Chapter 19

44 4 0
                                    

GWEN's

"Talaga?"natatawa at hindi makapaniwala kong tanong kay Kristoff.

Isa si Kristoff sa mga kaklase kong talaga namang nakasundo ko. Napakalakas din naman kasi ng trip ng isang ito at palong-palo ang sense of humor. Pakiramdam ko tuloy ay kakabagin ako tuwing mag-kausap kami.

"Oo, tapos yung—"natigilan siya sa pagkwekwento at sabay kaming napalingon kay Ice ng lumapit ito at agad na sinalubong si Kristoff ng matalim na tingin. Bahagya ko siyang siniko at tinaasan ng kilay.

"Problema mo?"tanong ko sa kanya.

"Can I talk to you?" tanong niya habang nakatingin parin ng mariin sa kaibigan ko.

"Ha? Nag-uusap pa kami ni Kris—"

"ASAP" mariin niyang pagputol sa reklamo ko sabay balik ng tingin kay Kristoff na nagtatakang nakatingin na rin sa kanya.

"Pre—" pati si Kristoff ay hindi niya rin hinayaang makatapos sa pagsasalita.

"I'm not talking to you, so please shut your mouth. And don't 'pre' me, hindi tayo close." ani nito kay Kristoff ng walang kaemo-emosyon ang mukha.

Nang lingunin ko si Kristoff ay parang napikon ito kaya naman tumayo na ako at pumagitna sa kanila.

"Toff, mamaya na lang ha? Pasensya na. May sasabihin yata siyang importante." pag-hingi ko ng umanhin sa kaibigang bahagyang makikitaan ng pag-kapikon sa mukha.

"Kausapin mo yan, Gwen. Masyadong matalas ang dila." ani nito bago kami tinalikuran at lumabas na ng room.

"What?!" Irita nitong tanong sakin ng makitang masama ang tingin ko sa kanya.

"Anong what what ka diyan?! Ano bang problema mo? Pati kaibigan ko pinag-iinitan mo!" sumbat ko sa kanya habang nakasunod siya sakin palabas ng classroom. Masyadong maraming audience doon, palibhasa ay walang klase kaya tambay ang lahat.

Umakyat ako sa rooftop at sinigurong walang ibang tao roon bago siya hinarap ng naka-krus ang mga braso.

"Ano bang pinuputok ng butchi mo ha?!" singhal ko sakanya.

"Bakit mo ba kasi palaging kasama ang Kristoff na yun?!" sagot niya. Napasabunot naman ako sa buhok ko sa sobrang frustration.

"Ano bang kinagagalit mo ha?! Syempre kaibigan ko yung tao! What's wrong with hanging out with him?!" hindi ko maintindihang tanong sa kanya.

"I don't like it!"

"I don't care if you don't like it! Ako ang kaibigan, hindi ikaw! You don't have the right to tell me who to befriend and who I should not! Hindi kita boyfriend, Ice! Stop acting like one!" Hinihingal ako ng matapos kong sabihin iyon.

Hindi ko na napigilan! Ilang araw na ba niyang pinag-iinitan si Kristoff? Kaya nga napipikon na yung tao sa kanya, wala namang ginagawang masama.

Alam ko namang nag-seselos siya. Pero sana alamin niya muna saan siya dapat lumugar. Wala pang kami. Hindi pa ako handang tanggapin siyang muli. Pakiramdam ko kasi ay masyadong mabilis.

Masyado siyang mabilis.

Agad naman na bumangon sa puso ko ang guilt ng makita ko ang galit at sakit sa mga mata niya ng mag-angat ako ng tingin.

Parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko.

"I'm sorry. I got carried away. Sumobra---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana ng matigilan ako dahil sa dahan dahan pero sunod sunod na pag-tango niya na para bang sinasabi niyang naiintindihan niya.

"You're right. I should stop this non-sense. Hindi mo nga pala ako boyfriend. Sorry. Nacarried away rin ata ako." mapait ang pagkakasabi niya noon at may tunog na panunumbat.

"Sige na, bumalik ka na doon sa Kristoff mo at nag-aantay yun sayo." Akma pa akong mag-sasalita ng talikuran na niya ako at nauna ng bumaba, leaving me there standing, confused as hell.

"Ice---" natigilan ako at napatiim ang bagang nang lampasan niya lang ako ng parang hangin ng magkasalubong kami sa hallway.

Ilang araw na ang lumipas mula ng mag-usap kami sa rooftop at mula noon ay hindi na niya ulit ako kinausap o tinignan man lang.

I tried approaching him first, hihingi sana ng tawad. But it always end up like this, him ignoring me.

And then, I realized.

Nakakapagod din pala ang mag-habol.

Diba ang sabi ko ay tapos na ako sa stage na ito? Bakit nandito na naman ako?

YANNIE's

"Ano ba talaga Stephen?! Stop playing tug on me! One moment you care then the next you're pushing me away again!" sigaw ko sa kanya habang tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Ano bang gusto mong mangyari ha?! Anong tingin mo sakin? Laruan? Lalaruin kung kailan gusto, itatabi kung wala ka sa mood?! Nakakapagod na yung ganito Stephen!" mas nag-puyos ang inis at galit sa dibdib ko ng hindi siya mag-salita at nanatili lang na nakatingin sakin.

"Nakakapagod na..." nanghihina akong napa-upo sa may sahig habang patuloy na umiiyak.

Nasasaktan ako. Pano ba kami napunta dito?

Maasyos naman kami kanina.

Pinigilan ko siya ng muntik na siyang makipagsuntukan sa isang schoolmate namin na pinipilit akong makipagdate kahit na tumanggi na ako. I asked him why he was so mad and instead of answering me, balak pa atang magwalk-out ng gago.

Kaya ayun kinompronta ko na, but he remained silent as always!

Akala ko ay aalis na naman siya. Na iiwan na nanaman niya akong umiiyak ng dahil sa kanya. Pero laking gulat ko ng maramdaman kong may mga daliring nag-tutuyo sa mga luha kong patuloy parin ang pagtulo. Huminga muna siya ng malalim bago ako tiningnan diretso sa mata.

"Stop crying Yannie. Stop making it harder for me. Please," at sa sinabi niya ay tila mas piniga ang puso ko, dahilan ng mas masaganang pagtulo ng luha ko.

"N-naguguluhan na k-ko S-stephen. Ang s-sakit sakit na! Diretsuhin mo na kasi kung gusto mo ako o hindi! Para sumuko na ko!" sigaw ko sa kanya habang sinusuntok suntok ko ang kanyang dibdib.

Halos hindi na ko makahinga sa kakaiyak ng bigla niya kong yakapin, mas lumakas tuloy ang mga hagulgol ko. Wala na kong pakialam kahit nasa kalagitnaan kami ng field ngayon at basang basa na kaming dalawa dahil sa ulan.

"Shhhh! I like you Yannie! Believe me. I like you. A lot." Dahil sa narinig ay natigilan ako. Bigla ay tinulak ko siya at agad na tumayo.

"Yun naman pala eh! Gusto mo naman pala ako! Ano pang problema?!" nagpapadyak na parang bata kong tanong sa kanya.

Tumayo naman siya ng maayos para maharap ako.

"What's holding you back ba?!" puno ng puot kong tanong sa kanya.

"Hindi pwede, Yannie. Hindi tayo, pwede."

"Bakit nga?!"

"It's because I'm already engaged. Ikakasal na ako, Yannie!" natigilan naman ako sa pagsigaw niya.

"You're what?" gulantang kong tanong.

"I'm already engaged. Fixed marriage. I haven't met the girl yet, but this is the main reason why I can't have you Yannie. I'll be married soon." Sa sinabi niya ay mas naiyak ako.

I can't believe it. This is so surreal. Masyado niyang pinangangatawanan ang fixed marriage nayun?

"So? Can't you fight for me?" tanong ko sa kanya.

Agad naman siyang na-iwas ng tingin. Pagak naman akong napatawa sa reaksiyon niya sa tanong ko.

"You're a coward, Stephen. Hindi ako makapaniwala ns sa isang katulad mong duwag ako nahulog ng ganito." ani ko sakanya bago siya iniwang nakatayo lang sa gitna ng field habang umuulan.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon