//08 PANAGINIP

24 0 0
                                    

CASSANDRA'S POV

Naglalakad akong mag isa ngayon sa daan at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Walang tigil ang mga paa ko sa kakalakad hanggang sa huminto ako sa harap ng isang matandang babae. Nagulat ako dahil ito yung babaing  nanghula saakin nung mga nakaraang araw na  namasyal kami. Iba ang lugar na 'to, hindi ito yung lugar kung saan ko siya nakita. Madaming taong naglalakad, nag uusap,nagtatawanan.

"Mabuti at bumalik ka"

"Ho?"- Ako

"Ikaw nga iha."-matandang babae

"Alam mo na ba ang iyong nakaraan?"

"Ano pong sinasabi niyo, hindi ko po kayo maintindihan?"-tanong ko

"Hanapin mo ang katotohanan."-ngumiti siya saakin pagkasabi nun at tinalikutan na niya ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng matandang yon. Nakakatakot siya kahit muka siyang mabait.

Nag iba naman ng setting. Nandito na ako ngayon sa mansion. Agad agad naman akong pimunta sa sala at kusina pero hindi ko nakita sila Gino.

"Gino!"

"Katie!"

"Gem!"

Guys asan kayo? Sumagot naman kayo.

Tinignan ko sila sa sa lahay ng kwarto pero hindi ko sila nakita. Bigla naman akong nakarinig ng pagbukas ng pinto sa kaliwang dulo ng kwarto. Agad ko namanh pinuntahan ito. Nakita ko itong nakabukas. Nakapagtataka dahil hindi namin binalak ng buksan yon. Hindi yun binuksan ni Rain.

Pumasok ako sa kwarto pero napakadilim nito. Kinapa ko ang switch ng ilaw pero pagkabukas ko, hindi sumindi ang ilaw. Nakaramdam naman ako ng sobrang lamig sa kwartong 'to pero napakaimposible na may makapasok na hangin dahil sarado lahat ng bintana. Isa pa naka-off naman ang aircon. Lumapi ako sa kurtina at hinawi ko ito para magkaroon ng kahit konting liwanag sa kwarto.

Napakaganda ng kwartong 'to kahit maalikabok at madaming sapot ng gagamba. Naagaw pansin naman ng mata ko ang isang picture frame sa gilid ng kama. Kinuha ko ito at dahil maalikabok na din ay hinipan ko ito at pinunasan gamit ang kamay ko. Picture 'to ng isang babae at hindi ako maaaring magkamali.

"Julia"

BLAAAG!

Nagulat ako ng biglang sumarado ang pintuan ng kwarto at humangin ng malamig sa buong paligid na nagpatayo naman ng mga balahibo ko.

Bumalik naman ang tingin ko sa litrato at-

"Ahhhhhhh du-dugo!"-nakakita ako ng mga patak ng dugo sa picture frame. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para malaman kung saan nanggaling ang dugo habang hawak-hawak ko pa din ang picture ni julia.

"AHHHHHHHHHHHHHH!"

"Babe gising!"-narinig ko ang boses ni Gino at dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Tumambad naman saakin ang muka ni Gino kaya agad agad ko siyang niyakap. Nandun din pala ang  lahat na mukang nag aalala.

"are you okay?"-tanong saakin ni Gino at inabutan ako ng isang basong tubig. Ininom ko na muna ito saka nagsalita.

"yeah. its just a bad dream. sorry guys pinag alala  ko kayo."-ako

"same dream?"-Katie

"No."-at binigyann ko siya ng isang ngiti para hindi na masyadong mag alala.

"Si Aeris?"-pag iiba ko ng usapan.

"Wala pa din balita. Natatakot na ako para sa batang yon."-Gems

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE CABINETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon