3rd Party

385 8 0
                                    

Iyak lang ako ng iyak. Habang pinapakinggan sya.

"Don't worry, Jeanine. I'm going. Tatakasan ko nalang si Mika. See you." I heard him. Tapos ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Nakaalis na siguro sya..

3 weeks.

3 weeks na nyang kinikita si Jeanine. Akala nya hindi ko alam.. Akala nya nakakalusot sya..

Hindi ko magawang komprontahin si Jeron. Natatakot akong baka hiwalayan nya na ako ng tuluyan. hindi ko kaya..

Sino ba naman ako para pigilan sya sa pakikipagkita kay Jeanine? Girlfriend nya lang naman ako for 2 years. At si Jeanine? Bago pa maging kami sya na yung mahal ni Jeron. Yung babaeng pangarap nya. Hindi ko na talaga mapigilan yung luha ko sa pag-agos.

2 years.. kayang sayangin ni Jeron para kay Jeanine. Baka sya na nga talaga ang mahal nya.

--

Joshua called me. May kainan daw sa bahay nila. Kakauwi lang kasi ng parents nya from Texas.

Kahit emotionally tired ako, pinilit kong pumunta dahil close friend ko si Josh. Susunduin nya daw ako dito sa condo. Tumanggi naman ako pero he insisted. Tinanong nya kasi kung kasama ko si Jeron pero nagpalusot nalang ako dahil hindi ko pwedeng sabihin yung mga nalalaman ko kasi ayoko namang sumama yung tingin nya kay Jeron.

Isa si Josh sa pinaka-pinagseselosan ni Jeron.. noon. Tuwing nagseselos sya, nararamdaman kong mahal nya talaga ako. Pero ngayon, malabo na kami. Naiiyak nanaman ako. No, Mika. Compose youself.

Nagdamit na ako. Napili kong mag-dress nalang to look formal. Nakakahiya naman kasi sa parents ni Josh.

--

Nandito na ako sa kotse ni Josh at nagkekwento sya tungkol sa parents nya. Ngumingiti nalang ako.

"Mika, are you okay? You look pale. Tell me, may problema ba? May sakit ka ba?" Tanong nya, maririnig yung pagka-concern sa boses nya. Buti pa sya.

I smiled at him. "I'm okay, Josh. Gutom lang siguro to. Hehe."

"Ay, tamang-tama. Nandito na tayo." Sabi nya at huminto na kami sa isang malaking bahay. Dali-dali naman syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

"Tara." Sabi nya at ngumiti lang ako. Sa pagpasok namin ay nakita ko ang ibang Archers na nakangiti ng nakakaloko. Nakita ko din ang Spikers at parang nagtatanong na, "Asan si Jeron?" Ngumiti nalang ako ng malungkot.

Hinawakan ni Josh ang kamay ko at dinala ako sa pamilya nya.

"Ma, Pa, this is Mika." He introduced me.

"Hello po." Sabi ko naman at nakipagshake-hands pa.

"So, Josh, is she your girlfriend?" His Mom asked. Nanlaki naman ang mata ko.

"No Mom! She's my friend." Josh said. Nagkatinginan naman yung parents nya at ngumiti.

"Miks, tara hatid na kita sa table ng Spikers." Sabi ni Josh. Tumango naman ako.

Pumunta si Josh sa mga kapatid nya at naiwan na ako sa mga kaibigan ko. "Hi guys." I greeted them.

"Mika, ang taray ha. Pinakilala ka sa parents! Bet." Pang-aasar ni Kim.

"Ano ba, I have Jeron." Sita ko sa kanya.

Napa-iling naman si Carol. "Eh, mahal ka ba? Sorry Miks ha. Pero gago yun si Jeron. Mas mabuti pa si Josh. Loyal sayo kahit walang kayo." Ayan na. Nagbabadya na ang pagtulo ng luha ko. Tama naman sila eh. Alam nila lahat. Sa kanila ko nakekwento lahat dahil pag hindi ko nalabas ang nararamdaman ko, baka mamatay na ako.

"Speaking of the devil. Aba puta, kasama pa talaga si Jeanine ha?" Iritableng saad ni Ara. Napatingin naman ako sa pintuan. Oo nga, kasama nya si Jeanine. Puta, ang sakit.

Nang makita nya ako ay napatigil sya. I don't know, maybe he's guilty. Napansin kong nagulat din ang Archers. Napatingin sila sa akin at ngumiti lang ako.

"Mika, c'mon." Nagulat ako ng hinila ako ni Josh palayo.

Dinala nya ako sa garden nila na walang katao-tao. Niyakap ko sya at doon, hindi ko na napigilan ang luha ko. "J-josh, ano bang k-kulang sa akin? G-ginawa ko naman lahat." He hugged me tighter. "Hush, Miks."

--

As the party ended, nandito pa rin kami. Nasa garden kaming Archers at Spikers. Wala, bonding. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Jeron. Umalis na rin si Jeanine kanina. Josh is still near me. Alam nya kasing nasasaktan ako kaya he wanted to be near me. And somehow I'm thankful pero gusto ko ring kausapin at tapatin si Jeron.

"Josh, wait lang ha. Tawag ako ni Ara." Sabi ko at tumango sya.

Pagkalapit ko kay Ara ay kinurot nya agad ako. Aray ha! "Taray mo talaga, Daks. Josh pa ha? Kavogue ka. Iwanan mo na nga yang si Jeron."

"Ara, mahal ko si Jeron. Concern lang si Josh. Pakiramdam ko nga alam nya na yung problema namin ni Jeron eh." Sabi ko.

"Puta, pare! Mika's my girlfriend! Back off!" Napalingon kami sa sumigaw. It was Jeron. Sinuntok nya si Josh. Pinigilan na rin ng Archers si Jeron. Tumakbo ako sa gitna nila at hinila si Jeron. "Josh, I'm sorry for what he did. We'll just talk." Pumunta kami sa isang pribadong lugar. At doon ko na sya kinausap.

"Ano bang ginawa ni Josh sayo? Bakit mo sya sinuntok?" I tried to be calm.

"Wow, Mika. Wag ka ngang mag-maangmaangan. Harap-harapan kayong naglalandian! Hindi ka na nahiya!" Nasampal ko sya. Napa-iyak na ako. Hindi ko na kaya.

"Ako pa, Je? Ako pa? Akala mo ba hindi ko alam yung sa inyo ni Jeanine? Je, alam ko lahat! H-hindi lang ako nagsasalita kasi iniisip kong lilipas din yang nararamdaman mo sa kanya at ako pa rin yung babalikan mo! Pero, puta Jeron naman! Tao lang din ako. Ang sakit sakit isipin na kaya mong kalimutan lahat ng meron tayo para kay Jeanine. J-je, ayoko na.. pagod na rin ako." Napaluhod na ako. Lalapitan nya sana ako para yakapin pero tumakbo ako palayo.

Niyakap ako ni Ara, "Ano, Miks?! Asan yun?! Sinaktan ka ba nya ha?!" Umiyak lang ako at umiling.

"We're done."

--

Bakit nga ba mahal na mahal ko si Jeron? Ang tanga ko lang talaga.

I'm currently here at our condo. Yeah, I'm so stupid para umuwi pa dito pero kukunin ko nalang yung mga damit ko. Naisipan kong ipagpabukas nalang yung paghahakot para matulog na. Pagod na pagod na talaga ako.

--

As I wake up, I saw Jeron. Looking at me. Hinawakan nya ang kamay ko. Mika, wag kang tanga.

"I talked to Josh babe. I said sorry. H-he told me how broken you are. I-i'm sorry. I love you so much. P-please forgive me. Jeanine was a mistake. I'm sorry for lying, for cheating." Sabi nya at umiiyak na.

"If you really love me, hindi mo ako lolokohin. I'm s-sorry, too." I really can't forgive him yet. I am so hurt. I don't think I can trust him again eventhough I love him.

Kinuha ko na ang maleta ko at sinimulan ko ng kunin ang mga damit ko. He hugged me from the back. I can feel his tears. "Baby, please don't do this. I-I can't live without you." Ewan ko ba, nanghihina nanaman ako. Mahal na mahal ko talaga sya..

"Mika, babawi ako sayo. Please, please. Give me another chance. I can't live without you, Ye." He is now sobbing.

I hugged him too. Magkaharap na kami. I kissed his forehead. "I'm sorry, Jeron." Inayos ko ulit ang mga damit ko. Nakayakap lang sya sa akin at umiiyak.

Nang matapos ko na ang pag-aayos ng damit ko ay tumayo na ako. "M-Mika, please.. don't do this." Hinang-hina sya. I'm sorry Je.

Umalis na ako, "Goodbye."

I closed the door. I didn't looked back. I can't. I'm hurt and wounded.

FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon