(Ella's Pov)
Makalipas ang ilang oras ng byahe, sa wakas narating ko narin ang condominium ko na pinamana pa saken nila mom and dad nung nabubuhay pa sila. Ngayon ko lang to matitirhan kaya sobrang excited nako sa magiging bahay ko.
Andito nako sa harap ng condominium ko, eto nayon..dito na nga talaga nagsisimula ang bago kong buhay na mag-isa...
Di nako nag dalawang isip at kaagad ng binuksan ang pinto ng condo ko.. pagpasok ko sobrang lawak nya at linis,
Kompleto narin sya sa mga gamit magmula sa kitchen utensils, living room appliances at bedroom accessories..
Kahit wala na sila mom nagpapasalamat padin ako dahil kahit isang mana lang ang nakuha ko etong condo ko what i mean..
Di pa pala nila ako nakakalimutan..Agad kong binaba ang mga maleta ko sa baba at nag start ng mag libot-libot..
Sa paglilibot ko, may agad na pumukaw ng atensyon ko dahilan para lapitan ko iyon at tignan..Isang frame...
frame na kung saan andun ang litrato namin nila mom and dad na magkasama. Habang naka yakap saken..
Di ko maiwasang maluha dahil naalala ko na naman ang mga memories ko kasama sila mom nung nabubuhay pa sila..
"Siguro kung hindi kayo namatay, masaya pa sana tayo mommy at daddy. Miss ko na po kayo" sabay yakap ko sa frame. Ilang years narin ng iwan nila ako ni mom at hanggang ngayon sariwa parin yun sa isipan ko.. sariwa pa sa isipan ko na wala na talaga sila at mag isa nalang ako ngayon..
Agad ko namang binitawan at nilagay sa maayos na kalalagyan ang frame..
Naalala ko madami pa pala akong gagawin at hindi ngayon ang time para sa ka dramahan ko.(Baekhyun's Pov)
Hello! Ako nga pala si Baekhyun :) okay tama na ayokong maging budoy XD
Ang isang katulad ko ay hindi pangkaraniwang nilalang alam nyo kung baket?? Dahil isa akong ANGHEL,
GUARDIAN ANGEL NI ELLA...
Oo tama kayo ng basa, isa nga kong masugid na taga pag bantay ni Ella or guardian angel tawagin..
Simula nung isinilang at hanggang ngayon lagi ko syang binabantayan, at lagi lang akong nasa tabi nya kahit san sya magpunta andon ako.. kahit nga maligo sya nakikita ko eh! In short nakita ko na ang buong katawan nya..
Pero walang malisya saken yun kase normal lang naman sa katulad ko na makita yun dahil nga guardian angel nya ko, lahat ng kilos, salita, drama nakikita ko lahat iyon. Bilang guardian angel ni Ella syempre tungkulin kong alagaan at ilayo sya sa mga kapahamakan na pwedeng mangyare sa kanya..
Andito ako ngayon sa kaharian namin sa langit, madami kaming mga anghel dito at lahat sila guardian angel rin tulad ko..
andito kami ngayon dahil may sasabihin samin ang pinaka nakakataas na pinuno samen syempre anghel rin sya tulad namin."Makinig kayo ng Mabuti sa sasabihin ko mga aking tagasunod na anghel" utos nya samen. Ano naman kaya ang sasabihin nya?
Dahil don lahat kami ay nakinig ng maigi at hinihintay ang sasabihin nya.
"Pinatawag ko kayo ngayon dahil meron akong mahalagang sasabihin sa inyo"
"Ano naman po iyon kamahalan?" Tanong ng kapwa kong anghel na si lay.
(A/n: oo si lay nga po mga ka readers, mukha kaseng angel si lay eh! Tas diba mukhang inosente? Kaya sya ang napili ko bilang ka lahi ni baekhyun as an angel)
"Matagal ko na tong napag isipan at ngayon ko lang napag desisyunan na gawin to...may misyon kayo Isa sa inyo ang bababa sa lupa para samahan ang isang taong mapag-isa at makisalamuha sa kanya bilang TAO" bababa sa lupa?? Dadamayan ang isang taong mapag isa?? Hayy! Naalala ko tuloy ang binabantayan kong si Ella, mag isa nalang kase sya ngayon..
Pero..sino kaya yung maswerteng anghel nayon?? Hula ko si lay yun. Yung binabantayan nya rin kase ay mag isa nalang din eh! Malabong maging AKO YUN -__-
"At sino naman po ang mapalad na anghel na iyon kamahalan?" Na e-excite na tanong ng mga kapwa ko anghel..
"Si Baekhyun, sya ang napili ko para gawin ang misyon"pagkasabi nun saken, halos lahat ng kapwa ko anghel ay tumingin saken at halatang-halata sa kanila ang kasiyahan.
"A-ako po??"
(Ella's Pov)
Andito padin ako sa condo ko at kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit ko. Haist! Nami-miss ko na sila mitch at pati sila tita.. speaking of tita matawagan ko nga sya, naalala ko hindi pa pala ako namaalam kanina about sa pag alis ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at nag start nakong tawagan si tita, sana...hindi na sila busy..
*kringg! Kringg!*
"Hello Ella bat ka napatawag" nagulat ako ng sagutin ito ni tita. Aish! Ano kayang magiging reaction nya pag nalaman nyang umalis nako sa bahay?
"Uhm..tita may gusto po sana akong sabihin. Sana po wag po kayong mabigla"
"Bakit? Ano ba yun? Buntis ka ba Ella? Ha!!?? Sino ama nyan? Ng itakin ng tito mo, sabihin mo!!" Nagulat ako ng sabihin iyon ni tita. Whuut?? Ako buntis?
OF COURSE NOT!
WALA PA NGA KONG BOYFRIEND EH!
SI TITA TALAGA KONG ANONG NASA UTAK..
"Ah..tita hindi ako buntis ano ba kayo, may mahalaga lang akong sasabihin sa inyo, tita kase eh! Kung ano-ano ang naiisip ng utak" sabi ko.
"Ah ganon ba? Im so sorry Ella kala ko kase kung buntis kana eh! Buti naman hindi pa"
"Okay lang po yun, uhm..tita eto na nga po kanina po kaseng 5:00 ng hapon uma----" hindi natuloy ang sasabihin ko kay tita ng makarinig ako ng parang kalabog sa labas ng condo ko. Putspa! Ano ba yun??
"Ah tita, mamaya ko nalang kayo tatawagan, may something kase dito na kailangan kong ayusin, bye po tita!" Sabi ko. Haist! Yun na yun eh! Sasabihin ko na! Kaso...may paharang! Sino ba yun??
Pag katapos kong inend call ang tawag kay tita. Agad akong kumuha ng pwedeng ipalo sa magnanakaw. Oo baka magnanakaw nga! Uso pa naman ngayon ang nakawan.
Grabe pati condo hindi paawat. Kumuha ako ng isang base ball bat sa may bodega dito at nagsimula ng lumakad ng dahan dahan patungong pinto.
JUSKO! JUGIGO! Baka killer to, wag naman sana -__-
Unti-unti kong pinihit ang door knob at pagbukas ko.....
Hindi magnanakaw....
Hindi killer....
.
.
.
.
.
.
.
.
.Kundi isang lalaki na NAKA HUBOT-HUBAD!!
Wait! Naka hubot hubad?? No!! My virgin eyes..><
"Ah hello...." at tuluyan na nga syang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay dahilan para mataranta ako.
"Oh sh*t! Ui! Gising!!" At agad kong tinapik tapik ko ang mukha nya.
ANONG GAGAWIN KO??
*******
Okay..alam kong mabilis ang pangyayare..
Wahaha!. :)))Nakakatamad mag author's note,
Sige guys hantayin nyo nalang ang next update ko ^^Next 03. ➡➡➡➡
-MissPinkGorgeous😉
![](https://img.wattpad.com/cover/70535144-288-k991689.jpg)
BINABASA MO ANG
MY ANGEL (EXO BAEKHYUN FF)
AcakAkala ko hindi totoo ang mga ANGHEL... Na hindi totoo na may GUARDIAN ANGEL sa tabi natin... Pero nagkamali ako... Simula nung makilala ko sya masasabi kong... He is MY ANGEL... ❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌⭕❌ This short story is Dedicated To all Baekhyun Biased! READ...