YANNA's
"Stephen!" naiirita kong tawag sa kanya pero tinawanan niya lang ako habang diretso parin ang tingin sa daan. Ayaw pa kasing sabihin kung saan kami pupunta.
"Calm down, Yan. You'll know later," Pinag-krus ko na lang ang mga braso ko at inirapan siya bago itinuon ang atensyon ko sa bintana ng sasakyan.
Kinabahan ako ng mapansing pamilyar ang dinadaanan namin. Nang lingunin ko naman si Stephen ay nakita ko ang malapad na ngiti sa labi niya. Mariin kong naipikit ang mga mata ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko.
Alam mong mangyayari 'to Yannie. Bulong ko sa sarili.
Alam ko namang dadating kami sa puntong ito pero hindi ko naman alam na ngayon na mismo.
Mas dumagundong ang tibok ng puso ko sa kaba ng makitang papasok kami sa isang Malaki at itim na gate. Ipinark niya ang sasakyan niya at bago bumaba ay hinarap muna ako.
"Listen Yan, I want you to meet my mother. Don't worry, she'll like you for sure." he said and gave me a peck on the lips. I just gave him a weak smile.
"Are you nervous?" tanong niya, tumango naman ako habang nakatitig parin sa mukha niyang tumatawa dahil sa naging reaksyon ko.
Sana makatawa ka pa pag-katapos ng lahat ng 'to.
"Halata ko nga, nanahimik ka eh. Tara na!" nauna siyang lumabas then lumapit siya sa may passenger seat at pinagbuksan ako. Kinuha ko naman ang pag-kakataon na yun na tuyuin ang mga luhang umalpas sa mga mata ko.
Nakayuko lang akong nakasunod sakanya habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Dire-diretso lang ang lakad namin ng bigla siyang huminto at saglit na binitiwan ang mga kamay ko at yumakap sa isang babae.
Stephen's mom looks so extravagant and young with her red straight cut dress. She immediately smiled as soon as she saw his son.
"Hijo! Hindi ka man lang nag-pasabi na uuwi ka?" nakangiti nitong bati kay Stephen matapos nila mag-yakapan. Napawi naman ang mga ngiting ito ng mabaling sakin ang mga mata niya.
"And you're with someone?" tanong niya habang nakataas ang kilay na sinusuyod ang kabuohan ko. I was wearing a plain white statement shirt and black skinny jeans. My hair was also tied on a plain high ponytail.
Nothing special.
"Yes ma, I want you to meet Yannie, my girlfriend." nakita kong mas naging matalim ang tingin sakin ng mama niya ng marinig niya ang salitang girlfriend.
"Until when then?" balewala niyang tanong.
"Ma!" Stephen, in a warning voice.
"What? Totoo naman, anak you know you can't go in a serious relationship." she said in a matter-of-fact tone.
"I don't care about that arrange marriage ma! I love Yannie! So stop pushing me for that wedding. That will never happen!" he said, anger evident on his voice but his tone remains polite.
"Joshua! How dare you talk to me like that? Dahil lang sa babaeng yan?!" sabi ng nanay niya habang dinuduro duro ako habang ako naman ay walang nagawa kundi ang yumuko. Nagulat na lang ako ng tabigin ni Stephen ang kamay ng mama niya na dumuduro sakin at itinago ako sa likod niya.
"Ma! Stop that! Wala kang karapatang duruduruin si Yannie---" natigilan kaming tatlo ng lumagapak ang mga palad ng mama niya sa pisngi niya.
Agad namang nag-bago ang ekspresyon sa mukha ng mama niya at akmang hahawakan ang mukha ng anak na nasaktan ng padabog itong hawiin ni Stephen. Bahagya niya ring pinisil ang mag-kahawak naming mga kamay.
"S-stephen..." gulat kong tawag sa pangalan niya ng talikuran niya ang mama niya. Pero hindi siya nag-papigil at hinila lang ako. Nakasunod naman ang mama niya samin na patuloy parin sa paghingi ng tawad sa anak. Natigilan lang ito ng harapin ito ni Stephen.
"I'm so disappointed with you, ma." mariin lang nitong wika sa ina saka ako muling hinarap.
"Let's go Yannie." and with that he took my hands again and left their house with me.
Huminto muna ako sa harap ng glass door ng café kung saan kami magkikita ng mama ni Stephen. She called me up this morning saying that she wants to talk to me privately. Kaya naman hindi ko na sinabi pa ang tungkol dito kay Stephen para narin makaiwas sa gulo nilang mag-ina.
After practice ay dumiretso na ko dito. Kasalukuyan akong naka-kapit sa door handle ng café habang humuhugot ng lakas ng loob. Mula rito ay kitang kita ko si Mrs. Smith na nakaupo habang umiinom ng kape. Pumikit ako ng mariin bago napagdesisyunang pumasok na ng tuluyan.
Diretso ang lakad ko patungo sa pwesto niya at di nagtagal ay napansin niya ang presensya ko and gestured me to take a seat across her. Sabay din nito ang pag-lapit ng isang waiter at hiningi ang order ko at umalis rin naman kaagad para ihanda ang caramel macchiato ko.
Tahimik niya lang akong pinagmamasdan habang inaantay namin ang inorder. Pag-kaalis ng waiter na nag-hatid ay tumikhim muna siya before giving me an intimidating stare. At kahit halos lumabas na mula sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang kaba ay napanatili kong stoic ang expression ng mukha ko.
"Ano po bang gusto niyong pag-usapan tita?" mahinahon kong tanong na nag-pataas naman ng kilay niya.
"Tita? Bakit kaano-ano ba kita? We're not even related so stop calling me tita." Mariin niyang pagtatama sa pagtawag ko sa kanya na magalang ko lang na tinanguan. Bumuga muna siya ng hangin bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Alam mo naman na sigurong hindi kita gusto para sa anak ko hindi ba?" nakangiti naman akong nag-angat ng tingin sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. So, hindi nga ako nagkamali, tungkol nga dito ang pag-uusapan namin.
"Mrs. Smith can I ask you something?" pinaningkitan niya lang ako ng mata pero hindi naman siya nag-salita pa so I took her silence as a yes.
"Is it because of the girl you arranged with him?" I asked bravely.
"Oo." Walang pag-aalinlangang sagot niya sakin.
"Look at you!" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Alyanna is way too far different from you. Alyanna's a sophisticated, kind and smart girl, unlike you, you poor insolent woman." hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya na nagpakunot sa noo niya.
Hindi ako matigil sa pag-tawa kaya naman inunti unti ko ang pag-inom ng service water na nakaready na sa table. Nanatili naman siyang nakamasid sakin habang pinapakalma ko ang sarili mula sa pag-tawa. Nang tuluyan na kong kumalma ay matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata with a sarcastic grin plastered on my face.
"Bakit Mrs. Smith, have you met this Alyanna girl that you've been talking about?" natigilan naman siya sa sinabi ko. Kaya naman inayos ko na ang sarili at tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Hindi pa diba? Who knows baka mas magustuhan mo pa ang ugali ko kaysa sa ugali ng babaeng yun." I said and showed her my sweetest smile saka ko siya tinalikuran.
Nakakadalawang hakbang pa lamang ako papalayo ay muli ko siyang hinarap.
"See you tomorrow Mrs. Smith."
BINABASA MO ANG
8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)
Ficção AdolescenteComing from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-boyfriend. And when they realized that their exes still had the hots for them, they came up with an id...