L.M 16 L.T

3 0 0
                                    

Maria's Pov

•Gabb Francis 'Mr'
- Gela, sabay tayo ng vacant diba.

•Me
-Yeah, why?

•Gabb Francis 'Mr'
-Bukas sabay tayo kain lunch. Kita tayo sa canteen.

Dub.Dub.Dub

Aba, ano kayang merun ba't bigla bigla tong nagyaya. Kinakabahan ako, pero may halong excitement. Takte first time to.

•Me
- Ah sige. Kitakits.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, kaya't medyo late ng kunti yung gising ko imbes na 5:00 ng umaga naging 5:30, jussme laman kasi ng utak ko kagabi ay kung anong mangyayari mamaya. Ghad, kahit sa school at sa canteen lang yun gaganapin ibang klase yung kaba ko para akong niyaya sa Date langya. Alam ko, ang OA ko diba, ngayon lang kasi may nagyaya sakin ng ganun.

Pagkarating na pagkarating ko sa school, slight-yuko agad ako. Well, di na yan bago sakin ganyan ako pag pumapasok. Kinakahiya ko muka ko. Lalo na ngayon anlaki ata ng eyebags ko.

Pagkarating na pagkarating ko sa pwesto ng pila ng section namin umupo agad ako. Pagkaupong pagkaupo ko bigla namang sinabi ng teacher na tumayo na dahil mag uumpisa na yung flag ceremony.

Diba, kung kailan kauupo ko lang. Edi sana di muna ako umupo. Anhirap kaya pag biglang salampak ka. Wala na kong nagawa, nagpatulong nalang ako tumayo kay Andy, kaklase ko na agad din naman akong tinanong.

"O Gela, anong oras ka natulog? Laki ng eyebags natin ah!"

"Ah, may tumatakbo lang sa isip ko kaya di ako nakatulog agad. Buti nga di ako na-late. " sagot ko sabay ngiti sa kanya. Matapos yun sumabay na din kami sa seremonyang nagaganap tuwing umaga.

Pagkatapos ng Flag Ceremony, dumiretso na kami sa mga rooms namin. Agad ko namang pinagtuunan ang pagkuha ng shoe rags ko sa bag, kaso naiwan ko pala sa bahay. Ghad. Mababawasan na naman ng 15pesos baon ko. Mapapabili ako kay aga-aga.

"Amy, samahan mo naman ako sa Retail. Bibili lang ako shoe rags. "

"Great, bibili din ako ballpen eh. Ito na naman #EstudyanteProblems"

Tinawanan ko nalang siya pagkasabi niya nun. Hinila niya naman ako agad pababa sa Retail kasi baka daw dumating na yung Teacher namin.

Pagkababa namin mula 2nd flr ng bldg. Agad kong kinuha yung cellphone ko. Baka kasi may nagmessage :p

Nang bigla akong kinalabit ni Pia.

"Uy, si Francis oh! "

Napalingon naman ako bigla sa tinuro niya.

Nung nakita kong may kasama siyang kaklase niya. Tinuon ko agad ung atensyon ko sa phone ko, kunwari walang nakita habang naglalakad papuntang Retail

Siniko naman ako bigla ni Pia. Pero di ko siya pinansin kasi alam ko na ibig sabihin niya. Nakasalubong na kasi namin si F kasama yung kaklase niya. Pero di ako tumingin. Pabebe ako eh. Sorry na.

"Ba't di ka nag-Hi?" tanong sakin ni Pia ng makalagpas na yung mga nakasalubong namin

"Ha? Ok lang yun." sagot ko naman sabay tawa.

Success kaming naka akyat sa roon ng wala pa yung teacher namin. Siguro nag aalmusal pa si Mam :D

*Bzzt.Bzzt*

Agad kong kinuha yung phone ko sa bulsa ko ng bigla itong magvibrate. Nasa silent mode na kasi ang mode ko lagi.

Mr. M
Uy,aga aga nakatutok sa cellphone. :D

Me
Hala, nasan ka? Nakatago nga phone ko eh nagvibrate kaya kinuha ko.

Kunwari wala ako alam. :D #Painosente

Mr.M
De, kanina sa baba nakasalubong kita. Nakatutok ka sa cp mo habang naglalakad. Buti di ka nadapa.

Me
Ah, kanina? Di kita nakita.

Mr. M
Nakatutok ka nga kasi sa phone.
Ah nga pala. Parehas tayo vacant diba?

Me
Opo. Why?

Anong merun kung parehas kami vacant? Wait kinakabahan ako :3

Mr. M
Ano kasi, sabay tayo lunch maya. Intayin kita sa canteen. :3

Omg. Omg. Niyaya niya kong maglunch kasabay siya? Ghad. 1st time to. Anong isasagot ko?

Me
Ah, ano. Hahaha sige.

There, wala naman sigurong masama kung pumayag ako diba? Pero, omg. Nae-excite ako pero bakit parang kinakabahan ako.

To be cont.

Love MessengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon