//05 HULA * BABAE* FOOTPRINTS

64 1 0
                                    

GEMS POV

Nandito na kami ngayon sa Mall. Napagdesisyunan nalang namin na mag grocery muna at iwan nalang ito sa sasakyan na nasa parking lot. At pagkatapos nun ay mamamasyal na kami at lilibutin ang buong Baguio. Joke ! HAHA.

"Seriously, ganito talaga kahaba ang listahan?"- tanong saakin ni Cassandra habang tinitignan yung listahan ng mga bilihin namin

"Ang dami naman yata niyan"- sabi naman ni Kyle

"Nope, its okay. Its good  for 3days. Yung iba diyan sagot na ni Shamcey kasi nakakahiya naman daw kung hindi siya magbibigay"- nakangiting sagot ko naman sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad para sa paghahanap ng mga pagkain sa listahan

"Samahan na kita"- sabi naman ni Kyle saakin at sinabayan na ako sa paglalakad

Napahinto ako sa stall ng Lays at Pretzel at napansin din ito ni kyle kaya napahinto na din siya.

"Naalala mo pa ba yun?"- nakangiting taong ko sa kanya pero nakatingin padin ako sa mga chips at siya ay nakikinig lang sa sinabi ko

"Yung una tayong nagkita at paano tayo nagkakilala"- nakangiting sabi ko ulit sa kanya na mukang ikinagulat naman niya ito.

"Oo naman. HIndi ko pwedeng kalimutan yun kasi mahallaga sakin ang araw na yon"- nakangiting sagot naman niya saakin

"Mahalaga pala sayo yung araw na nagkakilala tayo. Pero matanong ko lang...mahalaga din ba sayo yung araw na iniwan mo ko?"- tanong ko sa kanya at alam kong ikinagulat niya dahil nabitawan niya yung hawa niyang chips. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin niya kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa pagalalakad dahil tamang-tama at nakita ko din sila Shamcey at Aeris sa kabilang section ng supermarket. At iniwan ko nga si Kyle dun, pero napansin ko namang sumunod siya.

"Okay na ba?"- tanong ko sa dalawa

"Oo ate"- sagot naman ni Aeris

"Tara, lets pay it na."- sabi naman ni Shamcey

Nakita naman namin sila Cassandra na nasa may cashier na kaya lumapit na kami sa kanila para mabayaran na namin lahat ng bilihin. Pagkatapos nun ay ipinahatid na namin sa van yung mga pinamili namin aat iiwan muna namin ang sasakyan sa parking lot para makapaglakad-lakad sa labas ng Mall. Pare-pareho naman kasi ang mga Malls kaya maglilibot nalang kami sa labas.

Madaming ukkay-ukay sa paligid ng mga daanan. Meron din mga nagtitinda ng street foods. Napansin ko namang hindi makatingin saakin si Kyle at medyo iwas na.Siguro nasaktan siya sa mga nasabi ko. Pero wala ng mas sasakit pa nung araw na iniwan niya ako. That was supposed to be our 9th Monthsarry, pero dahil sa gago siya at malandi, hayun iniwan ako dahil sa malandi at impakta niyang bestfriend. Mas pinili niya yun over me. Nakakainis! dapat bestfriend lang sila eh, pero anong nangyare? Tsk!

CASSANDRA'S POV

Nasa labas na kami ngayon at palakad-lakad lang sa daan. May mga nagtitinda ng mga segunda mano o ukau-ukay kung tawagin at mga pagkain katulad ng kwek-kwek, fishballs at kung ano-ano pang street food. Sabay kaming naglalakad ni Gino habang magkahawak ang mga kamay naming dalawa ng biglang...

"Miss, gusto mo hulaan kita?"- sabi saakin nung Ale na nakaupo sa gilid ng daanan. May katandaan narin ito. Nakasuot siya ng itim na damit at itim na belo. Muka siyang manghuhula talaga o worst pa is muka siyang mangkukulam

"Sige po"- agad ko naman sagot sa kanya. Sa totoo lang hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganitong hula, manghuhula. Kaso dahil curious ako kaya gusto ko na itong subukan pa.

"Bagay na bagay kayo ng boyfriend mo"- sabi niya saakin habang papalapit kami sa kanya

"Opo naman po"- nakangiting sabi naman ni Gino

THE CABINETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon