Bro

370 13 9
                                    

"Jeron, nahihirapan na ako. Ang hirap na tinatago natin kung anong meron tayo." I told him seriously.

"Nahihirapan din naman ako. Akala mo ba ikaw lang?" Naiinis na sabi nya. At sya pa talaga ang may ganang mainis ha!


"May girlfriend ka! May Jeanine ka! Iyong-iyo lang ako, pero ikaw, akin ka lang ba?" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kasi kaya. Tuwing nakikita ko silang masaya ni Jeanine, hindi ko mapigilan yung selos ko. Kahit alam kong mali.

"Bakit, ikaw rin naman ah!"

"Matagal na kaming hiwalay! Matagal na kaming wala. At dahil yun sa'yo! Dahil pinili kita.. kasi mahal kita." Napayuko na ako. Halo-halo ang nararamdaman ko. Lungkot, galit, awa para sa sarili ko.

"Mahal din naman kita ah? Pero alam mong hindi ko pwedeng hiwalayan sa ngayon si Jeanine at sabihin sa mga tao na tayo."

"I-ikinakakahiya mo ba ako?" Buong-lakas kong tanong sa kanya.

Nagdabog lang sya. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Mukhang umalis na sya. Napa-iyak nalang ako. Baka nga ikinakahiya nya ako..

⚫⚫⚫

"Oh, bakit malungkot ka?" Inakbayan ako ng bestfriend kong si Ara. Umiling lang ako at pilit na ngumiti.

"Si Jeron 'yan no? Nako, wala kang matatago sa akin bes! Kilalang-kilala kita." Sabi nya.

"Wag kang maingay! Mamaya may makarinig pa sa'yo dyan, ma-bash pa ako." Sabi ko sa kanya at umirap. Tinawanan lang ako ng bruha. Letche!

"Magpahaba ka rin kaya ng buhok katulad ng kay Jeanine? Tapos mag-CSR ka din!" Nang-aasar na sabi nya. Hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko 'to eh!

"Loka ka talaga, Ara! Wag mo ngang banggitin yung pangalan ng babaeng 'yun. Nasasaktan lang ako lalo eh!" At hinampas ko ang ulo nya. Tinawanan nya lang ako.

"Kumain na nga lang tayo sa Agno!" She told me at inakbayan ako.

So, ayun nga, nagpunta na kami sa Agno. Ang dami namang mga matang nakatingin samin. Yung iba kinikilig. Sorry nalang sila, hindi kami talo nitong si Ara.

⚫⚫⚫

"Ano 'to?" Galit na sabi ni Jeron at pinakita ang picture namin ni Ara sa twitter.

"Jeron, seryoso ka ba? Pati si Ara na bestfriend ko pagseselosan mo?" Inis kong sabi sa kanya. Eh kasi naman! Kaibigan ko lang si Ara. At hindi nga kami talo ni Ara!

"Eh bakit ang sweet nyo? Nag-away lang tayo may pamalit ka na?" Naiinis na ako dito kay Jeron ah! Seryoso talaga sya na nagseselos sya kay Ara ah?!

"Magkaibigan nga lang kami! Ang kulit mo naman! Ikaw nga dyan eh! May pa-see you see you ka pa kay Jeanine sa twitter! Atsaka atleast ako, hindi ko kinakahiya na mahal kita!" Nakakainis! Lagi nalang ba kaming mag-aaway?!

"Hindi kita kinakahiya pero sya, si Jeanine ang girlfriend ko!" Tang!na, ang sakit pala. Sobrang sakit.

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya at tumakbo palayo. Umagos na ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tutulo. Oo na, alam ko. Maling ang relasyon namin sa paningin ng lahat. Mali na nagmamahalan kami. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko sya!

Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa akin. "I'm sorry.." Sa simpleng yakap at sorry nya, parang bibigay na ako. Hinarap ko sya at yumakap ako sa kanya. "I'm sorry too."

"Wag ka ng umiyak dyan ha. Alam mo namang mahal na mahal kita diba?"Pinunasan nya ang luha ko at hinalikan ako sa noo. Tumango-tango nalang ako. Kahit nasasaktan ako, sa mga sinabi palang nya, nangibabaw yung saya ko.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at hinalikan sya. Tumugon naman ito. Mahal na mahak ko talaga 'tong si Jeron!

"I love you, Jeron.." I said sincerely.

"I love you too, Thomas."

⚫⚫⚫

Akala nyo si Mika no?! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA sorry guys, ThoRon shipper din ako. 😂💚

FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon