Make Me Surrender

34 0 0
                                    

[Lanesse's POV]

Pinaikot-ikot ko ang aking paningin sa bawat sulok ng paaralang ito para masulyapan lang si Dylan. Syempre ang gwapo niya, hearthrob ng school, at pinagkakaguluhan ng mga babae. Rinig rinig ko sa mga ibang babae na bait-baitan lang daw yan pag maraming tao pero sa personal, ang maldito. Ewan nga nila kung bipolar, sadista o sadyang plastic lang siya. Ang rare naman sa lalaki maging plastik. Hindi naman ako naturn-off sa sinabi ng iba kasi gusto kong mapatunayan kung ano talaga ang totoong ugali ng lalaking yun.

I tried several times na lumapit sa kanya pero yun pa ang mga panahon na lumalapit ang mga babae sa kanya. Hopeless. 

Ayun siya nakalalakad sa hallway na may plant box sa gilid na may tanim na gumamela, ang mataas na puting ceiling, mga tiles na yari sa marble, at malapit sa chemistry room. Tapos after nun ay yung staircase. Parang baba ata 'tong lalaking 'to.

"Dylan!" Biglang tumingin siya sa direksyon kung saan naroroon ako.

"Bakit?" Ang sarap marinig ang boses niyang sweet at malalim. Nagduda tuloy ako sa rumor na narinig ko dun sa ibang tao. Mabait ata siya.

"Pwede bang makipagfriends sayo?" Dineretsyo kong sabihin sa kanya yun. Ayoko ng paligoy-ligoy pa, nandito na nga ang chance tapos magpapabebe pa ba ako, right?

"Friendship lang kaya kong ibigay, wag kang umasa ng higit pa," What? Parang may narinig akong mali sa boses niyang nakakaadik pakinggan.

"Excuse me? Assuming ka ata? Friendship lang po ang hinihingi ko kasi gusto ko pong magkakaibigan tayong lahat dito sa batch," Napuzzle ako sa sinabi niya. Wow! Porket nakipagfriends lang, gusto ka na agad? Mga gwapo talaga ngayon, ang yayabang na.

"Naninigurado lang," Baka anti-social lang siya. Pero yung tono kasi parang may ipinapahiwatig na mali.

"Ano, friends?" Sabay nag-offer ako ng kamay sa kanya.

"Ok," Tapos nakipagshake-hands siya sa akin. UWAAA!!! Ang lambot ng kamay niya. Ang sarap hawakan forever. W-wait? Parang may dumikit na object sa palad ko.

TAE INSEKTO! KADIRII!!

"YUCK! Ano 'to? Insekto?!" 'Di ko na napigilang umakto ng ganun. Ang bastos ng ginawa niya. So disgraceful!

"Nababagay yan sa mga babaeng habol ng habol ng lalaki. Akala mo maabusan sila. Tss!" Tapos bumaba na siya. What the f! Kadiri! Parang malaking lamok yung pinisat niya tapos pinahid sa palad ko. Bastos! Bastos! Kinuha ko yung panyo ko tapos pinunasan ko dun sa malagkit at kadiring pinagpahiran niya ng insekto. YUCK! Nakakainis! How dare he! Ang mean niya talaga. So totoo nga ang sinabi nila.

*Next Day*

Nakita ko ulit si Dylan tapos papunta siya sa direksyon ko. Edi nag-iba ang ako ng dadaanan para hindi kami magkasalubong. Baka pagtripan nanaman niya ako. Napansin ko yung plant box na pinagtaniman ko ng ilang-ilang nung brigada last year. Ngayon ko lang nalaman na namulaklak na pala 'to. Dumeretso nalang ako sa canteen. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Nalimutan ko lunch na pala.

Pagpunta ko sa canteen, puno ng mga tao at occupied na lahat ng labindalawang tables na magkakahilera dito. Kadalasan, magkakatropa or magkakasection ang nakaupo dun sa apat na mahahabang tables sa gitna ng canteen. Grupo ng mga cool kids, famous ones, at rich people ang laging nakakaagaw ng atensyon dito. Center of attraction nga kumbaga. Nakita ko ulit si Dylan sa may top corner table na malapit sa bintana mula sa entrance ng canteen. Wala na talaga ako maupuan. May bakante doon sa may table ni Dylan kasi wala siyang kasama at nakatulala lang sa bintana. Awww! Loner! Hahahaha! Wala na akong choice. Bili nga muna ako ng pagkain.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon