Chapter 15

67 6 0
                                    

ARA's

The main cafeteria remained silent kahit nakalabas na si Cedric. Maging ang mga staff ay natigilan sa kani-kanilang trabaho. Nagkatinginan kami ni Yannie at sabay na sinulyapan sina Ate at Lavi, chinecheck ni Ate kung may iba pang injury ang boyfriend niya. Agad akong nag iwas ng tingin ng marealize kong nakatingin sakin si Ice at Gwen at sabay na tinignan sina Ate. Binalik nila ang tingin sakin at sabay na umiling.

"Babe, I'm fine. Parang kagat lang ng lamok yung suntok ng ex mo. Bakla ata yun!" sabi ni Lavi kay Ate para maibsan ang pag-aalala nito. Inirapan naman siya ni Ate bago tinalikuran at bumalik na sa upuan niya kanina.

"Mayabang ka! Tumilapon ka nga kanina eh." Pang-aasar ko habang bumabalik na kami sa mga pwesto namin. Nag-umpisa naring gumalaw ang mga tao sa paligid. Sana lang ay walang mag-report sa nangyari.

"Kasi nga nagulat ako diba? Panira naman kasi ng moment ang gag—" naputol siya sa pag-sasalita ng tingnan siya ng masama ni Ate.

"Mag-mura ka pa at tignan natin kung saan ka pupulutin?" natahimik nalang ang bestfriend ko at nag-pacute na lang sa kapatid ko.

Napailing nalang ako sa kanila. Napansin kong nakatingin parin sakin si Gwen at Ice. Sinalubong ko ang tingin ni Gwen. And she mouthed something to me.

Boundaries.

Sandali kong binalingan ng tingin si Lavi at Ate bago ko binalik ang tingin sakanya at ngumiti.

I know.

"I'll just borrow it for a week! Promise! One week lang!" Paki-usap ko kay Lavi. Nandito ako sa condo niya at nang hihiram ng DVD collection niya ng Vampire Diaries.

"I already said no, Ara." tanggi niya bago tumayo sa sofa at pumasok sa kwarto niya. Sinundan ko siya sa loob at patuloy na kinukulit siyang pahiramin ako.

"Ang kulit! Ayoko okay?" ani niya pero para lang akong walang narinig at nag patuloy lang sa pamemeste sa kanya. Nakasunod ako sa likod niya kaya nagulat ako ng bigla siyang humarap.

Sumubsob ang mukha ko sa may dibdib niya, agad naman niya itong inilayo. Itinulak niya palayo ang noo ko gamit ang mga daliri niya.

"Stop whining like a child and go home. Hindi kita papahiramin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at pumasok sa bathroom.

"Ang damot mo!" pahabol kong sigaw bago siya tuluyang makapasok sa banyo.

At dahil sadyang makulit ang lahi ko, nag-umpisa akong mag halungkat sa kwarto niya para hanapin ang collection niya ng VD. Binuksan ko ang drawer sa may tabi ng kama niya at napa ngisi ng makita ang DVD collection niya doon.

"Lav! Thank you for letting me borrow! Promise! One week ko lang hihiramin!" sigaw ko habang bumubungisngis. I heard his protests pero hinayaan ko nalang yun. Isasara ko na sana ang drawer ng may papel na naka-agaw ng pansin ko.

Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Ate at ni Lavi doon. I took it and read the content. Nalaglag ang panga ko ng mabasa ang nilalaman noon.

"W-what's t-this?" nauutal kong tanong kay Lavi na kalalabas lang sa banyo habang hawak ko ang papel.

"Ara, ang tigas talaga ng ulo mo sinabing--- bakit nasayo yan?!" nanlaki ang mga mata niya at tumaas ang boses ng makita ang papel na hawak ko.

Tinitigan ko siya ng mariin ng hablutin niya ang papel mula sakin.

"Bakit nasayo to?! Saan mo to nakuha?!" sigaw niya habang namumula ang mga mata sa galit. Hindi ako makasagot, this is the first time I saw him this mad.

"Ara Dianne! Pano napunta sayo to?!" muli ay sigaw niya na nakapagpabalik sakin sa katinuan.

Umiwas ako sa kanya ng tingin at tumingin sa nakabukas niyang drawer. Sinundan niya ang tinitignan ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong may nabasag. Napatingin ako sa vase na nag kalat sa sahig at sa dumudugong kamay ni Lavi.

"L-lavi," tawag ko sa kanya, but I doubt it na narinig niya dahil sa sobrang hina ng boses ko. Kasing hina ko ngayon.

How can he do this?

How can they do this?

Ganito na ba sila ka-desperado?

"Lavi what's the meaning of that? Ano ba talaga kayo ni Ate?"

"Answer me Lavi, fake lang ba talaga ang relasyon niyo ni Ate?!" pero imbis na sumagot ay nanatili lang siyang nakatingin sakin habang nakakumo ang mga kamao niya.

"It doesn't matter now, Ara. We're currently working on it." Hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya.

"Doesn't matter? Working on it?" patuya akong natawa dahil sa naging sagot niya.

Katahimikan ang namagitan sa amin, no one has the courage to break the silence. Mariin kong nakagat ang labi ko, bago ko siya muling hinarap at kinausap.

"Bakit niyo 'to ginagawa Lavi? Bakit kayo nagpapanggap ni Ate?" mahinahon ko nang tanong sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumingin sakin at sumagot.

"For Justine and Cedric." I knew it.

"Andrea wanted Cedric back and I want---" pinutol ko na ang sasabihin niya ng maintindihan ko na ang nangyayari. Mapait akong napatawa.

"So siya na naman pala..." napangisi ako pagkatapos sabihin iyon.

"Lavi, akala ko ba naka move-on kana? Kaya nga tayo umuwi dito diba?" nag-iwas siya ng tingin sakin.

"And now pati kapatid ko dinadamay mo dyan sa kabaliwan mo sa ex mo?!" tahimik lang siyang nakikinig sakin.

Pinipilit ko lang ang sarili kong kumalma, pero ang totoo? Parang maiiyak na ko sa galit! Tumingin ako sa taas at mariing kinagat ang mga labi ko para pigilan ang mga luhang namumuo sa sulok ng mga mata ko. I took a deep breath before facing him and asking him about the thing that bothers me the most.

"Lavi, do you love my sister?" matagal siyang nakatingin sa mga mata ko na para bang inaanalyze niya kung ano ang mga nararamdaman ko mula doon.

Matapang ko namang hinarap ang mga titig niya at di nag tagal ay siya rin ang naunang mag iwas ng tingin bago niya binigay ang sagot niya sa tanong ko.

"I... I don't know." naguguluhan nitong sagot na nag pakulo ng dugo ko.

"Gago ka! Anong hindi mo alam?" mangiyak-ngiyak sa inis kong saad sa kanya.

"You've read the rules, falling in love is not part of the plan!"

"Then, fuck that stupid rules of yours! I don't care about those, Lavi! Ang gusto kong malaman mahal mo ba ang kapatid ko?!"

"I like her!" nakagat ko ang labi ko ng makaramdam ng kirot sa puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.

I should be happy.

I should be glad that what's between him and my sister wasn't all lies. That there's really something between them.

Pero ang hirap lang maging masaya kung nasasaktan ako.

I like you, too, Lavi.

"That's great. Ayos na yan para sakin, Lavi. Don't you dare hurt my sister. Once na ginawa mo yan? Magkalimutan na tayo." ani ko at umalis na ng unit niya bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko.

This is the last time, Ara Dianne. Tama na sa pagiging masokista. Hanggang bestfriend ka lang.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon