Second Missed Rhythm

9 0 1
                                    

[Millicent's POV]

*BEEP BEEP*

Edi napatingin kaming dalawa ni Walter kung saan galing yung busina ng sasakyan.

Teka lang! Si Kiel 'to ha! Ang awkward pa ng posisyon namin ni Walter. Para akong bride na binubuhat ng isang groom. What the hell! Anong problema nitong nilalang na ito?

"Nakaharang kayo sa dinadaanan ko!" Wh-what? Nakaharang? Ang lawak-lawak ng dadaanan tapos sasabihin niyang nakaharang kami. Hindi naman sakop ng sasakyan ni Walter yung buong kalsada. -_-

"Sorry, Mr?" Bakit kailangan pang magsorry ni Walter diyan eh wala naman siyang ginawang kasalanan.

"Tsk! Maglalandian na nga lang sa daanan pa." Bigla siyang umalis na parang walang nangyari. Tinanaw ko yung itim niyang kotse na Ford. Teka, sinabi niyang naglalandian kami. Huwaw! Kapal! Inggit lang siya.

"Walt, wag mo ng pansinin yung lalaking yun. Masyadong papansin!" Sana hindi na kami magkita nun ulit. Masyado siyang panira ng reunion namin ni Walt. 

"Ito naman, hindi ka pa rin nagbabago. Mataray at palaban pa rin." Nginisian pa niya ako pagkatapos niyang sabihin 'yon. Sige na, ako na mataray. Ako na palaban syempre hindi ako nabuhay para magpaapi.

"O, ibaba mo na ako. Pupunta pa ako sa next class ko. Malapit ng magbell."

"Paano kung ayaw ko?" -_- Ah ganun ha. Edi kinagat ko yung kamay niya para pakawalan niya ako.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?" Buti naman binaba na niya ako. Malalate ako nito sa ginagawa niya.

"Ewan ko sayo, kita kits na lang mamaya. Bye!" Sabay takbo ko sa next class ko. Nadaanan ko yung  announcement board. May contest daw ng mga banda mamayang 6:00 o'clock ng gabi sa campus grounds. 

Tinignan ko isa-isa yung mga sasali sa contest. Isa na dun ang "The Romantics". -_- Ano ba iyan? Nakalimutan ko na kasama pala sa mga ganitong event yung lalaking yun. "Transversal"? Parang bago ata yung bandang yun? Matanong nga kay Yalene.

Nagulat ako bigla ng tumunog na yung bell. Edi kumaripas ako ng takbo mula dito hanggang sa classroom. May iba rin akong nakitang estudyanteng tumatakbo para makahabol sa pagchecheck ng attendance. Hindi pala ako nag-iisa. Mayroon palang nalalate katulad ko siyempre napasarap sa mahabang oras ng vacant time.

*Sa Classroom*

"Ms. Teves?" Ay ako na pala yung tinatawag. Nakaabot naman ako sa roll call ng professor namin. Hay ang saya! Buti ako nalate at nakita ko muli si Walt.

Lecture. Lecture. Lecture.

"Class may announcement ako sa inyo, cut daw yung may mga klase ng 6:00 pm onwards kasi may magaganap ngayong Battle of the Bands." Wait for it. Magtitilian na sila. Wait for it.

"UWAAAA! MAKIKITA KO NA SI PRINCE EZEKIEL! MARIRINIG KO ULIT ANG KANYANG NAPAKAGANDA NIYANG BOSES! UWAAA!" Nagtilian na sila as usual. Siyempre nagkakandarapang makita si Kiel.

Dinismiss na kami nung professor namin and bale sa schedule ko siya yung last kasi nacut yung class ko sa Political Science mamayang 7:00 pm. Hay! Mas gusto ko pang makipagdebate kaysa sa BOB na iyan.

"Senti!" Tumigil at napansin ko si Walter. Bale nandito kami ngayon sa Ariande Building 2nd Floor. Mapapansin mo dito sa second floor first of all yung classrooms. Gawa yung mga pintuan with fiber glass at aluminum yung hawakan. Sobrang laki ang classroom na alloted for 25 students per block. Yung flooring yari siya sa marble. Yung mga ilaw naman ay kadalasang mga fluorescent lights. 

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon