Deny: Tragedy or Clarity

20 0 0
                                    

[Macy's POV]

Ngayon, parang nagkakalabuan na kami ni Paul.

Hindi ko naman inaasahang ganito ang mangyayari sa aming dalawa.

Ayokong mawala sa akin si Paul.
Pero ayoko lang talagang mapag-usapan. Maarte na kung maarte, masama bang  maghangad ng tahimik na relasyon? Yung 'di kami pinag-uusapan ng mga tao, yung mundong pwede niyong gawin lahat ng gusto niyo para maiexpress kung gaano niyo mahal ang isa't-isa.

*writing a letter*

[Dear Paul,

Sorry sa nasabi ko kahapon. Ayoko lang talaga napagchichismisan. I hate gossips. Gusto ko lang yung relationship na tahamik, mapayapa, and hindi laging pinag-chichikahan. Gusto ko na parang tayong dalawa lang sa mundo. You know I love you very much pero may circumstances na humahadlang sa mundo natin, a world of only us. Sorry na Paul. Ayokong mawala ka sa akin. I need you. I love you. Sorry na please?

Yours Truly, Macy Valencia]

Done.

*Wooossshhh*

Aaaahhh!! Lumipad yung papel!

*Run*

'Di ko mahanap. 

Saan pumunta yon?

*A girl picked up the paper and read it*

Shooot! Napunta sa kabatchmate ko!

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh! Nabasa mo! Nakakahiya >.< Please Cris wag mo ipagkalat yung nabasa mo. Please?" I begged her na wag ipagsabi kundi masasayang lahat ng hirap na ginawa ko upang makamtan ko lang yung gusto ko para sa relationship namin ni Paul. I covered our relationship with full of lies. 

"Okay Macy, I understand," Salamat naman na may mabubuting nilalang katulad ni Cris.

"Thank you very much, sige hahabulin ko lang si Paul." Kailangan ko ng magmadali para maabutan ko pa si Paul.

"Sige, goodluck." Takbo. *Run* Ang bait naman ni Cris. Ginudlock niya ko. Supportive classmate indeed :)

*Run*

Nakarating na ako dito sa may entrance ng school para abangan si Paul. Alam ko na ganitong mga oras siya umuuwi.

Upo muna ako dito sa waiting shed.

Sana he accepts my letter.

I hurt him. Sinabi ko na I deny him as my boyfriend at sana hindi ko na lang sya naging boyfriend. Dapat hindi ko nalang nasabi yun. Iniisip muna dapat ang mga pinagsasabi ko. Hindi ko napigilan yung emotions ko na magflow. Napupuno na ko. Sa ginawa ba naman niya sa akin noon. I still can't get over it. Malay mo ulitin nya. I worry too much. Kailangan ko i-explain lahat ng mga pinaggagawa ko.

"Paauuul!" Ang ingay ata ng pagkasigaw ko ahihihi :D

"*Ssshh* Nakatingin sa iyo yung guard. Bakit?" Si Kuya Guard naman, sorry na po.

"Ito," Inabot ko sa kanya yung letter ko.

"Ano yan?" 

"Sulat para magsorry sa ginawa ko sayo these days. Alam ko na may nasabi akong hindi maganda na nakasakit yung feelings mo. Sorry kung ganito ako umagali. Kasi mahal na mahal talaga kita, Paul," Sana maaccept ni Paul yung sorry ko.

He opened the letter.

"Akala ko ba hindi mo ako boyfriend?"

"Please Paul 'wag mong ipaulit sa 'kin yung sinabi ko sa letter. Naintindihan mo ba talaga yung sinulat ko?" Oh no, we started arguing again.

"Ang hirap naman nung pinapakiusap mo,"

"Paul, sige na intindihin mo naman ako,"

*Silence*

"Yan ang problema sayo! Ang pride mo! , no?" Hindi ko na alam yung sinasabi ko. Parang yung emotions ko na lang yung dumadaloy sa 'kin. I always wanted to be honest. Hindi ko nacontrol yung sarili ko. I know that I will be sorry for this pero nagtitimpi na ako na lagi kaming nagtatalo, nag-aaway. Kasi ang simpleng bagay nalang hindi man lang niya mabigay sa akin.

"Ano?!" Nagalit nga siya. As expected. *sigh*  "Ang sabihin mo, takot ka lang! Wala akong interes sa mga taong ganyan, lalo na sa mga taong walang tiwala. Sorry kung niloko kita. Baka yun nga yung dahilan kung bakit tayo ganito. Hindi ko na talaga mababalik yung dati. Sorry Macy," I knew it. Ganito talaga ang mangyayari when I showed my true feelings. I ruined everything. 

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon