A/N: Yung mga bold parts po parang sudden flashback. Okay?
ALEXA'S POV
"Manong, ready na po ba yung car?" tanong ko kay manong kasi nandito na ko sa garage namin. Papasok na ko ng school..
"Ay hindi pa po ma'am. Sandali na lang po. Just a 5 minutes." sagot ni manong. What? Hahaha. Just a 5 minutes daw.
Parang may kulang... wala lang. Feeling ko lang may kulang ngayon.
"Manong, si Stickman po?" tanong ko kay manong.
"Po?" naguguluhang tanong ni manong
"I mean, yung katulong ko pong asungot"
"Ah.. si Tisoy? Nauna na po ma'am. Maaga po umalis"
Hay. yung patpatin talaga na yun. Di ako hinintay.
"Bakit ma'am? Namimiss niyo po agad?" pahabol ni manong
"Manong, do you want your kids suffer from starvation?"
"Ahehe. Ma'am joke lang naman po yun." sabay ngiti niya ng malawak
Umatras ako para umupo.. kaso may sumagi sa paa ko. Yung bola..
"Ma'am tara na po?"
"...."
"Ma'am?"
"Ah?" gulat na sabi ko
"Tara na po.. Ayos na po yung kotse."
"Ah. Oo, sige"
pumasok na ako ng kotse
"Ma'am ayos lang po kayo?" tanong ni manong
"Bakit?"
"Ma'am mga apat na minuto kayong nakatingin dun sa bola eh"
"WHOOO!!! PAT!!! ANG GALING GALING MO TALAGA!!!"
"I LOVE YOU NA PAT!!"
"Ma'am? Ano po nangyayare sainyo? Ma'am? Bat po kayo nakahawak sa ulo niyo?" biglang hininto ni manong yung kotse
"GO PAT!!! PARA KAY ALEXA!!! WHOOOO!!!"
pumikit ako ng matagal. San galing yun? Ano yun? Ano yung mga boses na naririnig ko?
"Girl, panalo si Pat. Ang galing galing talaga ng boyfie mo forevs."
"Proud girlfie here"
"AAAARRRRRGGGHHHHHH!!! WHAT THE HECK IS THAT?!!!" sigaw ko
bigla namang hininto ni manong yung kotse.
"Ma'am? gusto niyo po dalhin ko na kayo sa ospital?"
"No. Go on, malalate na ko. Wala lang to."
"Pat, I missed you"
"I missed you too, Yannie"
"Pat, let's be together"
"No."
"Why, Pat? We do love each other right?"
"................."
"Right Pat?"
"................"
I still can understand!! Ano ba yung mga naalala ko?!!
"Patrick Torres, answer me!!! We do love each other right?!"
"Yes... yes. But"
"But what Pat?!! WHAT?!!"
Utang na loob!!!! May nagaganap na teleserye sa utak ko!! Ano ba naman to!!
"I love Alexa"
"Alexa.. Alexa nanaman!! Palagi nalang si Alexa!"
"Ma'am, andito na po tayo.." sabi ni Manong
"Ah. Yes." bababa na ko sa kotse
"Ma'am, ayos na po ba kayo?"
"I am fine"
naglakad ako papasok ng school..
"Yang Alexa na yan ang dahilan kung bakit tayo nagtatago diba?! Siya naman lagi eh!"
".........."
"Hindi mo ba siyang kayang iwanan?"
"Sorry Yannie"
"Lexie!" sinigaw ni Queena sakin
"Oh..."
"Tara!"
hinatak niya ko bigla
"Saan tayo pupunta?"
"Basta.. Sumama ka na lang"
dinala niya ko sa garden
"Anong ginagawa natin dito, Kyu?"
"Di pa tayo nakakapag usap ng seryoso simula nung nagkabati tayo..." sabi ni Kyu
"Ah.. Ano gusto mong pag usapan?"
"Si Matt" sinabi niya ng deretso
"What about him?"
"Alam kong nainis ka sakin nung pumunta ako sa date niyo. Pero Lexie, ikaw lang naman pinoprotektahan ko.. kasi by the looks of Matt, hindi siya nagsasabi ng totoo. Feeling ko nga may masamang balak yun. Kaya, Sorry na kung nainis ka sakin.. pero diba bati na naman kayo? Magiingat ka na lang dun ha. Di kasi palagi akong nandito sa tabi mo.. minsan, nawawala din ako."
".........................."
"Lexie?"
"Ha?"
"Nakikinig ka ba?"
"Ah.. Oo, naman"
"So.....?"
"Anong so...?
"Lexie, alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. Hindi ka nakikinig sakin diba?" galit na tanong ni Kyu
"Sorry" yumuko ako
"Sabi na eh.. Ano ba kasi 'yang dinadrama mo kanina pa?!" galit na si Kyu ata sakin
"Kyu.. kasi... may.."
"ANO?! DUN KA NA LANG SA YANNIE MO?! AT TINATAGO NIYO PA SAKIN AH?! KAYA BA HINDI KA PUMUNTA NUNG BIRTHDAY KO?! KASI MAY YANNIE KA NA?! HA?!"
"Ouch" sabi ko ng bigla akong napapikit. Eto nanaman. Bumalik nanaman yung nangyayare sakin kanina.
"Lexie?! Ayos ka lang?!"
"No Alexa, I love you"
"KUNG MAHAL MO AKO HINDI KA MAGHAHANAP NG IBA!!!"
"Lexie?! Uy!!"
"Kyu may kilala ka bang Pat at Yannie?"
lumaki yung mata ni Kyu pagkasabi ko nun. Bigla siyang napaatras.
"Bakit Kyu, Anong problema?"
"Ah. Wala. Wala .. wala akong kilalang ganun. Saka Lex, wag mo na nga pinagiisip yang mga ganyan. Di naman importante yan eh."
"Kyu kasi.. kanina pa ko ginugulo ng mga to eh.."
"Hay nako. Wag ka na ngang manunuod ng romantic movies. Nadadala pati utak mo eh."
"Pero Kyu..."
"Tara na, mag scramble na lang tayo.."
END
PS: Ang susunod na mga chapters ay masyadong nakakabaliw
BINABASA MO ANG
My Butler's Slave
Teen FictionA story of a girl and her bestfriend and her bestfriend's lover and her hater and her BUTLER. Magulo ba? Well, it's for you to find out what's going on, on this story.