♠Chapter Fifty-Nine♠

5.9K 142 4
                                    


10PM palang ng gabi ay naghahanda na kami sa magaganap na laban. Kung titignan, wala kaming laban sa tatlong empires na lalaban. Pero hindi kami pwedeng umatras, we can't let out guards down.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Fire sakin. Habang katabi ko sa kama.

"Oo naman. Magiging ayos din to pagkatapos." Sabi ko at hinalikan siya ng mabilis sa labi.

"I know. And after that, we'll get married okay?" Sabi ni Fire na ikinatuwa ko.

He gave me reason why should I need to accomplish my work , alive.

Bumangon na ako, at sumunod na rin siya. Hindi namin ginawa 'iyon' hihintayin muna namin na may parehong apelyido kami. Gabrielle Kyohei Ezekiel Tanaka - Valdez. Maganda. . . kaso nga lang, magagawa ko pa bang humarap sa altar?

11PM

Nasa lobby na kami at nakalatag lahat ng armas at bombang kakailanganin.

"Kumuha kayo ng mga armas niyo. Walang limit, hangga't gusto niyo." Sabi ko, at tumindig na. Hindi ko na kailangan pang kumuha may sarili kaming armas — sina Kuya.

Naginstall na rin ako ng CCTV kahapon sa lugar kung saan gaganapin ang laban. Hindi nila agad makikita iyon dahil sa kadahilanang maliit lang yon at nasa sulok.

"Team!! Standby!" Sabi ko, nakikita ko na kasi ang ibang mga miyembro ng Falcon. Ang mga tauhan niya na may logo ng Falcon wings.

"Pumunta na kayo sa mga sasakyan niyo. And wait for my signal para lumusob." Sabi ko, they reply 'COPY' at ganon na nga ang ginawa nila

Konti pa. Konti nalang ang hihintayin.

Nakita ko na sa wakas ang mga Shidaishi at Mekai, pagka-kita ko sakanila ay agad kong pinasabog ang bomba malapit sa building kung saan sila naka-standby. Marami na agad namatay.

"The fuck?! Who's that?!" Narinig ko pang sabi ng isang pinuno malapit sa pagsabog.

"Wala pang ano mang bakas ng Tanaka dito. Imposible!" Sigaw nila. Blackjack's Way, babies.

Inayos ko pa ang system ng magsimula ng magpaputok ang mga Falcon. Napangisi ako, inalarma ko na ang ibang team para sa pagsalakay.

"Pumunta kayo sa bandang likod para hindi kayo agad makita and please. Your silencer!" Sabi ko at pinalabas na sila.

It's now chaos. Ang mga miyembro ko ay pinagtutulugan na ng Meka, Shidaishi at Falcon.

Agad kong hinahap si LJ at ang ama niya. Alam kong sasali sila rito. As if on cue, may dumaplis na shuriken sa pisnge ko. Damn!

Hindi ko ito makita kaya nagpasya akong umakyat sa puno. Doon ko ginamitan ng pana ang mga kalaban na umaagarabyado sa mga kasamahan ko.

Pero nakita ko sa mga puno na marami pang ninja ang naka-abang. Pero sino sila? Walang palatandaang makikita sakanila. Kung kanino man sila, huwag sana silang maging kalaban. Nagpatuloy ako sa pag-pana ng may mahagip ako sa isang puno.

Napatingin ako sa puno, nandoon si LJ nagtatago. Hindi siya pwedeng kumampi sa amin dahil pwedeng mapatay siya ng tatay niya. Hindi siya pwedeng tumulong sa ama niya dahil siya naman ang papatayin namin.

"LJ, tell me where the hell is your father?!" Tanong ko, hindi nako pwedeng magpaliguy-ligoy pa.

"Kyohei. He's right there." Sabi niya sabay turo ng direksyon niya. Kasalukuyan niyang nakikipag-laban kay kuya Kira.

"Damn!" Sabi ko, at lumipad gamit ang ninja moves ko patungo sa direksyon nila.

Pero bago ako makapunta ilang tauhan pa ng Tatlong Grupo ang kinailangan kong saksakin. Bawat sugod ko ay may papa-putukan ako ng baril sa kabila at sasaksakin sa kabila.

Papunta na ako ng may makadaplis sakin sa kamay. Argh! Agad ko itong sinugod at sinaksak ng katana sa tiyan. Pagtagos nun ay agad kong hinila.

Ang isa naman ay pinaulanan ako ng shuriken, tnagina! Bat ang hirap ko makapunta sa kanila? Pagtapos kong salagin lahat ng shuriken ay pinaputukan ko iyong taong yon. Sakto sa noo niya ang nabaril.

Panghuli, nagtagumpay akong makalapit sakanila. Nakita ko si kuya Kira na marami ng galos at daplis ng katana.

"Ako na, Kuya!" Sabi ko at ako na ang sumalag sa katana ni Mr. Lee.

"Ano? Tatanggapin mo na ba? Takosaki?" Sabi ko, mas lalo pa niyang diniinan ang katana papunta sa leeg ko.

"Hinding hindi magiging Tanaka ang isang Lee. Masyadong matalas ang tabas ng iyong dila, Lady Tanaka." Sambit niya, habang kausap ko siya ay pasimple kong kinukuha ang kunai ko sa kabilang kamay.

"Argh!!" Daing niya, nagkabaligtad na ang lahat. Nakatutok sakanyang leeg ang kunai habang nasa tiyan niya ang katana.

"Hindi matabas ang dila ko, Ginoo. Ako ay nagsasabi lamang ng totoo. Ang gusto lang ni Lolo ay makita niya ang kanyang anak bago man lamang siya pumanaw." Sabi ko, pero akala ko magiging madali.

Dahil may dumaang pana sa balikat ko, na siyang dahilan para makabawi ito. Agad kong nilingon ang shooter, at tinapon sakanya ang kunai na hawak ko. Bumaon agad iyon sa leeg niya.

"It's never too late, Takosaki." I smiled at umalis sa tabi niya pero nagkamali ako, dahil ang pinuno ng Falcon ay papunta sakin at sinaksak ako sa tiyan.

"KYOHEI!! / MASTER!!" Sigaw nila, hindi ko alam kung sino. Marahil isa sa mga kuya ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. I fight, I fought, but I'll die. Pwedeng huwag muna? Kasi, gusto ko pang mabuhay.

Napabangon ako sa pagkakaluhod, hindi ang saksak ang makakapag-pabagsak sakin. Kinuha ko ang baril ko at inasinta ang pinunong iyon. Dalawang beses niyang nailagan pero sa huli nabaril ko siya sa bandang puso.

"U-Uncle.." Sabi ko at napa-ubo ako. Kinuha ko ang tela at tinapalan muna ang sugat ko.

Kumapit ako sa kamay niya. Nagulat man ako ay nagpatianod nalang dahil inalalayan niya ako.

"U-Uncle Takosaki. L-Lolo wants t-to see y-you. W-Wala siyang ibang h-hinangad. . . k-kung hindi ang m-makita ka, at m-mayakap ka. . . H-He loves y-you so m-much." I said kahit nahihirapan ako ng kaunti.

Alam kong nagsosoften na siya kaya ngumiti ako sakanya ng buong sinseridad.

"I'll do that, if you promised me to live. Mabuhay ka para sakin Kyohei. And I'm so proud being your uncle." Sabi niya at niyakap ako.

Sa wakas. Mabubuo ko na rin ang matagal na hiling ni Lolo, kahit man lang ang buhay ko ang kapalit.

Tumayo ako at ganoon din siya. Sisigaw sana siya para tapusin na ang laban pero ang pinuno ng Mekai ay ayaw makinig.

"Hindi pwede! Ilang taon na nating gustong pabagsakin ang Tanaka! Eto na ang oras!" Sigaw niya.

"Wala na sakin ang kapangyarihan ngayon! Wala akong pakealam! Itigil na natin to." Hiyaw ni Uncle Takosaki.

"Hindi iyon maari." Sigaw niya at nagpaputok ng dalawang beses papunta sa direksyon ko. Ganun din ang pagbunot ni Uncle Takosaki ng baril niya.

Handa kong saluhin ang mga bala. . .

Nagdarasal na lang ako, na kung pwede pakinggan niya ako kahit marami akong atraso. . .

Kung pwede sana, huwag niya pabayaan sina Lolo, Mama, Papa at sina Kuya. Maging si Fire at ang buong Pamilya ko pati ang buong Org. . .

Sana kung may pagkakataon pa, ayoko pang mamatay. . .

Isa isang naglandas ang mga luha ko. Pero nagimbal ako ng may yumakap sakin. Pag-mulat ko si Fire.

"FIRE!" Tanging nasigaw ko. . . hindi pwede.

—-—

Last 2! Haha. :')

The Fierce Assassin PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon