L.M 17 Crush

1 0 0
                                    

Maria's Pov

Matapos mangyari yung pagyaya niya sakin na mag lunch kami ng sabay. Na di naman natuloy. Tsk. Ayoko ng alalahanin kung bakit.

Gabb Francis 'Mr'
-Gelaaaaaaaaa!!!

Dub.Dub.Dub

•Me
-Francissssss!!! Bakit?

•Gabb Francis 'Mr'
-Wala lang.

•Me
-Ah ganon. Sige.

Kala ko naman kung ano na. Diba ganyan ka eh, sobrang lakas na ng kabog ng puso ko oh!

•Gabb Francis 'Mr'
-Anong ginagawa mo?

•Me
- Wala nga eh, nakaka-boring.

Wala naman talaga eh, may isa-suggest ka ba? Well, usap nalang tayo para may gawin ako.

A moment of silence

•Gabb Francis 'Mr'
-Gelaaaaaa!

Dub.Dub.Dub

•Me
-Oh? Hahaha

Loko yan kana naman, tas wala na naman.. Hala, kamusta naman? Yung puso ko oh di na mapigil pag kausap kita, ikaw din ba?

•Gabb Francis 'Mr'
-Hindi, kasi ano, may sasabihin talaga ako. :3

Ayan na naman yung emoticon na yan. Tss, aminado ako nung una di ako agree sa sinabi niyang ang cute. Pero napapansin ko habang tumatagal nagugustuhan ko na din, nasanay din siguro akong kapag may reply siya sa'kin laging may ganyan sa dulo. Ngayon naappreciate ko na din yung cuteness na sinasabi niya. Ewan ko kung bakit, pero baka kasi, dahil sa kanya nanggagaling kaya ganun.

Gabb Francis 'Mr'
-Ano kasi,uhm, naguguluhan ako.

Yeah, nakita ko nga sa status mo kagabi, sige sabihin ml na Cis. Ano nga bang gumugulo/ tumatakbo sa isip mo? Hindi na ko sumagot at iniintay ko nalang yung mga susunod niyang sasabihin...

Dub.Dub.Dub.

Takte, ito na naman yung puso ko, tumatalon-talon... Wala na namang preno.

•Gabb Francis 'Mr'
-Kasi ano sa tingin ko, gusto kita, e diba crush yun? :3

Huminto ng saglit yung tibok ng puso ko, pero ilang segundo pa Sobrang bilis naman ng tibok nito, Dub.Dub.Dub.Dub Omyghad. Totoo ba to? Takte gusto niya ko, Crush niya ko? Omyghad.

•Gabb Francis 'Mr'
- Uy, Gelaaaa ano?

Hala, anong sasabihin ko? Takte, sasabihin ko ba na 'may gusto din ako sayo' 'The feeling is mutual' matagal na. Tsk. Hindi, wag muna. Wala namang deadline ang pagsasabi ng feelings sa isang tao diba. Pero sa tingin ko alam na niya na rin naman, siguro napapansin niya rin naman diba? Kasi yung mga tao sa paligid namin, alam ko may nase-sense na. Kaya nga lagi kaming tinutukso diba. Di naman siguro siya manhid o di naman siguro siya nagbubulag bulagan at nagbibingi-bingihan tulad ko na ayaw maniwala sa mga sinasabi ng mga tao na nakapaligid sakin, na gusto ko na din siya. Pero di niyo naman kami masisising mga babae, kaya lang naman kami ganun kasi ayaw namin mag-assume/ mag-expect. Mahirap na, sabi nga nila Madaming namamatay dahil sa maling akala! Pero ngayon, na sa kanya na mismo nanggaling, ewan ko pero sobrang saya ko.

•Me
-Thank you :)

Dub.Dub.Dub

Matapos ang ilang minuto, yan lang ang ni-reply ko. Tama naman diba? I should be thankful kasi nagka-gusto siya sakin. I should be thankful kasi naappreciate niya kung sino ako. Babae ako so pa-Maria Clara effect syempre, di porket moderno na ang panahon makikisabay ako sa uso na 'Go' na agad. Tska kahit gusto ko namang sabihin na ganun din yung nararamdaman ko sa kanya, matagal na, ewan ko kung bakit may bumubulong sakin na wag muna.

•Gabb Francis 'Mr'
-Uy, ayan na. Ang awkward na. :3

Hala, hindi naman sa ganun. Siguro kasi nagulat, tska pina-process ko pa sa utak ko. Kung alam mo lang, ayan yung iniintay kong sabihin mo.

•Me
-Uy hindi. Wala lang ako masabi.

Totoo naman eh. Wala lang talaga akong masabi. Pero sabi ko nga inaabangan ko tong araw na to, nagsabi na siya ng feelings sakin.

Ghad ansarap pala talaga sa feeling na mismo sa kanya manggaling di ko maexplain pakiramdam. Hays sana tuloy tuloy na to.

Love MessengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon