Chapter 23

31 3 0
                                    

ANDREA's

"Hon, there's a newly opened Italian restaurant nearby, try natin?" Ibinaling ko naman ang atensyon ko sakanya mula sa pag-aayos ng bag.

"Sorry Ced. Can't make it, may practice kami." I said apologetically. He nodded and gave me a smile but I can see the disappointment in his eyes.

"It's okay, I'll just wait for you then, hatid na kita." he offered which I declined immediately, susunduin kasi kami ni Daddy mamaya.

His lips protruded into a pout as he heard my reason. Halata namang nagtatampo siya kaya naman iniwan ko muna ang mga gamit sa desk ko at lumapit sa kanya.

"Sorry hon, babawi na lang ako next time, okay?" Pang-aalo ko sakanya na agad naman niyang sinuklian ng ngiti at umaktong hahalikan ako ng pasimple kong iniwas ang mukha ko sa kanya at muling pinagtuonan ng pansin ang mga gamit.

I heard him sighed and I had to fight the urge to do the same.

Sinusubukan ko namang ibalik sa dati ang kung ano mang meron kami noon. Pero sobrang hirap lang talagang ibalik sa dati dahil sobrang dami ng nag-bago.

"Hon---" hindi natapos ang sasabihin niya ng pumasok sa room si Gwen upang tawagin ako.

"You have your check-up tomorrow, right? Sasamahan kita," nakangiti kong sabi sa kanya habang sinasarado na ang bag.

"Andy, tara na! Andun na silang lahat sa music room." aya ni Gwen kaya naman nag-paalam na ako kay Cedric bago sumama sa kanya palabas.

"Kamusta na ang lagay ni Cedric?" tanong ni Gwen habang nag-lalakad kami papunta sa music room.

"He's doing good, so far." sagot ko.

"I still can't believe he's sick," hindi na ko sumagot sa kanya dahil naalala ko na ang sakit niyang iyon ang dahilan kung bakit nagulo ang mga buhay namin.

Cedric was diagnose with leukemia, he was afraid to hurt me because of his disease kaya naman ay hiningi niya ang tulong ni Justine. He wanted me to forget about him, he would rather have me hating him than me knowing about his condition.

He colluded with Justine to hide the truth from me. Mas pinili nilang manakit at masaktan kesa sa ipaalam nalang sakin ang katotohanan. Nakaka-gago pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na at hindi na kami makakabalik pa sa nakaraan.

All we need to do now is to fix everything and go back to our rightful places.

(Play music on the multimedia for better reading)

"With December comes the glimmer on her face

And I get a bit nervous

I get a bit nervous now

In the twelve months on I won't make friends with change

When everyone's perfect

Can we start over again?"

"Andrea, Lavi! Ayusin niyo nga ang blending ng boses niyo. Ganito na lang ba palagi ang problema natin? Please separate your personal issues with the performance of the band!" Galit na suway ni Sir E samin.

"Sorry sir," sabay naming sagot.

Napatingin ako sa gawi niya, at nahuli siyang nakatingin rin sakin, nagulat ako at ganun rin siya kaya naman ay sabay kaming nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

"I don't need your apologies! I need your cooperation! Hindi porke't nag break kayo eh, idadamay nyo na ang banda!" napapikit ako ng mariin sa sigaw ni Sir E.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon