako ng biglang may tumawag mula sa likuran ko.

"ELLA!!" Tawag nya. Lalaki ang boses nya at isa lang naman ang kilala kong may alam ng pangalan ko..

Agad akong tumalikod para malaman kong sya nga ang hinala ko..

Confirmed na sya nga... Si BAEKHYUN...

pero anong ginagawa nya dito at pano nya nalaman ang coffee shop na pinapasukan ko??

*******

maraming salamat sa mga nagbabasa netong MY ANGEL..
keep voting lang guys, 😃

Huehue..wala nakong masabi eh! Im totally speechless XD

Mag a-update ako after ng isang linggo kase ngayong araw magiging busy ako.
So pakihintay nalang ang update ng next chapter.

감사함니다! ❤

Next 05.➡➡➡➡

-MissPinkGorgeous😉

MY ANGEL (EXO BAEKHYUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon