"Hmmnn.. Babe, I can't believe that we're getting married next month." Ara whispered in my ears and kissed my cheeks.
I chuckled. "Oo nga eh. Naalala mo pa noon? I really hate you, pero tama nga sila, the more you hate, the more you love." I said and hugged her.
"Well, hindi mo rin natiis ang charms ko." She said and laughed. I smiled as I reminensced how we started.
Flashback
At first, I really don't like her. Everything about her. Kung paano sya maglakad, magsalita, manamit, lahat talaga! She's a badgirl and everyone knows that. Bilang galing ako sa isang conservative na pamilya kung saan pastor ang tatay ko at volunteer naman ang mama ko sa pagtulong sa mga batang palaboy. Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko sa babaeng katulad nya. Disente akong pinalaki at hindi ko matake ang pamumuhay nya.
Pero kahit palainom, naninigarilyo at pala-party sya, napakatalino nya. Consistent dean lister sya. Teacher's pet din sya kahit bad record sya dahil sa image nya dahil matalino talaga sya. Hindi ko nga magets kung bakit eh!
Marami sa mga kaklase namin at mga taga-ibang course ay crush sya. Maganda talaga sya kaya maraming naghahangad na maging girlfriend sya. Sa mga nagkakagusto sa kanya, marami rim syang ineentertain. Kung gaano sya kabilis magpalit ng damit, ganoon din sa lalaki. Ayoko talaga sa kanya dahil playgirl sya.
Isang araw, palabas na ako ng classroom nang may nakita akong sketch pad. Kinuha ko yun at tinignan ko para malaman ko kung kanino ko isasauli.
ARA GALANG
Ay sa kanya pala. Binuklat ko yung sketchpad. Ang galing nya palang mag-drawing. Ang talented nya naman. Tsk.
Medyo marami na rin ang drawings nya at nang mapunta ako sa last page ay nagulat ako. Mukha ko yung naka-drawing!
"Baka naman kamuka ko lang 'to." Sabi ko. Pero nung tinignan ko yung ilalim nung page na yun, nakita ko yung pangalan ko. Ako nga 'to. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pero bakit naman kasi ako dinrowing ni Ara?!
May narinig akong malalakas na footsteps at nagbukas yung pintuan sa classroom at iniluwa nun si Ara.
Nanlaki yung mga mata nya ng makita nyang hawak hawak ko yung sketchpad nya.
"N-nakita mo ba?" Halatang-halata na kabado sya. Tumango lang ako. Lumapit sya sa akin at hinablot yung sketchpad.
She breathed heavily. Para bang kumukuha ng lakas ng loob. "Tutal, nakita mo na rin naman yung drawing ko sa'yo, aamin na ako." Teka. Anong aamin?
"A-ano, kasi Thomas gusto kita. Matagal na. At gagawin ko lahat para magustuhan mo rin ako. Mag-date tayo!" Sabi nya.
Tinignan ko sya. "Ayoko." Sabi ko at umalis na.
Sigurado ako na niloloko lang ako ni Ara. Sya pa? Isang kilalang playgirl magseseryoso? At ako pa talaga ang napili nyang paglaruan ah? Akala nya ba bibigay ako sa kanya? Pwes, nagkamali sya dahil hinding-hindi ko sya magugustuhan!
⚫⚫⚫
Nasa klase na ako ngayon. Hinihintay nalang namin na dumating ang prof namin.
Nagkatinginan kami ni Ara at kinindatan nya ako. Umiwas nalang ako ng tingin.
Dumating na ang prof namin at nagsimulang mag-discuss. Hindi ako makapag-focus. Masyadong occupied ang isip ko dahil sa nangyari kahapon. Iniisip ko pa rin kung bakit ako ang naisipan nyang pagtripan. At may pakindat-kindat pa syang nalalaman ha? Hindi nya ako maloloko. Hindi ako tulad ng mga lalaking nauuto nya.
"Okay class, sino ang pwedeng sumagot ng equation sa board?" Nakangiting tanong ng prof namin. Tinignan ko naman yung problem sa board. Grabe! Ang hirap naman! Bakit kasi hindi ako nakinig eh! Kasalanan 'to ni Ara eh. Tsk!
Wala ni isa sa mga kaklase ko ang nagtaas ng kamay.
"Ang makakasagot ay exempted sa next long quiz." Doon na nagsimulang mag-react ang mga kaklase ko na tila ba nanghihiyang dahil mahirap yung given na problem.
"Oh, Ms. Ara Galang." Nilingon ko ang seat ni Ara dahil tinawag sya ng prof namin. Naka-taas ang kamay nya. Tumayo sya at pumunta sa harap ng board. Binigay ni sir ang white board pen kay Ara at nagsimula nyang sagutan yung problem.
"Impressive Ms. Galang! Ikaw ang exempted sa next long quiz natin." Natutuwang sabi ni Prof at pumalakpak pa.
"Sir, ayoko po ng exemption sa long quiz." Nakangiting sabi ni Ara. Wow! Ang arte ha? Sya na nga yung exempted ayaw pa?
"Ano bang gusto mo?" Tanong ni sir.
Tumingin si Ara sa akin at kumindat. "Date po with Thomas." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
"Okay, then. Mr. Torres ayos lang naman sa'yo diba?" Sabi ni sir. Hindi naman ako makakakontra dahil itong prof namin yung nagsabi. Tumango ako at ngumiti ng pilit.
⚫⚫⚫
"Thomas! Tara na." Nakangiting sabi ni Ara at hinawakan ang braso ko. Kakatapos lang ng klase namin.
Wala naman akong choice kundi sumama nalang sa kanya. Dinala nya ako sa isang cafe dito sa La Salle at umorder na rin sya.
"Ara, ano bang gusto mo? Bakit mo ba ako pimagttripan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi kita pinagttripan, okay? Seryoso ako sa'yo." Seryosong sabi nya. Pero kahit na! Malamang sa malamang eh umaarte lang sya.
"Kahit anong gawin mo, hindi mo ako maloloko. Dun ka nalang sa mga lalaking hinahabol ka." Inis kong sabi sa kanya. Ang kulit nya naman kasi!
"Hay nako! Hindi nga kita niloloko." Naiinis na rin sya.
"Pwes, hindi kita gusto Ara. Ayoko sa babaeng tulad mo. Ayoko ng naninigarilyo. Ayoko ng umiinom. Ayoko ng babaeng kung manamit eh parang pupulmomyahin. In short, ayoko sa'yo." Paliwanag ko sa kanya. Hard na kung hard pero ayokong makipaglokohan sa kanya. Malinaw na malinaw na hindi sya ang tipo kong babae.
Para namang naluluha na sya. Teka! Bakit bigla akong na-guilty? "Handa akong magbago para sa'yo Thomas. Mahal kita." Sabi nya at umalis. Nakita kong pumunta sa sa CR at parang nagpahid pa sya ng luha. Ano ba yan! Nasasaktan ba talaga sya? Pero bakit naman?
⚫⚫⚫
Simula ng araw na kumain kami, doon nya na pinatunayang handa syang magbago para sa akin. Hindi na sya nagbabar, nagyoyosi at umiinom. Naging maayos na rin ang pananamit nya.
Hindi ko maikakaila na nahulog na nga ako kay Ara.
"I love you babe." Sabi ko sa kanya at hinalikan ang noo nya.
"I love you too." Nakangiting sagot nya.
Tama nga sila. First impression never lasts. And lahat ng tao, pwedeng magbago.
BINABASA MO ANG
Fantasy
Fanfictionfan·ta·sy noun : something that is produced by the imagination : an idea about doing somhething that is far removed from normal reality: the act of imagining something: a book, movie, etc., that tells a story about things that happen in an imaginary...