04.

16 1 0
                                    

(Baekhyun's Pov)

Pagkatapos kong magbihis agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si Ella.
Ngayon nya na raw kase sasabihin yung mga rules nya.

Habang nag lalakad ako para hanapin sya bigla akong napatigil ng may makita ako...

Ang salamin...

Agad akong humarap sa salamin at kinapa kapa kung totoo na nga ba talaga akong tao, na baka may pakpak pa ko hindi nya lang nakikita..

Pag sisisihan ko ba kaya tong pagiging tao ko? Magiging anghel pa kaya ako? O forever na kong magiging ganto...isang Tao..

"Ui! Anyare sayo? Bat ganyan ka makatingin sa salamin?" Halos napatalon naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.. si Ella lang pala, na may hawak na notebook at isang ballpen.

"Huh? Ah w-wala.. uhm..ano ba yang mga rules mo? Matignan nga" sabay hablot ko sa notebook na dala nya. Agad ko naman itong binasa at inintindi.

1. 10 steps away from me
2. 2 to 6 pm ako ang unang manunuod and take note: 'WALANG PAKIELAMANAN'
3. 6 To 9 ikaw na ang manunuod ng TV and take note: make sure hindi 'PORN' ang pinapanuod mo.
4. Cook your own food
5. Wash your own clothes
6. Kanya kanya ang linis ng bahay, bawal ang tatamad tamad.
7. DON'T TOUCH..

And for lastly....

8. DON'T FELL IN LOVE..

Matapos kong basahin ang lahat ng rules na nakasulat sa notebook, ngayon ko lang na realize na 10 steps away from me??
Pano kung---

"What can you say? Agree kaba?" Tanong nya saken..

"Bakit 10 steps away from me? Pano kung may kailangan akong sabihin sayo or may emergencies? Pano ko----"

Nagulat ako ng may bigla syang binigay saken di ko alam kung anong tawag dun basta alam ko isa syang uri ng teknolohiya.

"Here! Magagamit mo yan, about naman sa sinabi mo kung pano mo ko kakausapin kung may gusto kang sabihin saken or may emergencies.. yan! Yan ang gamitin mo okay? Tawagan or itext mo ko gamit yan" at kusa nya itong nilagay sa kamay ko.
Anong klase kaya tong gamit? Di ba to sumasabog?

"Para san to? At....anong tawag dito?" Tanong ko sa kanya. Medyo malaki sya at malaki ang screen..

"Alam mo lahat ng nabububay sa mundong to may ganyan, kaya...pls lang mister tigil-tigilan mo ko sa joke mo" naiirita nyang sagot.

"Seryoso ako di ko talaga alam ang tawag sa gamit nato" sabay tingin sa hawak ko.

"Hahahaha...patawa ka rin eh noh! K fine, para tumigil kana sa kabaliwan mo. Ang tawag jan Cellphone. Oh ano? Alam mo na?" Naka pamewang nyang sagot.

"Cellphone? Dito ka tatawagan at ite-text?" Tanong ko na may malaking question mark sa ulo ko.

"Of course, yan nga ang common na ginagamit jan sa cellphone eh? Yung totoo..
Na amnesia kaba? Kasi pati cellphone di mo na alam?"

Pano ko kase malalaman ang gantong klaseng gamit kong anghel ako dati diba?
Ngayon ko nga lang nalaman na cellphone pala ang tawag dito.

"Siguro nga kaya hindi ko na ang alam ang tawag dito, pasensya kana kung masyado akong palatanong"

"Aish! Wala yun, sige na naghanda nako ng makakain natin. Tara kain na tayo!" At agad na syang Pumunta sa kusina at iniwanan ako dito mag-isa. Haist! Kahit kelan talaga to mahilig mang-iwan.

Agad ko namang tinago sa bulsa ko ang 'cellphone' kuno daw na tawag dito at nagsimula na kong pumunta sa kusina.

Andon sya sa mesa, hinahanda ang kakainin daw namin. Ano naman kayang tawag sa niluto nya?

"Mister.. paalala ko lang, this is the last time na gagawin ko to sayo. Na maghanda para sayo. Kase starting tomorrow umpisa na ng mga rules natin, tulad nga ng sinulat ko sa note book ' cook your own food' " at agad na nyang nilagay sa mesa ang mga pagkain na inihanda nya. Oo! Wag kang mag-alala alam ko yun.. 'cook your own food' sabagay medyo may alam rin naman ako kung pano mag luto. Nakita ko lang naman iyon sa mga magulang nya lalong- lalo na sa mommy nya na isang chef dati nung nabubuhay.

"Oh sige na upo kana jan, kakain na tayo" sabay upo nya at nakatingin saken.

"Oh ano wag mong sabihin pati tawag sa uupuan mo di mo pa alam ah!" Natatawa nyang sabi sabay sandok ng kanin sa plato ko.

"Hindi naman ako ganon ka bobo noh! Alam ko kung anong tawag dito. Upuan" sabi ko at agad na ngang umupo. Kung alam mo lang talaga kung ano ang tunay na ako Ella. Tsk.tsk..

"Hahaha! Buti naman"

Matapos namin kumain ako na nag represinta na maghugas, alam ko naman eh! Syempre nakikita ko sa kanya habang binabantayan ko sya.

Nagulat ako ng bigla sya magsalita mula sa likod ko..

"Uhm..mister, ano nga pala ang pangalan mo?" Nagtataka nyang tanong habang may kinakalkal sa malaki at malamig na bagay na punong puno ng pagkain. Hula ko refrigerator ang tawag dun.

"Ako si Baekhyun" sabi ko, habang pinupunasan na ng tuyong basahan ang mga hinugasan kong plato..

"Ah nice to meet you baekhyun...uhm..anong apelyido mo?" Tanong nya uli saken. Apelyido? Ano nga ba? Pangalan lang naman ang meron ako eh!

Nag isip ako nang pwede kong sabihing apelyido sa kanya. May nakita naman akong magazine sa may ibabaw ng mesa at may naka sulat na...'BYUN BAEKBOM' is now officially dating with asfghklsqtrd.....
tama yun nalang..!

"Byun ang apelyido ko. Byun Baekhyun" at nakangiting tumingin sa kanya.

"Ahhh. Byun baekhyun, nice name huh! Ah By the way ako nga pala Si Ella Jenine Kim you can call me Ella or EJ, pero gusto kong Ella ang tawag saken." At naki pag shakehands sya saken.

"Kinagagalak kong makilala ka Ella"

"ang formal naman -__- pwede namang nice to meet you, ah sige na pupunta nako sa kwarto ko. Wait! Bago ko makalimutan katabi ng kwarto ko ang kwarto mo, eto ang susi. Sige maiwan na kita" at may inabot na naman syang susi at agad syang umalis sa harap ko. Tinago ko naman kaagad yung susi sa bulsa ko at tinapos na ang paglilinis sa kusina.

Haist! Mababawasan kaya ang 100 days ko kasama si Ella? Makaka uwi pa kaya ako sa pinanggalingan ko?

Yun ang iniisip ko bago ako makatulog sa kwarto ko..

*******

Okay, mukhang ampanget ng part na ituu,
Huehue.. XD

By the way...sino mga ARMY dito??
Kyaahhh! Sa july na ang Concert nilaaa!
Leche! Wala pa kong ipon. Poorita si Otor eh! Kayo pupunta kayo??

Sa mga pupunta sa concert pa sako naman si JIN para saken oh! Hehehe! Joke lang 😝

Sa mga TEAMBAHAY jan, tara talon na tayo sa petronas twin towers XD 😜

Next 05.➡➡➡➡

-MissPinkGorgeous😉

MY ANGEL (EXO BAEKHYUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon