L.M 13 Letter

8 0 0
                                    

Maria's Pov

Valentines Day ngayon, may pasok at as usual madaming pumapag-ebeg, habang naglalakad kami papunta sa last subject namin na Mapeh, may mga naririnig akong usapan tungkol sa mga gf/ bf nila,may mga magde-date doon, merun dito.. Pero kung may pumag-ebeg madami ding mga Bitter Ampalaya Tsk. Kesyo Single at walang lablyf yung iba kaka-break lang sa kanilang babes, love, mahal, honey etc. Di din naman ako isa sa mga inlababo ngayong araw na to. Sadyang isa lang ako sa mga taong wala lang pake sa araw na to, yung parang normal lang at walang sini-celebrate. Pero kahit ganun syempre binati ko pa rin yung mga kaibigan ko. At syempre pati Parents ko. Tsk well, Im Single but Im Happy and Contented, sa kung sino yung mga taong nakapaligid sakin ngayon at sila ang mga ka-date ko! Bleeeh! :p

"Yes, hulaan ko kanino galing," sabi ni Young kay Jham na may hawak hawak ngayon na Blue Magic bag/paper bag basta yun na yun. "Kay Kurt! Yieeee" dugtong siya sabay kurot sa tagiliran ni Jham.

"Yown, ano namang laman Jham? Nasilip mo na?" tanong ni Jack habang tinuturo yun

"Uhm," di pa nakakasagot si Jham. Kinuha na agad ni Young yung binigay na gift ni Kuya Kurt at akmang bubuksan ito pero tinignan niya muna si Jham, ng nakitang hinahayaan lang siya ng isa, tinuloy niya na ang pagbukas dito at nilabas ang isang cute na stuff toy na Aso. Yeah, Aso, Puppy?

"Puppy?" takang sabi ni Cyrus

"Oo, alangan namang Bear! " sabi ko habang tumatawa. Alam ko na kasi kung bakit ganyan binigay sa kanya.

"Ok kana? Ok kana?" seryoso at halatang nairitang sabi ni Cyrus. Hala sorry naman.

"Oo naman, Ok ako, kasi Wala akong Sakit!" hirit ko ulit sabay tawa. Ganun din yung naging reaksyon nila Jham pwera lang kay Cyrus

"Okaaay!" sabi niya sabay irap.

"Joke lang Bes, Ikaw naman eh, sineseryoso mo!" sabi ko at inakbayan ko siya.

Pagkadating na pagkadating namin sa room gulat kaming nagpapasahan ng mga maliliit na papel yung mga kaklase namin. Para san kaya yun? Bat wala siMam Amy? Nilapitan ko si Riley para magtanong.

"Para san yan? Tska Nasaan si Mam Amy? " tanong ko kay Riley. Isa siya sa mga tahimik kong kaklase na lalaki, madalas siyang tinutuksong bakla. Nagulat siya ng bigla akong sumulpot sa tabi niya, agad niyang tinago yung sinusulat niya sa maliit na papel.

"Ah, a-ano, k-kasi pinapagawa tayo ng activity ni Mam Amy, magbibigay ka ng letter sa gustong mong pagbigyan, kahit lahat bigyan mo kasi kahit simpleng Happy Valentines lang" kinakabahan niyang sabi. Siguro gulat pa rin siya sa pagdating ko, tska nakita ko kasi siyang may sinusulat sa isang maliit na papel. May bigla tuloy akong naalala.

"Nga pala, Thank You sa letter kanina sa Filipino ah! Kahit activity lang yun. Thank you kasi ako napili mong pagbigyan. Ang ganda nung pagkakasulat tska ang ganda nung pagkakagawa. " nginitian ko siya. Ngumiti lang din siya, habang nakayuko.

May activity din kasi kami kanina sa Filipino, parang katulad din nito. Pero mas napaghandaan kasi kahapon pa samin pinagawa at ibibigay daw yun ngayong Valentines sa gusto naming pagbigyan. Yung letter na ginawa ko para kay Jack. Hindi ko akalain na may magbibigay saking iba 3 yung natanggap kong letter yung isa galing din kay Jack, yung isa pa kay Ethan na naging close friend ko rin, tska yung sa kanya.

"Wala naman kasi akong ibang pagbibigyan nun, ikaw lang" sabi niya sa medyo mahinang boses at ngayon nakatingin na siya ng diretso sakin. Pagkatapos yumuko ko ulit at ngumisi. Okaaay, Weird!

"Ah ano sige, gagawa na ko niyan. Baka mamaya bumalik na si Mam Amy at wala pa kong napagbibigyan kahit sino" sabi ko at pumunta na kila Jack na ngayon nagsisimula na ring gumawa. Balak kong bigyan lahat ng kaklase ko Happy Valentines at Godbless lang naman ilalagay ko sa bawat isang colored paper na maliit, pero dun sa ibang close ko lalagyan ko ng kunting message.

Natapos ang isang oras at nabigyan ko naman sila lahat. Madami dami din akong natanggap na cute letters kasi nakalagay lang din yun sa maliliit na papel. Nagulat ako kasi pati yung mga di ko ka-close nagbigay din kahit Happy Valentines lang din ang nakalagay. Pero mas madami yung nagbigay na may nakalagay na kunting message para sakin.
Pagkauwing pagka-uwi ko sa bahay nakita kong may mga nagmessage na din sakin sa messenger, mga bumati. Binati din ako ni Francis, nireplyan ko siya, lahat naman ng nag-message sakin actually. Nagbasa ako ng ilan sa mga letters na binigay sakin na nilagay ko sa maliit kong pouch. Nakakatawa yung ibang nakasulat.

Hello Gela! Happy Valentines Day. Alam ko wala ka pang bf , sana wala pa talaga, pero kung merun Stay Matatag sa inyo. Goodluck sa studies! Godbless ^_^ - Ara
--------Wala nga! Bat ayaw niyo ba maniwala :(

Gela, Happy Valentines! Uy sino ka-date mo mamaya? De jk alam ko namang wala pa. Bakit kasi wala pa? -
Michael
-------- Nagmamadali ba kayo? Tsk.

Happy Valentines Day Ms. Mushroom, yieeee! May date kayo maya nuh, jk lang. Goodluck sa inyo! - Mae
--------Hala! Loka talaga tong si Mae.

Hello Bebe, :*
Thank you kasi kahit hindi naman tayo close dati, ng dahil lang sa hug naging fwends tayo. Ikaw, kayo ni Jack yung kasama ko nung mga times na nalukungkot ako at feeling ko, ako lang mag-isa. Thank you for everything. Love you Bebe :* -Pia
---------Aww, I love this girl na talaga.

Madami pang iba, tawa nalang ako ng tawa habang binabasa yun lahat buti wala dito si Mama, kung hindi yari ako. Hays. Down to one last letter.

Uy, Gela kumusta kana? Di na tayo nagcha-chat namimiss na kita. Madaming nagbago sa loob ng ilang buwan. Di mo na ko pinapansin,nakakatampo kana. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Friendship na binigay/pinaramdam mo sakin. Alam ko di ko pa to nasasabi sayo, di ko kasi talaga kayang sabihin ng harap harapan. Hanggang sulat lang ako, Gela nagka-gusto ako sayo noon at... hanggang ngayon.Happy Valentines Day. - Kaleb


Love MessengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon