Please forgive me for a lame oneshot! 😂✌
⚫⚫⚫
I'm here. At our secret place. Waiting for you.
"Oh, Ye, bakit mo ako pinapunta dito? May lakad kami ni Je--" I cutted you off.
"Pwedeng lumabas tayo? Ngayong araw lang oh. Please! Ililibre kita." Sabi ko sayo. Ngumiti ako. Kunwari masaya.
"Ay ang best friend ko naglalambing! Sige na nga, Ye! I-cacancel ko muna yung lakad namin. At dahil libre mo, g ako!" Sabi mo pa at natutuwa ka. Best friend. Ouch ha.
Pumunta tayo sa paborito nating kainan sa plaza. Bata pa lang tayo, lagi na tayong nabili ng kwek-kwek dito tapos nagpapaihaw din tayo ng isaw.
"Miksh, namish ko to." Sabi mo habang nginunguya ang isaw na pinaihaw natin.
"Ikaw kasi eh. Laging sya ang kasama mo." Sabi ko at natawa ka. Nakitawa na rin ako. Akala mo siguro nagbibiro lang ako, pero hindi Jeron. Totoong sya ang laging kasama mo at kinalimutan mo na ako.
Kumain tayo ng paborito nating street foods at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Sa totoo lang ay ikaw lang naman itong madaming kinwento. Tungkol sainyo. Sakanya.
Niyakap kita. At tanong mo, "Oh bakit, Ye?"
"Namiss lang kita, Jeron." Sabi ko sayo at hinigpitan ko pa ang yakap ko sayo. Niyakap mo rin ako pabalik at sinabing, "Namiss din kita, best."
Sa sinabi mong iyon ay doon ko lang narealize. Narealize ko na hanggang dun nalang nga siguro tayo. Best friends.
Kung saan-saan pa tayo pumunta. Yung mga madalas nating gawin noon ay nagawa ulit natin ngayon. Masaya ako. Masayang-masaya. Pero huli na to.
Alam kong mahal mo sya. Alam kong sya ang tipo ng babaeng pinapangarap mo. Kaya hindi ko na ipipilit pa ang nararamdaman ko. Lalayo na ako. Dahil baka mamatay na ako sa sobrang sakit na hanggang magkaibigan lang tayo.
-
Nandito na tayo ulit sa ating secret place.
"I had fun, Je." Sabi ko sayo.
"Me too, Miks. Me too." Sabi mo naman.
Nag-indian sit tayo sa damo at tumanaw sa kawalan.
"D-do you love her?" Tanong ko sayo.
"Sobra, Miks." Sagot mo naman. Doon ay parang binaril ako.
Nginitian kita at tumango-tango ako. Sabi ko sa sarili ko, hindi dapat ako umiyak. Hindi sa harapan mo.
-
Sa paghatid mo sa akin sa dorm ay niyakap kita.
"Thank you, Jeron." Sabi ko sayobat ngumiti ka.
Pinanuod ko ang pagharurot ng sasakyan mo palayo sa dorm. Pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Mahal na mahal kita." Sambit ko. Mga salitang nararamdaman ko na kailan man ay hindi ko kayang sabihin sayo. Dahil iba naman ang mahal mo.
BINABASA MO ANG
Fantasy
Fanfictionfan·ta·sy noun : something that is produced by the imagination : an idea about doing somhething that is far removed from normal reality: the act of imagining something: a book, movie, etc., that tells a story about things that happen in an imaginary...