L.M 18 April Fools

18 0 0
                                    

Maria's Pov

April 1 which also means April Fools Day ngayon. Nagkalat na naman ang mga manloloko. Sino nga ba nagpaumpisa nito? Sus, wala naman sigurong magbabalak na manloko sakin diba?

•Gabb Francis ‘Mr’
-Gelaaaaaa! :3

•Me
-po,why?

Ang rude ba pag ‘why’yung sagot? Sabi kasi nila pag ‘Bakit’/ ‘why’ para daw pagalit yung sagot. Tss di naman eh, yaan na nga.

•Gabb Francis ‘Mr’
- Ayan ah' may nabalitaan ako.

Dub.Dub.Dub.Dub

Eh? Ano naman kayang nabalitaan niya, jussme. Kinakabahan ako ah’ di niya naman siguro ako lolokohin ngayong araw na to.

•Me
-Ha? Ano yun?

•Gabb Francis
-Ayan ah, may nagsabi sakin na mahal mo na pala ako. :3

Dub.Dub.Dub.Dub

Langya, san niya naman nabalitaan yun? Sino nagsabi sa kanya? Sinabi nila Jham? Ghad. Ba't naman nila ako pinangunahan. Hindi agad ako nagreply, pero nag-message siya ulit.

•Gabb Francis ‘Mr’
-joke lang, Happy April Fools!

Sh*t langya. Hindi ako nagmumura, minsan sa isip ko pag sobra sa emosyon, katulad ngayon, pero hindi ko vocal na sinasabi. Hindi ako pinalaki na ganun.

•Me
-Ah.

Takte, sumikip bigla dibdib ko. Para bang ininsulto yung feelings ko matapos niyang sabihin yun. Pero di ko din maintindihan sarili ko, hindi naman talaga totoo yung joke niya diba, di ko naman talaga siya mahal diba? Ewan ko pero agad kong dinugtungan yung reply ko.

•Me
-Bat naman ganun Cis, next time wag naman sana ganyang biro na konektado sa feelings ko. Hindi naman kasi biro biro pag tungkol na diyan. 

Ewan ko kung mahahalata niya yung ibig kong sabihin. Ghad. Ayokong magtanim ng tampo pero ewan ko.

•Gabb Francis ‘Mr’
-Uy, sorry.

Dub.Dub.Dub.

Mabilis pa rin yung tibok ng puso ko, pero ngayon di lang dahil sa kausap ko siya at masaya ako pero iba eh, sumikip bigla yung dibdib ko dahil sa lungkot? . Hays, ewan ko, diba dapat walang pikunan ngayong araw na to? Bakit nga ba di ko naisip na baka niloloko niya lang ako? Bakit nga ba inisip ko na hindi niya gagawin yung madalas gawin ngayon ng ibang taong kilala ko? Ghad. An-tanga ko

Matapos yung pangyayaring yun, di ko muna siya kina-usap. Ewan ko siguro nga nagtampo ako, kasi nasaktan ako dun sa sinabi niya? Pero bakit? Pati ako naguguluhan sa katulad kong babae, hindi ko alam basta bigla ko nalang naisip na wag na muna siyang kausapin. I'm not mad. I'm hurt. There's a difference.

Kausap ko ngayon si Ate Pat 2wks after nangyari yun. Malapit na kaibigan siya ni Gabb, Oo 2wks ko siyang di kinausap. Great. Nakakamiss pala yung presense niya sa phone, sa messenger ko.

•Patricia Rylie Cole
-Hala so, di pa rin kayo nag-uusap hanggang ngayon? Bat di mo minessage.

•Me
-Wala Ate eh.

Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari nung April Fools. Tsk bwisit na April Fools. Ngayon lang ako naloko ng ganun ah

•Patricia Rylie Cole
-Hala siya, ano Gela, satin lang tong dalawa ah’ wag mo sabihin sa kanyang sinabi ko sayo.

Dub.Dub.Dub

Wow, ibang klase din yung pasok ni Heart beat, tsk kinakabahan na naman ako. Ah’ di lang ata to kaba, di ko maexplain. Basta gusto malaman yung sasabihin niya, curious ako basta tungkol sa kanya.

Love MessengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon