GWEN's
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Akala ko, ako lang. Nag away lang saglit may bago na siya agad? Napaatras ako ng magsalubong ang mata namin. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata at tila natigilan at nanigas siya sa kinatatayuan niya. Agad siyang lumayo sa babaeng yakap-yakap niya.
"L-lency..." gulat niyang sambit sa pangalan ko, mapakla akong napatawa habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko.
Handa na sana akong humingi ng sorry dahil alam ko namang kasalanan ko kung bakit kami nag-away. Pero ano? Ito maaabutan ko?
"It's not what you think, Lency. Kaira is---" natataranta niyang paliwanag sana na agad ko namang pinutol ng mariing pag-iling at madiing pagkagat sa labi para pigilan ang luha kong nagbabadya ng tumulo.
"I don't care who she is to you Ice. Ang sakit lang isipin na madali para sayong palitan ako. Samantalang ako, mapahanggang noon hanggang ngayon, ikaw lang ang naging laman ng puso ko," agad ko siyang tinalikuran at naglakad palayo ng hawakan niya ang wrist ko at pinilit akong harapin siya pero agad na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
"Don't touch me!" pumaling sa gilid ang pisngi niyang pulang pula dahil sa pagkakasampal ko.
"L-lency. Let me explain---" agad kong winisik ang kamay ko palayo sa kanya bago puno ng galit na tiningnan ko siya diretso sa mata.
"I hate you, Ice. I hate you so much." mahinahon pero punong puno ng galit kong saad sakanya.
"I hate you," muli kong sambit bago nagmamadaling lumabas ng bahay nila habang tila gripong walang tigil sa pagtulo ang luha saking mga mata.
SOMEONE ELSE's
Bakas ang paghanga ng mga tao sa loob ng simbahan. Bukod sa paghanga sa natatanging ganda ng bride na unti-unting naglalakad patungo sa altar ay hindi rin nila maiwasang kiligin sa napakalambing na boses na nangingibabaw sa buong simbahan.
Show me a smile then
Don't be unhappy
Can't remember when
I last saw you laughingThis world makes you crazy
And you've taken all you can bear
Just call me up
'Cause I will always be thereAnd I see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love youHindi na napigilan ng bride ang mapa-iyak. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan. Hindi ba ay ito naman ang gusto niya magmula pa pagkabata? Ang makasal sa lalaking mahal niya? Pero mahal nga rin ba siya nito o napilitan lang?
Kitang kita niya ang magigiliw na ngiti mula sa mga kaibigang patuloy na kinakanta ang para sa kanyang bridal march. Mapait na ngiti lamang ang sukli niya sa mga ito, bago dahan dahang tumingin ng diretso sa may altar kung saan tahimik na nag aantay sa kanya ang groom niya.
She can see nothing from the way he stare back at her. He was so impassive. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng lalaki. Kaya naman imbis na tingnan ito ay nag concentrate na lamang siya sa paglalakad palapit sa altar habang hawak ng mahigpit ang kamay ng daddy niya.
"Take care of my daughter, Ice." sabay lahad ng kamay niya sa kamay ng lalaking papakasalan niya.
"I will tito, forever and always." hanggang ngayon ay palaisipan parin kay Gwen kung tunay nga bang mahal siya ng lalaki o hindi.
This world makes you crazy
And you've taken all you can bear
Just call me up
'Cause I will always be thereAnd I see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love you
So don't be afraid (don't be afraid)
To let them show your true colors
True colors are beautiful (you're beautiful, oh)
Like a rainbow"My brothers and sisters, we are all gathered here today to witness the union of hearts of Ice Salvador and Gwen Lency de Vega." habang sinasabi ito ng pari ay dahan dahan inaalalayan ni Ice si Gwen sa pag-upo sa kanilang pwesto sa harap ng pari.
Habang patuloy na nagwawali ang pari tungkol sa kasal ay hindi matigil ang sunod sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Gwen. Mariin niya nang kinakagat ang ibaba ng kanyang labi upang kahit papano ay mapigil niya ang patuloy na pag-iyak but to her dismay it did nothing to stop her tears.
Absorbed with her own feelings she didn't notice how her husband-to-be is looking at her painfully. He just can't stand seeing the girl she love cry even though it's their wedding day he just can't stop himself from hurting while watching Gwen cry.
Gustong-gusto niyang isipin na naiiyak ito sa sobrang saya dahil, finally! After a long time ay ikakasal narin sila. Pero hindi niya kayang lokohin ang sarili.
Alam niya. Alam na alam niya na hindi iyon ang dahilan ng patuloy na pag-iyak ng babaeng katabi niya sa harap ng altar. At napakasakit para sa kanya ang tanggapin iyon.
Mabilis na natapos ang kasal at agad na lumapit ang mga kaibigan nila para sa picture taking. Naiiyak ang mga babaeng kaibigan nila sa tuwa para sa kanilang dalawa. Napatingin si Ice sa kanyang asawa.
"I'm so happy for the both you," Maluha-luhang pahayag ni Ara sa kanila saka sabay silang niyakap.
"I know Ate Andrea's happy for the both of you too. Mas masaya sana kung nandito pa siya," madamdaming saad nito sa kanila na naging dahilan ng nakabibinging katahimikan sa kanilang lahat at lumipat ang kanilang mga tingin sa kanina pang tahimik na Lavi.
"Ara that's enough," saway ni Yannie kay Ara pagkatapos-iiwas ang tingin sa kaibigan na binigyan lang sila ng malungkot na ngiti.
Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon ay mahirap parin para sa kanila ang tanggapin na wala na ang kaibigan nila. Pero alam nilang lahat na higit na nahihirapan si Lavi sa sitwasyong iyon.
"I'm sorry. I got too carried away. Namimiss ko lang talaga si Ate," Pagpapaliwanag ni Ara sa sarili.
"Ano ba guys? It's okay. Ayaw kong kalimutan niyo si Andrea dahil lang sakin, dahil iniisip niyo ang nararamdaman ko. I'm fine. Not okay, but... I'm trying to be. So don't worry about me okay?" Tumango lang silang lahat sa sinabi ni Lavi.
BINABASA MO ANG
8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)
Novela JuvenilComing from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-boyfriend. And when they realized that their exes still had the hots for them, they came up with an id...