Deny: Tragedy or Clarity (Part 2)

22 0 0
                                    

*Flashback*

[Paul's POV]

"Hoy pare!" Aba! Si Trevor pala.

"Oh! Ano na meron dito?"

"Ah, yung boyfriend kasi neto ni Clementine, nagloloko," Nagloko nanaman. Tsk tsk!

"Anong gagawin ko?" Malamang kalokohan nanaman 'to.

"Alam mo na pre," Kalokohan nga. Sabi na. "Panggap ka bilang boyfriend ni Clementine. Madali lang yun."

"Pre, wala namang ganyanan alam mo naman na -" Ay oo nga bawal ko pala sabihin yung tungkol kay Macy.

"May jowa ka na, eh sino?" Patay.

"Loko ka pre, meron ka na pala. Kala ko bakla ka, tagal mo ng hindi nagkakashota." Anong bakla, sapakin kita, Marlon. 'Di ko pwede sabihin yung tungkol kay Macy.

"Wala,"

"Eh wala pala 'to," Yabang nito! Palibhasa ang daming girlfriend hindi naman sineseryoso. Tinutwo time pa.

"Tama na pareng Marlon, Paul shotain mo muna panandalian si Clementine. Alis na para matapos na 'to."

"Sige."

Pero...

may chansang makita ako ni Macy.

Hindi niya kilala yung tropa ko.

Ok lang yan. Maiintindihan naman niya.

(Tinie - Clementine's nickname)

"Tinie, ano ready ka na ba?" Parating na yung gunggong na boyfriend nito.

Pahalik na ako sa pisngi ni Tinie pero

...

...

...

...

...

... bigla siyang humarap. Nagkiss kami lips to lips.

O_______O Patay ako.

Nakita kami nung boyfriend nya.

"Hoy! G*go ka!" Ayan na.
*Pow*

Tsss! Aray ko, para 'to sa tropa ko. Magkakabalikan na yang dalawang yan.

"Huwag mong landiin girlfriend ko! Humanap ka na lang ng iba! G*go!" Sabay nakipag-usap siya kay Tinie.

"Honey, Ok ka lang? Hinarass ka ba ng t*rantadong 'to?" Sino mas tarantado? Ikaw o ako?

"Oo, ok lang ako, alis na tayo, honey." Pasalamat ka naman Tinie.

Tapos naglakad sila papalayo.

"Love na love kita honey kaya 'wag kang sasama sa ibang lalaki ha? *halik sa ulo*" Tagumpay!

Habang naglalakad palayo si Tinnie, kinandatan niya ako na nagpapasalamat siya.

Tapos nag-ok naman ako.

"P-p-p-paul?" Macy! Nakita niya ko. Shoot!

"Macy, sandali lang! Magpapaliwanag ako!"

"Wala kang dapat ipaliwang!"

Tumakbo siya papunta kay Tinie. Tinie, sorry.

*Slap*

Tumakbo na ako papalapit doon.

"ANG LANDI MO! HINDI KA NA NAKUNTENTO SA JOWA MO HA!" Nabigla yung shota ni Tinie. Pinigilan ko siya pero napupumiglas.

"What's your problem? Anong ginawa ko sayo?"

"HINALIKAN MO SI PAUL!"

"Ang alam ko walang girlfriend si Paul. He just helped me open the eyes of my honey. Tinulungan niya lang ako para hindi na ako lokohin nito." Sabay mahinang hampas sa boyfriend niya. Wala na akong alam kung anong gagawin ko dito. Hindi ko na makontrol yung sitwasyon. Hindi pa alam ni Tinie tungkol sa girlfriend ko.  Tingin ko hindi nakikinig si Macy sa sinasabi ni Clementine dahil clouded ang isip niya ng galit.

Hindi na siya nakasagot. Biglang tumakbo siya papalayo.

Hinabol ko siya doon sa mga garden yung hindi kadalasang pinupuntahan ng mga estudyante.

"ANO YUN, PAUL?! LARO?! FOR FUN?! ANG SAYA MO!"

"Wait, I can ex-" Pinigilan niya akong magsalita dahil sa galit niya sa akin. Nag-aalala na ako dahil ito ang maging dahilan ng pagbre-break namin.

"Wala akong dapat marinig sa manlolokong katulad niyo!" Let me explain, please.

Please. Please. Please.

"OO! KASALANAN KO NA! NILOKO KITA! 'DI BA YAN ANG GUSTO MO MARINIG, HA! Ayaw mong makinig sa explanation ko. Alam mo namang hindi ako gagawa ng bagay ng walang dahilan, 'di ba? Kilala mo ko, Macy. Please, patawarin mo na ako. Tinulungan ko lang si Tinie para balikan siya nung boyfriend niya. Tropa ko yun eh. Hindi naman sinasadya yung pagkahalik. Maniwala ka sa akin, please." Baka hindi na niya ako paniwalaan. Mahirap pa naman magtiwala si Macy. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan pa ba niya ako o hindi? Papanagutan ko nalang anong mangyari dito. Dahil kasi 'to sa kacareless-an ko.

Kay ganda ng buhay, Pinag-isipan ko man lang dapat ano kahihinatnan ng ginawa ko.

"Sorry Paul, Pwede pa 'to maulit, ako yung taong madaling mabasag ang tiwala. Ayokong magpakatanga at magpakamartir sa panlilinlang mo. Mabuti ng maaga pa kaysa sa paulit-ulit kang masaktan. You know that I'm a person who don't take risks. I wish that I didn't trust to you. I wish that I didn't love you and most of all, I wish that you didn't exist in my life." Ouch! After lahat ng pinagsamahan namin, itatapon niya ang lahat. Hindi man lang niya inisip kung ano mararamdaman mo.

"Ganyan ka ba talaga! Basta-basta nalang bibitaw kung nasaktan ka. Alam mo bang napakaselfish nun! Inunawa ko lahat ng selfish requests mo sa akin tapos, ganito lang?! Ganito lang isusukli mo. Ang unfair mo naman, Macy. Sa bagay iniisip mo lang naman sarili mo. Bakit ko pa hahabulin ang isang taong sarili lang naman niya ang iniisip niya? Sayang, sayang pag-alaala sayo, magmalasakit sayo, oras na binuhos ko sayo, at higit sa lahat ang pagmamahal ko sayo. Tinapos mo na ang lahat, Macy." Nasabi ko na lahat ng gusto ko sabihin. Kahit masakit, kailangang ko rin talagang maging selfish. Tama na. Inunawa ko siya at lahat-lahat. Wala pa rin. Siguro nga hindi kami para sa isa't-isa.

*sobs*

Umiyak na siya ng tuluyan.

Umalis na lang ako para mabigyan ko siya ng sarili niyang oras.

I've had enough.

*End of Flashback*

[Macy's POV]

"So parang sinabi mo kasalanan ko kung bakit ako ganito?"

"This relationship won't work. Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagkaselfish mo. Let's break up." We break up again. This time, siya naman. Totoo naman. It's my own fault. Because I'm too selfish enough to push Paul to the edge of his patience.

Kinuha ko yung paper na ginawa ko then...


I ripped it.

"I still hate you Paul! Triny ko best ko na hindi maging selfish pero ito talaga ako. Kung hindi mo ako kayang mahalin kung sino ako then we aren't really meant for each other. Kahit mahal kita, masakit pa rin na hindi talaga tayo pwede. Mag-aaway at mag-aaway pa rin tayo. So this is really goodbye. Goodbye, Paul." I slowly walked away. May napapansin akong tubig na namumuo sa aking mga mata na dahan-dahang pumatak sa lupa at sa aking mga paa. I guess fate is not on our side. Ang sakit. Makakamove-on ka Macy, promise. Hindi ka na ulit luluha. Hindi ka ulit maprepressure sa tao sa paligid mo. I think this is the time to love myself.

This is it.
Tama na.
Tama na sa ambitions.
Tama na sa dreams at hopes mo.

For now, the ache inside my heart maybe very painful today but soon, tatawanan ko nalang ito.

Even if you are my tragedy, Paul, once or maybe twice, you were my clarity.


Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon