QUEENA'S POV
"Ate isang large scramble nga po..yung strawberry.." sabi ko dun sa tindera sa canteen. As usual ako lang nanaman magisa kumakain kasi nga magkagalit kami ni Alexa
"Hmm.. ang sarap sarap talaga ng scramble" sabi ko sabay subo sa isang kutsara ng toppings neto. Hay scramble, ikaw na lang ang karamay ko ngayon. Alam niyo ba na ako ang nagintroduce ng scramble kay Alexa?
FLASHBACK
"Dali na kasi Alexa, kainin mo na to.."
"Ayoko nga Queen!! Tingnan mo oh, parang ang dumi dumi niyan. Kung ano ano nilalagay ng tindera. May pulbos pa. Malay mo Johnsons baby powder nilagay niya diyan. Saka Kyu, di mo alam kung san nangaling mga ingredients niyan"
"Ang arte naman neto. Bahala ka, magugutom ka.. walang pagkain dito sa bahay namin, di pa umuuwi sila mommy"
ako patuloy lang kumakain ng scramble ko habang nanunuod kasama si Lex
"Oh sige na nga, basta magtotoothbrush ako pagkatapos promise"
nagulat ako sa sinabi niya na yun
"Ibig sabihin kakainin mo na tong scramble na binili ko?" tanong ko sakanya
"Tikim lang. Nagugutom na din ako eh."
five minutes later kumakain pa din siya
"Uy, Lex.. penge naman ako.."
"Hmp! Ayoko nga Kyu, bumili ka ng sarili mo! Akin to eh!"
"Alexa naman eh"
*TOOOOOOGGSSSSSSSH*
"Ay Alexa!" nabalik ako sa realidad nung may nabungo ako..
at ang malala natapunan ko siya ng scramble!!!
"Sorry! Sorry! Sorry talaga, di ko sinasadya" sabi ko habang nakayuko sa harap niya
"I know. namimiss na din kita eh"
tumingala ako para makita kung sino yung nagsalita
"LEEEEEEEXXXXXXAAAAA!!!!!" nayakap ko siya sa sobrang tuwa..
"Ahahahahahahahahahaha" humiwalay ako para malaman kung bakit tumatawa 'tong babaeng to
"Ano meron?" naguguluhan kong tanong kay Lex
"Natapunan mo kaya ako ng scramble"
"Kaya nga. Nagsorry naman ako ah. Pinatawad mo na ako diba?"
"Hindi yun. Natapunan mo ko diba? Tapos niyakap mo ako.. kaya ikaw may scramble na din .. hahahahahahahaha" tumawa pa siya ng tumawa.
"Ayyy. Oo nga noh. Sus. Ayos lang yun. Atlis sa scramble tayo nagkabati" nginitian ko siya
"Hoy, Quack quack! Iniwanan mo naman ako" sabi nung lalaking parang hingal na hingal kakatakbo.
"IVAN?!" oh my god! Ang prince charming ko! My one and only! My peterpan! My Jack Frost!
"Ohh.. Hi?" sagot niya ng parang nahihiya
"Kilala mo siya, Kyu?" tanong ni Alexa saken
wait. wait di ako makapagsalita. Sobrang kinikilig ako. Ultimate crush ko tong si Ivan. Ohmoooww!!
"Kyu!!"
"Ha? Oo, kilala ko siya. Siya yung tiga Alberione, pinanganak nung April 20, 1995 na valedictorian nung grade 6. Anak ni Maria Castillo at Almer Castillo na nakatira sa BF homes, mahilig sa soccer, rubix cube at anime. Minsan mabait pero madalas sobrang suplado. Siya si Ivan Drake Castillo."
BINABASA MO ANG
My Butler's Slave
Teen FictionA story of a girl and her bestfriend and her bestfriend's lover and her hater and her BUTLER. Magulo ba? Well, it's for you to find out what's going on, on this story.