L.M 14 Stare

6 0 0
                                    

Maria's Pov

“Nandoon din mamaya si Cis!” masiglang sabi ni Jham

Paakyat kami ngayon ng hagdan papuntang 4th flr ng Admin Bldg. sa school dahil dun magbibilangan ng boto ng maaring manalo na Officers sa Yes- O

Nginitian ko nalang siya bilang sagot. Oo nga pala tumakbo siya sa pagka- Presidente ng Boom Panes kalaban ng partido namin na Selfie sa Yes-O. Kung siya Presidente, ako sa mababang pwesto lang, Ingat Yaman. Di ko naman talaga plinano na tumakbo sa kahit anong pwesto, pero sadyang tinadhana ata't biglang umayaw yung dapat na tatakbo sa pwesto na'yun kaya inirekumenda ako ng isa sa mga kaklase ko na tumatakbo bilang Bise Presidente na ako nalang ang punalit at tumakbo.

Nandito na kami ngayon sa room kung saan nagbibilang na ng mga boto yung mga naka-assign na 3rd year students. Di ko na inaasahan na manalo ako dahil hindi naman ako nakasama sa pangangampanya nila sa eskwelahan dahil pamalit lang naman ako sa umalis. Awwts

“Oh nandiyan na siya” mahinang pagkakasabi ni Jham sabay kalabit sa braso ko.

Nagising ang diwa ko ng marinig yun agad akong lumingon sa pinto at nakita ko siya kasama yung bestfriend niya na si Ate Aicelle. Magkapartido kasi silang dalawa. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang siniko ni Ate Aicelle na nakangiti sabay tingin sakin kaya't napatingin siya rito, at parang nagkaintindihan sila ng ganun ganun lang.

Sa sobrang kapaguran dahil hindi pa ako umuuwi simula nung matapos ang klase ko ng alas-kuwatro ng hapon, pinili kong umupo sa isang tabi ng kwarto at tahimik na manood nalang habang nagbibilang sila ng boto.

“Uy, Huge ayusin mo yan ah’ baka mamaya dayain mo kami” pasigaw pero pabirong sabi ni Francis, na nagpukaw sa atensyon ko na kanina'y nakatingin lang ng diretso sa pisara kung saan pinupuntusan ang bawat pangalan na may boto.

“Oo, di kami ganun. Manahimik kana lang diyan” pasigaw ding sabi ni Kuya Huge, Karl Huge Santillan ang buo niyang pangalan. Sa pagkaka-alam ko siya yung pinaka magaling mag drawing dito sa school namin. Siya yung laging pinanlalaban sa cartooning.

“Basta ah, nakabantay ako! Ayusin mo lang” hirit pa niya ulit. Tss. Ibang klase talaga ang ingay nito. Kahit nung di ko pa siya kilala alam ko maingay na to eh.

“Alam mo Francis, ang ingay mo! Pano kami makakapagbilang ng maayos para maaga to matapos? ” Sigaw sa kanya ni Kuya Migz San Andres, maganda boses nito eh, buong buo.

“Alam mo, para makatulong ka. Umupos kana lang! Tignan mo siya” ani Ate Gretchen Nicole Fernandez sabay turo sakin.

Dub.Dub.Dub

Tumingin siya sa direksyon ko, na tinuturo ngayon ni Ate Gretchen at medyo namula siya. Hala? Ano pong ginawa ko? Nananahimik ako.

“Gayahin mo siya, tahimik lang siya dun oh! Umupo ka rin tas manood ka nalang at manahimik. Okay?!” pahabol pa niya

Okaaaay, soooo?

Ilang segundo din siyang nakatingin sakin tapos nagulat ako kasi nanahimik na siya pagkatapos nun, lumabas siya ng room. Dahil din sa paglabas niya na yun tumahimik ulit sa room kaya't dinadalaw ako ng antok. Kaya't hinilig ko yung likod ko sa pader at agad kong kinuha yung earphones ko sa bag para mag-soundtrip habang nakapikit yung mata ko. Ilang minuto pa, narinig ko na bumukas yung pinto dahilan para dumilat yung mga mata ko. Nakita ko siya papasok, pero di kagaya kanina, di na siya nagsalita o nag-ingay tahimik lang siyang tumabi kay Jham na nasa harap ko at naka-upo rin. May binulong siyang kung ano kay Jham na di ko narinig at agad naman silang tumingin sakin pagtapos. Tsk. Nginisian ko nalang sila bilang tugon sa mga titig nila sakin.

“Tsk”

“Hala Jham, nagalit tuloy!” siya habang tinulak ng mahina si Jham. Loko.

Inirapan ko nalang siya, sa di ko malamang dahilan. Dahil dun agad siyang lumipat malapit sa pwesto ko kaya't ilang agwat nalang magkatabi na kami. Nakatingin lang ako kay Jham, pero ramdam kong siya nakatitig lang sakin.

Dub.Dub.Dub

Ghad. Pwede bang itigil mo yan. Jussko, naghuhurumentado na yung puso ko.

Dub.Dub.Dub

“Uy, galit ka?” mahinang tanong niya. Iling lang ang sinagot ko, ng hindi siya hinaharap at nakatitig lang ako kay Jham habang nagpipigil ng emosyon.

Dub.Dub.Dub

“Uy Gela” pagkasabi niya niyan, lumapit pa siya ng kunti. Alam kong gusto niya kong humarap sa kanya. Pero sa pangalawang pagkakataon di ko pa rin siya hinarap at agad akong umiling.

“Galit ka eh, sige nga, tumingin ka nga sakin” sinabi niya yan sa malambing na boses, na siyang nagpakilabit sakin. Di ko alam kung anung meron sa tiyan ko pero para akong masusuka na ewan. Sinasabayan pa ng puso ko.

Dub.Dub.Dub

“Gela, tumingin ka sakin” sunod niya pa ulit. Hindi ko alam pero bigla nalang ako lumingon sa kanya. Para na rin siguro matigil siya.

Takte, ano kayang itsura ko ngayon. Penge ngang salamin!

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Di ko na sinuri yung buong muka niya pero ditetso akong nakatingin sa kanya. Ilang segundo din ata kaming nagkatitigan. Nahinto lang kami dahil kay Jham, dahil sa pag-ubo niya. Alam kong peke yun kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

“Ehem, ehem! Ang kati dito, ang daming langgam. There must be something sweet here huh!” matawa tawa siya habang sinasabi yan at palipat lipat ang tingin saming dalawa.

Pusang gala. Ampula siguro ng muka ko ngayon. Tumaas ata lahat ng dugo ko papunta sa muka. Waaa bwsit ka Jham.

To be continue













Love MessengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon