OSL-XII

206 6 0
                                    

Jho's POV

These past few days were sad. Start of the class and hard trainings. Sobrang pukpok kami sa training kasi one week na lang 'yung natitira bago nagsimula yung season 78.

Sanay naman na ako sa paguran ng schoolworks and trainings pero may isa pang factor na nakakadagdag sa stress ko.

I don't know if ang sama-sama ko kasi nitong mga nakaraang araw naiinis na ko sa closeness ni Bea and Jia. Hindi na ata mapaghihiwalay yung dalawa. Gusto ko sanang ipagdamot si Bea kaso wala naman akong karapatan kasi ako naman ang humingi nito.

Yes, I'm happy for the team kasi mas lalo pang gumanda ang laro ni Bea and Jia. Simula nung nag-Thailand kami sobrang balik nung closeness nila at mas lalo pa silang naging close.

May karapatan ba akong magselos? Ewan. Magkaibigan lang naman sila eh tsaka alam kong may Miguel si Jia.

Ayoko na ii-stress yung sarili ko dahil bawal akong maging pangit ngayon, kasi birthday ko, hahahaha

At pinipilit kong ngumiti sa mga naggigreet sakin.

I started my day with training then class. Nothing special.

Buhay student-athlete. Sanayan lang yan.

After this class balik na lang ako sa dorm. Pahinga tapos training. Birthday ko ba talaga ngayon?! Unfair. Hindi pa rin ako binabati ni Bea. Haaaayyyy...
.
.
.
Sa wakas natapos din .

Pagbaba ko may pinagtitinginan yung mga tao. Kaya napatingin din ako dun.
O_O

Palapit siya sa akin.

O! M!

"Happy Birthday!" -Marci

He gave me the flowers tapos yung balloon na malaki na may happy birthday dun. Plus gift.

Nakakagulat naman na kailangan niya pang mag-effort ng ganito. Buti pa siya naalala yung birthday ko si Be... Hindi ko na itutuloy yung naiisip ko.

"Thanks Marci!" -I said, he just smiled at sumingkit pa lalo yung singkit niyang mata.

"By the way, do you have something to do?" -he asked na medyo nahihiya pa.

"Wala naman." -I said truthfully.

"Can we..." -Pinutol ko yung tanong niya.

"Yes, we can go out." -lumiwanag naman yung mukha niya

Marci's my friend. Parang bigla siyang susulpot kapag kailangan ko ng karamay. He's a very nice guy. Sabi nga nila at sagutin ko na raw. Hindi naman nanliligaw yan eh. We're just good friends tsaka si Bea lang sapat na. Pero nasan siya ngayon. Bahala na.

Nakakatuwa naman at sobra yung effort niya to greet me on my birthday.

"San mo gustong kumain?" -he asked while he's very focused on the road pero nakangiti pa rin yung ngiting walang mata. Kung sino man ang makakatuluyan ni Marci, she'll be a lucky girl.

"Anywhere. As usual basta around Katip lang kasi may training pa kami. Hahaha" -kapag kumakain kami laging around Katip lang. Kapos sa time eh. Traffic pa. Hassle lang pag lumayo pa.

We arrived at the UPTown Center. Madalas kami dito ni Bea. Haynako, Bea na naman.

"Okay na ba dito?" -he asked na para bang nahihiya, typical Marci.

"Of course. Bakit naman hindi diba? Thanks for bringing me here. Thanks for surprising me earlier. Basta thank you sa lahat." -sabi ko na lang sa kanya, after kong sabihin nun namula naman siya at naningkit na naman iyong mga mata niya.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon