//04 PANAGINIP

67 0 0
                                    

*PANAGINIP

CASSANDRA'S POV

Nagising ako na wala nalang sa tabi ko ang mga kasama kong babae. Pagtingin ko sa sahig ay wala na din sila Gino. Pero san naman kaya sila pupunta? Tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at pagtingin sa oras ay 3:36 na ng madaling araw. Inisip ko nalang na baka nagising sila dahil nagugutom na kaya siguro lumabas ng kwarto. At dahil siguro mahimbing ang pagkakatulog ko ay hindi na nila ako tinangka pang gisingin.  Pero nakapagtataka naman na ako lang ang tulog na tulog sa aming lahat.

"Baka panaginip lang 'to"- bulong ko sa sarili ko

Lumabas ako ng kwarto para tignan kung nasan ang mga kaibigan ko. Pumunta ako sa sala pero wala rin sila rito kaya pumunta rin ako sa kusina pero wala pa din sila. Tinawag ko isa isa ang mga pangalan nila ngunit ni isa sa kanila ay wala man lang sumagot. Nakaramdam na ako ng pangingilabot sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin at kung makikita ko pa ba sila. Kumuha ako ng tubig sarefat ininom ito ng bigla ko itong nabitawan dahil sa nakita ko sa labat ng bintana. Nakita ko ang kinukwento sa amin ni Aeris nababaing nakabigti roon. Nakatingin siya saakin. Nakakatakot ang itsura niya dahil duguanito, dilat ang mga mata at nakalawit ang kanyang dila. Mas lalo akong natakot dahil sa akin siya nakatingin.Nakakatakot ang kanyang mga mata, nanlilisik ito. Galit na galit na akala mo ay papatayin na ako sa mga tinginan niyang iyon. Pumikit ako ng sandaling iyon at mga ilang segundo ay idinilat ko na ulit ang aking mga mata.

"AHHHHHHHHHHHHHHH"- sigaw ko. Pagdilat ko kasi ng mga mata ko ay nagulat nalang ako sa nakita ko. Yung babaing nakabigti sa puno kanina ay ngayon kaharap ko na. 

"Gino....tulungan mo ko! Gino"- tawag ko kay Gino pero wala pa din sumasagot sa mga pagtawag ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa labas ng bahay. Basang-basa ako sa ulan dahil kasalukuyan pa din ang pagbuhos nito ganun din ang malakas na kulog at pagkidlat. Nakarating ako sa likod ng bahay dahil hindi ko na lam kung saan talaga ako pupunta, hindi ako makapag-isip. Tumingin ako sa likod ko at sa paligid pero wala na ang babae. Hindi naman niya ako sinundan pero dahil sa sobrang takot ko ay tumakbo nalang ako. Hingal na hingal ako at napaupo sa lupa. Iyak ako iyak hanggang sa may napansin akong dugo sa lupang kinauupuan ko. Agad akong tumayo para makita ito at sinundan ko kung saan nanggaling.

"AHHHHHHHHHHHHH!"- sigaw kong muli sanakita ko. Sila Gino at mga kaibigan ko, patay na. Duguan sila.

(CUT)

"Cassandra! gising! gising!"- narinig ko ang boses ni Gino at niyuyugyog ako kaya agad kong minulat ang dalawa kong mata

"Same dream again?"- nag aalalang tanong sakin ng bestfriend kong  si Katie

"Nope"- maikli kong sagot sa kanya. Nakita ko silang lahat sa tabi ng kama at kitang-kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala lalo na si Gino at napansin kong maliwanagna din pala

"Okay ka lang ba? heto tubig oh"- inabutan naman ako ni Gems ng tubig at ininom ko naman ito

"babe?"- Gino

"I'm okay. Its just a bad dream"- nakangiting sagot ko sa kanya.

GINO'S POV

"Babe?"-pagtawag ko sa kanya

"I'm okay. Its just a bad dream"- sagot niya saken habang nakangiti. Ang ngiting yon alam ko papilit lang. At hindi talaga siya okay. Pangalawang beses ko na siyang nakikitang binabangungot at sa dalawang beses ko ng  narinig kay Katie ang salitang, "SAME DREAM". Hindi ko naman matanong si Cassandra dahil lagi niyang sinasabe na okay lang siya kaya hinayaan ko nalang.

Nagsilabasan naman ang lahat para makapaghanda na ng pagkain pero kaming dalawa lang ni Cassandra ang naiwan sa kwarto. Heto na siguro yung pagkakataon para maitanong ko sa kanya kung ano bang napanaginipan niya.

"Babe, tell me what is it?"- tanong ko sa kanya habang nakatingin ng seryoso sa kanyang mga mata

"Huwag kang matakot. tsaka makikinig ako"- nakangiting kong sabi

"Sa totoo lang babe hindi ko lam kung paano ko ito ikwekwento sayo eh.Hindi ko rin alam at lalong hindi ko rin maintindihan kung bakit napapanaginipan ko ang mga bagay na yun. Mga nakakatakot na pangyayare.- sabi niya

"simula nung maging tayo, halos gabi-gabi ko nalang napapanaginipan iyon. Magigising ako sa panaginip ko na wala na ang mga taong nasa tabi ko. hahanapin ko sila pero hindi ko sila makikita. Hanggang sa bigla ko nalang silang makikita pero patay na"- mangiyak-ngiyak niyang kwento saakin. hindi ko alam kung aong sasabihin ko sa kanya kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit para kumalma at makalimutan niyang sandali kung ano ang mga napapanaginipan niyang iyon.

hindi ko na siya pinagkwento pa para mawala na din muna pansamantala yung mga bagay na bumabagabag sa kanya. Niyaya ko na siyang lumabas ng kwarto para kumain at dahil wala na rin bagyo ay itutuloy na namin ang planong mamasyal sa labas at para makabili na din ng pagkain namin para sa mga ilang araw pa namin dito sa bahay na ito.

-----

THE CABINETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon