L.M 11

7 0 0
                                    

Maria's Pov

Sa wakas natapos na ang puro praktis sa buwan na ito dahil maayos naming na-present kanina yung sayaw na pinahanda samin. Nag-open agad ako ng facebook sa cellphone ko para tignan kung pinost na nila yung video ng sayaw namin. Syempre gusto ko makita nuh' Nang wala akong makita ni anong post tungkol dun sa sayaw namin kanina nag-open nalang ako ng messenger ko dahil sa sobrang pagkabored at baka nagmessage din si ano. Sabay din kasi kami ng uwian, at nakasanayan ko ng nag uusap kami after class pag uwi. Makalipas ang ilang segundong pagiintay na ma-update ng messenger yung mga bagong nagmessage sunod sunod na tunog galing dito ang umalingawngaw sa kwarto namin, kasama ko kasi si Mama dito matulog pero nasa labas naman siya ngayon. Agad kong hininaan ang volume at isa-isa ko ng tinignan yung mga nag-message. Ang pinagtuunan ko lang ng pansin ay yung message ni Jham.

•Jhamcel Klare Agustin
-Gela, mga 4pm kami pupunta sa inyo, sabay kami ni Francis susunduin niya ko eh. Nandiyan na ba sila Mae?

Tumingin ako sa oras 15mns bago mag 4 ng hapon. Ghad. Kailangan ko ng magmadali.

•Me
-Takte, oo nga pala sige mag-aayos muna ako dito sa bahay. Wala pa sila Mae eh. Sino sino ba tayo?

•Jhamcel Klare Agustin
-Ako, si Francis, Mae, at Ethan

•Me
-Ah ok. Kitakits.

Agad naman akong gumayak matapos yun. Plano kasi naming manood ng movie ngayon sa computer namin. Kagabi ko pa dinownload yung movie, nacheck ko na rinkung gumagana para ipe-play nalang ngayon at wala ng aberya. Nang nakita ako ni Mama na naglilinis agad niya kong tinanong.

"Anong oras sila dadating Nak?" tanong sabay upo sa Sofa. Alam niya kasing may dadating akong kaklase at sinabi ko ring manonood kami ngayon dito sa bahay.

"Ah, maya maya po baka nandito na sila. "

Dub.Dub.Dub

"Madami kayo? Sino sino nga kayo?"

Dub.Dub.Dub

Takte, bigla akong kinabahan.

"Si Jham po tapos may kasama po siyang isa pa po naming kaibigan si Francis... Tska si Mae at Ethan po mga kaklase ko diba kilala mo sila Ma"

"Ah oo, sige, wag kayong masyadong maingay ah' baka magalit si Lola mo"

"Opo, Thank you po" sabi ko sabay halik sa pisngi ni Mama

Maya maya pa biglang may nagtawag sa pangalan ko galing sa labas. Agad naman akong tumakbo papunta sa gate para mabuksan agad si Mae at Ethan.

"Uy, pasok kayo! Wala pa sila Jham eh, baka parating na rin yun"

Nauna ng pumasok si Mae sa loob ng bahay. Narinig kong nag-Good afternoon siya kay Mama. Habang si Ethan tinitigan ako at nagtanong bago kami makapasok sa loob.

"Pupunta din dito si ano?" nahihiya niyang sabi, sabay tingin sa malayo.

"Ah si Francis!" natatawa kong sabi. Tumango naman siya bilang sagot.

"Wag ka mag-alala, papakilala kita sa kanya." sabi ko sabay tapik sa balikat niya

"Sabi mo yan ah!" pabakla niyang sabi. Oo, he's a gay. Well, mas madali naman talagang makipag kaibigan sa mga bakla. Kaya nga isa sa mga bestfriend ko si Cyrus eh. Tska magaan din loob ko sa mga katulad nila. Nagtaka din ako nung una kung bakit naging interesado siya kay Francis, til one day kinausap niya ko na may crush daw siya dito kasi kahawig daw ni Francis yung crush niya sa fb. Diba ibang klase. Kaya sinabi ko sa kanya na pag may oras papakilala ko siya dito. Wala namang masama diba, papakilala ko lang naman. Di ko ibubugaw. Tsk.

Love MessengerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon