//06 MANIKA* CABINET* GABI

63 1 0
                                    

SHAMCEY'S POV

Katatapos lang namingkumain ng breakfast. Hanggang ngayon shocked pa din kami sa nadatnan namin kagabi. Natatakot tuloy kaming mga girls dahil baka maulit pa ito. Kaya naman,nakiusap kami sa mga pulis kagabi na puntahan kami ulit ngayong araw para macheck ulit ang bahay at baka  may makuha pang ebidensya,

Sa totoo lang kinikilabutan na ako sa bahay na ito. Hindi ko lang masabi kungbakit. Pakiramdam ko, may ibang nakatira sa bahay na ito maliban saamin.

Hawak-hawak ko na  naman ang manikang  napulot ko sa punong iyon. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang manikang ito. Siguro kasi mahilig ako sa mga ganito at madami akong collections, pero kakaiba ang isang 'to. Hindi ko lang maipaliwanang kung bakit.

Nandito kami ngayon sa sala, nanunuod ng TV habang hinihintay ang mga pulis.

"Mag ingat po tayong lahat sa parating na bagyo mamayang gabi. Siguraduhin po natin na nasasafe na lugar po ang atingpamilya o mga kasama sa bahay. Asahan po natin ang matinding pag-ulan mamayang gabi na magdudulot po ng baha sa kahit anong lugar lalong-lalo na dito sa NCR. Magiging maulan din po sa ibang lugar katulad ng North Luzon kaya maghanda-handa din po tayo"- sabi nung newscaster

"Bagyo na naman?!"- iritang sabi ni Katie

"Hindi na matapos tapos na bagyo. Siguradong baha na naman sa Mandaluyong nito"- sabi naman ni Kyle

"Oo nga"- sabi naman ni Rain

"Narinig mo yun Mika, may bagyo na namang dadating"- sabi ko sa hawak kong manika na hinhaplos-haplos ko ang buhok nito. Mika ang pinangalan ko sa kanya. Kinuha ko sa tawag na MANIKA.

"Ano ba yan, para kang baliw diyan. Kinakausap mo yan, buti sana kung sasagot yan!"- sabi saakin ni Gemsna inirapan pa ako. Ang bruhang 'to. Akala naman niya mas maganda siya saakin eh hamak naman na mas maganda ako sa kanya. Kung di ko lang kaibigan 'to talaga, sinabunutan ko na

"Ganun talaga!"- sagot ko naman sakanya

"Di ba Mika?"- tanong ko sa manika

"Ahhhhh ahhhhh"- sigaw ko

"Oh anung nangyare sayo?- natarantang tanong saakin ni Gems

"Eh kasi naman si Mika, kinindtan ko tapos ngumiti bigla!"- pagpapaliwanang ko.Hindi ko alam kung namamalik  mata ako pero sigurado ako sa nakita ko eh, hindi ako pwedeng .

"It;s not funny!"- sabi naman ni Gems

"Pero hindi ako nagsisinungaling!"- sagot ko naman sa kanya

"Teka, nagagalaw naman 'tong mata niya eh tsaka nakangiti naman talaga siya"- sabi ni Gino dahil dinampot niya yung manika kasi bigla kong binitawan kanina sa sobrang gulat

"Oo nga friend. Ano ba?! Nababaliw ka na yata!"- Gems

"Eh basta! Yun nga yung nakita ko eh!"- sagot ko naman

"Enough of this!"-Gems. Inagaw niya ang manika kay Gino saka siya pumuntang kitchen.

--

GEM'S POV

"Anong ginawa mo sa manika Gems?"- tanong saakin ni Cassandra pagbalik ko sa sala kung nasaan sila

"Tinapon ko sa basura para hindi na mabaliw yung isa diyan!"- sagot ko naman

"Hindi ako baliw!"- pasigaw na sagot naman saakin ni  Shamcey. HIndi ko na siya sinagot pa dahil baka mag-away lang kami. Alam ko naman kasing hindi magpapatalo ang baklang 'to kahit sobrang maldita pa ako.

Umupo nalang ulit ako sa sala at nagpatuloy sa panonood namin.

--

RAIN'S POV

THE CABINETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon