//01 THE ROAD * PANAGINIP * SIGAW

138 2 2
                                    

Sa wakas sembreak na! May plano kasi kami ng boyfriend kong si Gino at ang aming barkada na mag out of town ngayong sembreak at sa Baguio lang naman kami pupunta. Nasa  3rd year college na kami maliban kay Aeris dahil nasa 2nd year palang siya at sa isang sikat na eskwelahan dito sa bansa kami nag aaral. Isang gabi nalang at magbabyahe na kaming lahat. Sobrang excited na ako kasi this will be the first time na magkakasama  kami for out of town.

*SA CANTEEN

"Hi babe"- bati saakin ng boyfriend kong si Gino sabay halik sa pisngi ko at ginantihan ko lang naman ng napaka sweet kong smile

"Ano ba yan! Wag sa harap ko!"- mataray na sabi ni Gems saamin

"Bitter!"- sagot naman ng bestfriend kong si Katie, dahil hanggang ngayon hindi parin nakakapag move-on si Gems sa ex-boyfriend niyang si Klye

"Shut up!"- mataray na sagot ni Gems

"Oh tama na yan, baka kung saan pa mapunta yan."- Si Rain ang boyfriend ng aking mahal na bestfriend

"So guys, ready na ba kayo for tomorrow?"- Katie

"Syempre naman bessy, excited na kaya ako"- nakangiting sabi ko naman sa kanya

"Ako  din"- sagot naman niya

"Teka, si Aeris bakit wala pa? hindi pa ba sila pinapalabas?"- Gino

"Hindi pa yata eh,pero i texted her na.sinabi kong nandito tayo sa canteen."- Gems

Habang hinihintay namin si Aeris, kumain muna kami sa loob ng canteen dito sa school, nagkwentuhan, nagtawanan, nag asaran at kung ano-ano pa. Ganito naman kami palage ng mga kaibigan ko. Ako nga pala si Cassandra at itong barkadang 'to, mahal na  mahal ko 'to. Kahit isang taon  palang kaming magkakakilala pero sa kanila ko na-feel yung sincerity bilang kaibigan. Sa lahat ng oras lagi silang nandiyan to comfort me kung may problema  man ako atkung may problema kami ni Gino. Actually mag pa-5months palang naman kaming mag-on at ramdam ko na mahal na mahal niya talaga ako at ganun din naman ako sa kanya. Dahil wala naman kaming magawa sa mga bahay namin tuwing sembreak at laging busy ang mga magulang namin sa kanya-kanya nilang business kaya madalas ay wala na silang time para saamin. Pare-pareho kami ng sitwasyon ng mga kaibigan ko maliban kay Aeris kasi simple lang  ang buhay nila. Mabait si Aeris kaya napasama siya sa barkada  at dahil magpinsan sila ni GEms.

"Hi mga Ate, kuya!"- Aeris

"sorry ha, ang tagal kasi magpalabas nung prof namin eh. Binigyan ba naman kami ng sandamakmak na assignments."- Aeris sabay pout

"haha. okay lang yun. kain ka muna oh"- sabay abot ni Gems ng pagkain kay Aeris

"Thanks ate"- Aeris

"Excited na ako para bukas, actually 2days ago nakaready na gamit ko eh. hehehehe"- Aeris na nakatawa pa

"Uy pre! buti dumating ka.- bati ni Gino kay Kyle na papalapit sa kinauupuan namin

"Ahh o-o hehe"- Kyle na napakamot sa ulo habang pasimpleng tingin kay Gems at heto namang si Gems ay nakatungo lang at nilalaro yung pagkaing nasa harapan niya

"Hello! kamusta na kayo?- bati saamin ni Kyle

"Okay lang kami"- nakangiting sagot naman namin sa kanya

"Ano pre, nakaready ka na ng gamit mo?- Gino

"Actually mamayang gabi palang ako mag aayos eh.So san ba tayo magkikitanglahat?- Kyle

Nagkatinginan naman si Gems atKatie ng marinig nila ang usapan ng dalawang lalake at gulat na gulat naman  itong si Gems dahil sasama pala saamin si  Kyle. Tinext kasi siya ni Gino nung isang araw na sumama siya saamin. Nunguna ayaw pa niyangpumayag dahil nga kay Gems, nahihiya siya dito dahil sa kanilang break up.Pero dahil nga makulit si Gino ay napapayag din niya na sumama ito.

THE CABINETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon