Bakery Shop

377 16 1
                                    

Naglalakad ako pababa sa hagdan para maghilamos at kumain na ng breakfast. Medyo inaantok pa ako dahil late na akong nakatulog kagabi.

"Kat, bumili ka ng pandesal sa bakery." Rinig kong utos ni Mama kay Kat. Bigla naman akong tumakbo palapit kay Mama at kinuha yung 100 pesos.

"Ma ako nalang bibili sa bakery!" Sabi ko at ngumiti.

Napa-kunot naman ang noo ni Mama. "Good morning anak. Parang napapadalas ang pag-vovolunteer mo na bumili ng tinapay ah? May sakit ka ba?" Sabi ni Mama at hinawakan pa yung noo ko.

"Nako, Ma! May gusto lang yang makita sa bakery! May chicks si kuya doon eh!" Sigaw ni Kat at tumawa. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Nag-belat lang sya at tumawa ulit. Nang-asar pa!

"Sige na, Thom. Bumili ka na." Natatawang sabi ni Mama. Ano ba yan si Kat eh! Nilaglag pa ako!

"Ma, wag kang maniwala dyan kay Kat!" Sabi ko at umalis na ng bahay para bumili sa bakery shop.

Naglakad na nga ako papuntang bakery shop na mga sampung bahay lang mula sa bahay namin. Naalala ko tuloy ang unang beses na napilitan akong bumili sa bakery shop at sya ang nagbenta sa akin.

FLASHBACK

Badtrip! Ako pa nautusan ni Mama na bumili ng tinapay. Si Kat kasi nilalagnat. Si Iya naman nasa bahay ng kaibigan nya. Si Dietherd naman, ayun tulog pa.

Dahil medyo may araw na rin, nagpayong na ako. Hindi naman sa maarte ako pero ayoko lang talagang mainitan. Okay, ang gulo ng part na yun. Pero ayun nga, naglakad na ako papuntang bakery shop.

May isang babaeng nakatalikod na naglalagay ng mga palaman.

"Pabili po." Sabi ko. Napatigil naman sya sa paglalagay ng palaman at hinarap ako.

Shit!

ANG GANDA NYA! Ang tangos ng ilong, morena, short hair at ang kapal ng labi nya. Ang sarap halikan. Ay Thomas! Tanga! Don't check her out.

"Uhm, kuya! Ano pong inyo?" Ay! Masyado ko ata syang natitigan. Pero wait! Kuya daw?! Grabe ha. Mukang magka-edad nga lang kami eh!

"A-ano, p-pandesal. 50 pesos." Sabi ko sa kanya. Tanga talaga, Thomas! Bakit ka nauutal?!

Natawan naman sya. Shit! Ang ganda nya! Ang sarap pakinggan ng tawa nya. Para syang anghel na bumaba mula sa langit.

Ininit nya na yung pandesal at maya-maya lang ay inabot nya na sa akin at nagbayad naman ako ng 100 pesos. Kumuha sya ng sukli at inabot sa akin. Sinadya kong hawakan ang kamay nya para makuha yung sukli at tinignan sya. Natawa naman sya. At napailing. Hala! Nahalata nya kayang nagagandahan ako sa kanya?

END OF FLASHBACK

Eversince that day, ako na palagi ang nabili ng pandesal para makita si Ara. Ang ganda ng pangalan nya, diba? Narinig ko kasi one time na tinawag sya nung kasama nya sa bakery kaya nalaman ko yung pangalan nya. Hindi nya na rin ako tinatawag na kuya. At kung bakit? Nililigawan ko na kasi sya! Oh diba.

Natanaw ko na ang bakery shop. Nakita ko si Ara na binebentahan si Paolo at nakikipagtawanan pa. Ang karibal ko sa puso ni Ara. Tsk! Umagang-umaga yan agad makikita ko. Badtrip!

Umalis na rin si Paolo. Lumapit na ako sa bakery.

"Pandesal nga." Naiinis talaga ako! Tuwang-tuwa pa si Ara habang kausap sya kanina. Tsk!

"Oh, Thomas! Bakit badtrip ka? Ang aga-aga nakabusangot na yang muka mo." Naiiling na sabi nya at natatawa pa habang nilalagay yung pandesal na order ko sa paper bag.

"Ikaw kasi eh." Pabulong kong sabi.

Natawa naman sya. "Ha? Anong ginawa ko?" Ay tanga, Thomas! Narinig nya!

"Eh ikaw kasi eh! Ang saya-saya mo habang kausap si Paolo!" Okay, hindi ko na napigilang sabihin sa kanya. Nagseselos na talaga ako!

"Oh, ano namang masama kung kausap ko si Paolo?" Nakangising sabi nya. At inasar pa talaga ako ha!

"Ara, hindi ba obvious? Nagseselos ako! Ako lang dapat yung kausap mo na matatawa ka ng sobra. Ako lang dapat nagpapasaya sayo." Inis kong sabi sa kanya. Tinawanan nya lang ulit ako. Lumabas sya sa bakery at nilapitan ako.

Pinitik nya ang noo ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Kaibigan ko lang si Paolo. At ikaw nga ang pinayagan kong manligaw diba?" Sabi nya. Okay. Nawala na yung pagka-badtrip ko at napalitan ng kilig. Oo, nililigawan ko na sya. Eh mahal ko eh! Nakalaban ko pa nga si Paolo pero sa akin lang nagpaligaw si Ara.

Inabot nya na sa akin yung pandesal na binili ko. "Oh, ano, selos ka pa?" Natatawang sabi nya.

Niyakap ko naman sya. Napasinghap si Ara pero natawa lang din sya ulit at niyakap ako pabalik. "Sorry kung nagselos ako. Alam mo namang mahal na mahal kita diba?" Sabi ko habang magkayakap pa rin kami. Hinampas nya naman yung likod ko at humiwalay na sya sa yakap. Hahahaha! Ang pula ng muka ni Ara!

"C-che!" Kitang-kita na nahihiya sya. Sus! Hahahaha.

"I love you, mamon!" Sabi ko sa kanya. Nasabi nya kasi sa akin na mahilig daw sya sa mamon.

"Bumalik ka na nga sa bahay nyo. Pinaghihintay mo yung mama mo." Sabi nya at pinitik ang noo ko. Mahina lang naman.

"Sige. Balik rin ako dito mamaya. I love you, mamon ko." Sabi ko at nagnakaw ng halik sa pisngi nya. Tumakbo agad ako bago pa sya makapg-react. Nilingon ko naman sya habang nakalayo na ako ng kaunti at ang laki ng mata nya.

"Thomas!!!!" Sigaw nya. Natawa lang ako at bumalik na sa bahay.

Ang cute cute talaga ng mamon ko! Sarap halikan! Pano kaya pag yunh lips na? Ay, Thomas! Wag ka nga!

FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon