Chapter 10 : Who You?
Arghh!! late ako! si Keitthe kasi di ako ginising! pinuyat pa ako ha!
Ang sakit nga ng ginawa niya sakin eh! Masyado kasing masikip, pinipilit niyang ipasok napaiyak nalang ako.
Buti nga at nakaraos ako nag dugo nga lang. Yung bwisit na yun kasi eh pilit ng pilit eh.
"Oh anyare sayo ba't ganyan ka na maglakad?" tanong ni Ghene
"si Keitthe kasi eh.. pinuyat ako kagabi ang sakit nga ng ginawa niya sakin" lumaki yung mata niya
"Ha?! m-may nangyari sainyo?"
"anong pinagsasasabi mo?" taka kong tanong
namumutla si Ghene
"na-nagdugo ba?" tumango ako sa tanong niya. Ba't ang weird niya ngayon?
Bigla naman siyang umiyak.
"Ba-bakit ka nagpatukso? diba sabi di mo pa yun gagawin kapag di ka pa kasal? ano na ngayon? kailangan panagutan ka niya!"
"A-Ano bang pinagsasasabi mo?" dun ko lang narealize kung ano ang pinapahiwatig niya
"Ka-kala mo ba ginawa na namin yung ano?" natigilan siya sa pag iyak
"hindi n-niyo pa yun ginawa?" parang nabunutan siya ng tinik sa tanong niya
"Aish! Leann!! Bwisit ka hindi namin yun ginawa ang dumi ng isip mo!" pinalo ko siya
"Aray!! eh kasi naman bakit ganyan ka maglakad para kang na-devirginize!" tinakpan ko yung bibig niya
"Alam mo ang ingay mo!"
"Ano ba kasi ang nangyari?"
"Kasi yung sapatos ko sa kasal dumating sa bahay eh sabi ko maliit tapos dapat magpapasama ako sakanya pumunta doon sa shoe store pero tinatamad daw siya at kasya naman daw kaya pinagpilitan niyang ipasok sa paa ko eh ang sikip naman kaya nung napasok niya tapos sabi ko masakit we tried to remove it and natagalan kami kaya napuyat ako kasi pilit pa naming tinatanggal nung natanggal namin nagdugo yung dulo ng paa ko!"
"A-ahh.. sorry po~" inirapan ko lang siya.
Friday na nga pala ngayon tapos next week na yung overnight dito sa school. Nakakatamad! pero if it's for my grade then I'll do it!
Nang mag-lunch break na kami lumayo muna ako. Wala gala-gala lang muna. Pumunta nalang ako ng garden at mag a-advance reading. Kailangan ko 'to!!
I went inside my secret hiding place which is an old shack that the school gardeners used to use. It's old but it's pretty neat inside. Nilagyan ko siya ng mga konting decorations tulad ng christmas lights at mga kung ano-ano pa. Buti nga hindi na alam ng school na may old shack pa rin dito.
Dito ako pumupunta kapag pagod na ako sa mundo. Kapag nasasawa ako sa mga ugali ng tao. Minsan tambayan lang talaga.
"If you're really smart you don't need that book." I was surprised ng makita ko si Keitthe
Pano niya nalaman 'tong lugar na 'to?
"Pa-pano mo nalaman---"
"You're not the only one who knows about this place. I often go here. Sometimes I sleep and sometimes, may naririnig akong babaeng kumakanta." nag init yung mukha ko.
So, minsan pag pumupunta ako dito at nakikinig ng music (and sinasabayan) andito siya? wadapak?
"U-umalis ka! I was here first at baka dito ka nakikipag chukchakan pag walang ibang tao dito kadiri ka!" sigaw ko sakanya