Third Missed Rhythm

12 0 1
                                    

[Millicent's POV]

Habang naghihintay, dumaan na pala yung 30 minutes at nagstart ng nagperform yung unang banda. Bakit wala pa rin si Walt? Anong ginawa nun, umihi lang ba iyon or what?

Nagperform na yung una, pangalawa, pangatlo and next na yung Transversal. Yung mga babaeng kahilera't nasa likod ko, ang lakas ng mga tilian. Ang sakit sa tenga, parang nababasag unti-unti yung eardrums ko. Papasok na yung Transversal, oh my gosh sino sila? And lumabas yung smoke effect and the lights go crazy at iba-iba pa yung kulay. Like woohh! Haha!

Ang tagal naman ni Walter.

Teka, bakit nasa stage si Walter? OMG, Don't tell me kasama siya doon. Siya yung bass guitarist ng banda.

Kaya pala nung nalaman niya kung anong oras na parang nataranta siya.

"Ito nga palang kakantahin ng banda namin, ay inaalay sa babaeng nagpatibok ng puso ng aming bass guitarist. Para sayo 'to." Nagpatibok ng p-puso ni Walter? O.O

Tapos biglang nagtilian yung mga babae sa likod ko.

"Ang gwapo ng bass guitarist nila, akin ka nalang wag sa babaeng yun!"

"Ang fafa ng vocalist!"

"Kalaglag panty naman yung drummer nila! UWAAA! Bago lang sila right?"

Rinig na rinig ko lahat ng papuri nila sa banda nila Walt. Teka back to the topic, nagpatibok ng p-puso ni Walt? Sino kaya yun? Don't tell me, could that be

...

...

...

...

...

me?

Hindi pwedeng ako. Siguro may nakitang magandang babae yan dito sa campus. Ambilis naman niya magpanakaw ng puso. Sa bagay, suportahan ko nalang kababata ko. Hay ang bilis ng panahon. Kahit andami niyang trabaho nakuha niya pa ring mainlove. Kainggit naman, pero ako di ko pa nararanasan mainlove.

[Now Playing: 5 Seconds of Summer - Voodoo Doll]

"I don't even like you,
Why'd you want to go and make me feel this way? (What?)
And I don't understand what's happened,
I keep saying things I never say."

Yan na nagsimula na yung lead vocalist ng band nila, si ... Joshua? Aba ang ganda ng boses niya. Superb! Pero napaisip pa rin talaga ako sino talaga yung nagugustuhan ni Walter. Waaahhh! Gulong-gulo na ako. Si Marian? Si Jamie? Si Jeviane? Hindi eh alam ko taste niyan. Ex niyan hindi naman super ganda pero mabait, masiyahin, simple lang. Hay!

Ayan iba na yung kumakanta, yung isang guitarist yung kumakanta. Hector ata yung pangalan.

"I can feel you watching even when you're nowhere to be seen,
I can feel you touching even when you're far away from me."

Then si Hector at si Walt na yung mga kumakanta. Duet na. Hindi pa rin mawala sa isipan ko sino yun. Naiintriga pa ako sa lyrics ng kanta.

"Tell me where you're hiding your voodoo doll 'cause I can't control myself,
I don't wanna stay, I wanna run away but I'm trapped under your spell.
And it hurts in my head and my heart and my chest,
And I'm having trouble catching my breath.

Oohooh Oohoh"

Turn na ni Walt lang

"Won't you please stop loving me to death?"

Oh my gosh! Parang kainlove yung line na yun. Tagos sa puso yung pagkakanta niya. Sino ba talaga yun? Patay ka sa 'kin Walt. Di kita tatantanan mamaya. Tapos lumakas yung tilian nung mga babae sa likod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon