//03 JULIA * MGA KWENTONG KABABALAGHAN

82 1 0
                                    

Dumating ang napakalakas na bagyo ng gabing yon. Malakas na buhos ng ulan, hampos ng hangin, kidlat at kulog na nakabibingi sa kanila. Mabuti nalang at tapos na silang kumain at nakapagligpit na din sila sa bahay na iyon. NAkahanda na rin ang kanilang gagamitin para sa gabing iyon. Napagpasyahan nilang lahat na sa  isang kwarto na lamang matulog para sama-sama sila at dahil narin sa hindi pa sila inaantok. Napagpasyahan nilang matulog sa pinakamalaking kwarto sa mansyon na iyon. Ang kwarto ng tita ni Rain.

"Wow! Grabe ang laki naman nitong kwarto hon"- Katie na manghang-mangha pagkapasok niya sa loob

"Oo nga! ang ganda naman dito"- Aeris

"Bet ko 'to!"- Shamcey

Pagkapasok nilanglahat ay umupo sila sa kama samantalang si Cassandra at Gems naman  at tumitingin-tingin sa mga gamit sa paligid. Mga naglalakihang paintings, isang malaking frame na kung saan ay nandun ang picture ng tita ni Rain at ang asawa nito. May nasagap naman ang mata ni Cassandra, isang family picture.

"Rain, heto ba anak ngtita mo?"- Cassandra. Nilapitan niya si Rain at ipinakita ito

"Yup. Si tita Ana, tito Gilbert, tapos itong dalawang 'to si Julie, Julia at Alice"- Rain

"kambal?"- Shamcey. At hawak na naman nito ang manikang napulot niya sa labas

"Oo kambal si Julie at Julia. Kaso bigla nalang siyang nawala"- Rain

"Nawala? ano namatay ba?"- Katie

"Sa totoo lang hindi namin alam ehkung nasan na siya ngayon. hinanapsiya nila  tita pero hindi nanila nakita pa. Nagpakalat nanga siya ngmga pictures ni Julia nun, halos buong baguio pero wala man lang nakapagsabi kung nasan siya at nakakita. Maski ang mga kaibigan nito at mga kaklase. Bigla nalang siyang naglaho na parang bula."- Rain

"Bakit naman kaya? baka naman may problema  siya?"-  Gino

"Hindi ko masabi eh. Nung nakilala ko kasi sila ate Julia nasa grade 6 palang ako nun. At siya nasa 2nd year high school na. Bale 14 years old siya nung nawala at ngayon nasa 18 nasiya. Mabait si  ate Julia lagi niya nga akong binibigyan ng mga laruan nun eh tapos ibinibigay niya sakin yon satuwing luluwas sila ng Maynila kasama sila tita at sila ate Julie at Alice hanggang sa isang gabi hindi na daw siya umuwi dito. Hinintay siya hanggang kinabukasan pero wala pa ding Julia na dumadating. Sabi ng mga katulong umalis lang siya ng bahay para pumasok sa School niya at hindi pa nila nakitang umuwi. HInanap din siya dito sa loob ng bahay pero wala din. Nagtanong daw sila sa School pero hindi naman daw ito pumasok. Hanggang sa ayon, inisip nila na baka namatay nalang daw si ate Julia. Hindi matanggap ng pamilya niya kaya nagmigrate nalang sila sa US pero naiwan dito si ate Alice ang panganay nila."- pagkwekwento ni rain sa kanila habang patuloy parin ang paglakas ng ulan sa gabingyon.

"Nakakalungkot naman. Ano kayang nagyarekay Julia"- malungkot na sabi ni Katie

KULOGGGGGGGG!

"Waaaaaaaaah!"- napasigaw naman ang mga babae dahil sa malakas na kulog pagkabanggit ng pangalan ni Julia. Natakot naman ang mga ito kaya niyakap nila ang isat-isa. nagsitawanan lang naman ang mga lalaki.

"Hmnn, guys inaantok na ba kayo?"- Kyle

"Hindi pa naman pare"- sagot naman sa kanya ni Gino

"Ako din"- sagot naman sakanya ng  mga babae

"Anong gagawin naten? hehehe"- Kyle

"Oo nga noh. Maglaro nalang tayo"- Katie

"Ano namang lalaruin naten?"- Gems

"Hindi ko din lam. Hehehehe"- Katie

"Alam ko na, magkwentuhan nalang tayo ng mga nakakatakot. Awooooo!"- Gems

THE CABINETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon