"Ano ba 'yang Thomas Torres na 'yan. Nasa principal's office nanaman!" Iiling-iling na sabi ni Carol.
Kalat nanaman sa campus na napaaway si Thomas at ang kanyang mga kaibigan sa ibang school. Ang dahilan? Dota. Nagkadayaan daw. Kilala si Thomas Torres bilang bad boy ng eskwelahan. Madalas makipag-away, teacher's enemy, tirahan ang principal's office at kung ano-ano pa. Sya yung tipo ng tao na kinatatakutan ng mga lalaki dahil magaling daw ito makipag-suntukan. Ang mga babae naman, kung hindi turn-off sa kanya, turn-on naman. Bad boy man sya pero hindi sya playboy. Para sa kanya, sayang lang ang oras sa pakikipaglandian. Mag-dodota nalang sya.
"C-Carol talaga. Hayaan nalang natin." Sabi ni Ara sa kaibigan.
Nagtaka naman si Carol kung bakit parang biglang kinabahan si Ara pero hindi nya nalang ito masyadong pinansin. "Ah basta! Nakakainis sya. Binibigyan nya ng pangit na image ang section natin dahil sa mga ginagawa nya." Inis na sabi ni Carol. Oo, kaklase nila si Thomas. Si Carol and president ng klase kaya ganoon nalang ang inis nya kay Thomas. Gusto nya kasing panatilihin ang magandang record ng section nila sa tingin ng mga teachers.
Napa-iling nalang si Ara at pinagpatuloy ang pag-tetake ng lecture.
"Oh, Mr. Torres. Take your lecture please." Kakapasok lang ni Thomas sa classroom at mukhang wala itong pakialam sa mga nangyayari. Umupo lang sya sa upuan nya at pumikit.
Nilingon ni Ara ang binata. Hinihintay nyang dumilat ito.
Nagkatinginan sila at ngumiti ng malungkot si Ara.
⚫⚫⚫
"Babe naman. Bakit ka ba kasi nakipag-away? Sabi ko naman diba, tigilan mo na 'yan." Mahinhin na sabi ni Ara sa kasintahang si Thomas. Oo, sila. Tago ang relasyon nila at nasa isang tagong lugar sila ngayon para pag-usapan ang ginawa ni Thomas.
"Nakakainis kasi 'yung lalaking 'yun eh! Dinuga kami!" Inis na sabi ni Thomas. Bigla nalang ay niyakap ni Ara ang binata na ikinagulat naman nito. "Alam mo bang nag-alala ako?"
Umiiyak na si Ara at niyakap na rin ni Thomas ng mahigpit ang kanyang girlfriend at hinalikan ang ulo nito. "Ssshhh, babe I'm sorry. Stop crying please."
Humiwalay sa pagkakayakap si Ara at hinampas si Thomas. "Wag ka ng makikipag-away ha. Iwasan mo na rin 'yang pag-dodota mo. Mag-aral ka! Ako ang tutor mo!"
Napalunok naman si Thomas. Sino ang magaakala na ang kilalang bad boy ay titiklop sa girlfriend nito? Pag-ibig nga naman. "Susubukan ko."
"Anong susubukan? Gagawin mo! Pag hindi mo ginawa, magagalit ako!" Parang bata na sabi ni Ara. Bigla namang kinabahan si Thomas at tumango-tango. "Sige." Mahinang sagot nito.
"Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala. Mamaya, ikaw yung mabugbog. Pano kung marami sila, sige nga!" Inis na sabi ni Ara.
Ngumiti naman si Thomas. "Babe, alam mo namang kaya ko sila diba?"
"Heh! Kahit na. Pag nalaman ko talagang nakipag-away ka pa, hinding-hindi na kita kakausapin." Sabi ni Ara at bigla naman syang niyakap ni Thomas. "Babe, walang ganyanan."
"Magtino ka na ha." Sabi ni Ara at ngumuso. Alam ni Thomas na nahihirapan rin si Ara sa sa mga nangyayari.
⚫⚫⚫
"Babe, hindi ko na kaya. Ang hirap namang intindihin eh! Ayoko na." Inis na sabi ni Thomas.
Natawa naman si Ara. "Babe naman! Kaya mo 'yan."
Tinuturuan ni Ara si Thomas ng lesson sa Algebra. Malapit na ang exam nila at hindi pa rin gets ni Thomas ang mga lessons sa Algebra.
"Tsk. Babe, bakit ba tiwalang-tiwala kang kaya ko? Ako nga walang tiwala sa sarili ko eh." Nagtatakang tanong ni Thomas.
Ngumiti naman si Ara. "Kasi.. mahal kita."
"Huh? Anong connect?" Tanong ni Thomas. Natawa lang si Ara at umiling.
Nagbago na nga si Thomas. Hindi na sya madalas mag-dota. Lumalabas nalang sila ni Ara at nag-dedate. Hindi na rin sya napapaaway. Alam na rin sa school nila na merong sila. Nagulat ang lahat. Meron pang iba na nagsabing maghihiwalay rin sila. Hindi nalang nila pinansin dahil alam naman nila sa sarili nila na mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Babe mamaya na nga 'yang Algebra na yan. Kiss mo muna ako." Natatawang sabi ni Thomas.
Pinitik naman ni Ara ang noo ni Thomas. "Kiss ka dyan."
Ngumuso naman si Thomas at lumapit kay Ara. "Babe sige naaaa."
Natawa naman si Ara at hinawakan ang cheeks ni Thomas. Ngumuso rin sya at doon na napapikit si Thomas. Palapit ng palapit.. Nang biglang dinalaan ni Ara ang ilong ni Thomas.
"Ugh! Babe! Ew!" Inis na sabi ni Thomas pinunasan yung ilong nya. Tumawa naman si Ara at tumakbo palayo.
"HOY BABE BUMALIK KA DITO!" Sigaw ni Thomas at hinabol si Ara.
BINABASA MO ANG
Fantasy
Fanfictionfan·ta·sy noun : something that is produced by the imagination : an idea about doing somhething that is far removed from normal reality: the act of imagining something: a book, movie, etc., that tells a story about things that happen in an imaginary...