Pagsubok sa Pagsinta

17 0 0
                                    

Ngayong makabagong panahon ay hindi na uso ang sapilitang pagpapakasal ng magulang sa kanyang anak. Sa mga anak ng mayayaman na lamang ito mangyayari. May isang dalagang nagngangalang Grace ay nakatira sa probinsya ng Nueva Ecija. 

Pinalaki ng mabuti at maayos. Ubod ng galang kung pakikinggan mo ang kanyang pananalita. Siya ay isang dalaga ring may angking kagandahan na mapagkakamalan mong taga-Maynila.

Isang araw sa bukid, nag-aani na si Grace upang may ipagbenta na siya sa bayan. Biglang may sumulpot na lalaki sa kanyang mga naani. 

"Hoy lalake, anong ginawa mo sa aking ani?" Galit na tanong ng dalaga. 

Hindi niya napansin na wala palang malay ang makisig at gwapong lalaki kaya dinala niya ito sa kanilang tahanan kasama ang kanyang ani. 

"Saan nanggaling ang lalaking iyan?" Tanong ng tiyuhin niya. 

"Biglang sumulpot nalang po siya sa aking mga inani." Tugon naman ng dalaga.

 "Hindi natin siya kakilala ni kaano-ano. Baka anong gawin niyan sa atin." Alalang sabi ng tiyuhin. 

"Huwag po kayo mag-aalala tiyo, sasapakin ko po iyan kapag may ginawa po siyang masama." Pabirong sabi ng dalaga. 

Nagising na binata at tinanong kung nasan siya. Nung tinanong siya ng dalaga ng kanyang pangalan. Henry ang kanyang tugon. Nagkakilanlan ang dalawa at mabait pala ang binatang napadpad sa bukirin ng Nueva Ecija. Nagtampisaw sa ilog at gumala sa bawat sulok ng bayan. Ngunit may dumating na mayayamang mga tao nagmula sa Maynila at hinanap si Henry. 

Gulat na gulat si Grace na ganoon pala kalayo ang agwat ng kanilang estado sa buhay. Pinagbawalan na si Henry ng kanyang mga magulang na makipagkita sa dalaga dahil babalik na sila sa Maynila. Humanap ng iba't-ibang paraan si Henry upang makatakas sa kanyang magulang.

Nakahanap nga ng paraan si Henry at nakipagkita siya kay Grace. Sinabi ni Henry na sila'y magtanan at magmahalan bilang magkasintahan ngunit ang sinabi ni Grace sa kanya. 

"Hindi kita mahal, Henry. Itinuturing kitang matalik kong kaibigan." Gulat na gulat ang binata sa pag-aakalang mahal siya ng dalaga ngunit hindi pala. 

Bumalik siya sa kanilang tahanan at nagmuni-muni sa kanyang silid-tulugan. Dumating na ang araw na aalis na sina Henry. Nag-aayos na si Henry ng kanyang gamit at hinahanda na ang kanyang sarili sa haharapin niya sa Maynila. Sumakay na sila ng sasakyan at may nakita si Henry na isang babaeng nagkakandakumahog na humabol sa kanilang sasakyan ngunit hindi niya ito pinansin. Si Grace pala ito. 

Sinigaw niya "Henry, mahal kita, paumanhin sa aking pagsisinungaling. Hindi ko nalaman na lilisan ka. Mahal kita Henry bumalik ka na sa akin." 

Walang narinig ni Henry sa mga salitang isinigaw ni Grace dahil sa pag-uusap nilang pamilya sa kanyang magiging trabaho sa kanilang kumpanya.

"Simula ngayon, itaga mo ito sa bato. Magkikita tayo muli, Henry. Ibabalik ko muli ang iyong pagtingin sa akin. Hintayin mo lang ako diyan sa Maynila." Mga huling salitang binigkas ni Grace mula sa kanyang bibig.

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon