CHAPTER 17 : Something's Wrong

12.8K 150 20
                                    

CHAPTER 17 : Something's Wrong

Pano na'to? aish! Stranded in the middle of a flooded road. Nobody's here except for the both of us. Arghh!

Wala pang signal ang cellphone. Nakakainis! pano na kami?

"Sam, I think we should leave thos car behind." sabi ni Keitthe.

"Huh? sa-saan tayo pupunta? papano kung may magnakaw niyan?"

"Walang magnanakaw nito dito. Atsaka naalala ko 'tong daanan na 'to. Sa unahan ay may bayan may hotel, dun nalang tayo tumuloy baka may phone din sila dun para makahingi tayo ng tulong kila dad." tumango ako. Hinubad ko yung sapatos ko at nilagay sa backpack ko.

Lumabas kami, ang lakas pa rin ng ulan.

"Wait Sam." may kinuha siya sa trunk.

Nag squat siya sa harap ko.

"A-anong ginagawa mo?" taka kong tanong.

Kinuha lang niya ang kamay ko at pinulupot yun sa may neck niya.

"Put this on your head." binigay niya sakin yung jacket at nilagay ko sa ulo ko.

I got shocked when he lifted me up by holding onto my thighs.

Piggy back ride?

"There's flood here. It's better na hindi ka lumusong. Baka magka sakit ka pa." sabi niya.

"Kinuha mo na ba lahat ng gamit na importante sa kotse?" tanong niya.

"Uhm.. Oo. Lahat-lahat. Pati yung bag ko. Yung wallet ko pati yung mga phone natin. Buti nga at girl's scout ako at may dala akong charger ng phone. Pati na rin yung credit card ko." inayos ko yung jacket sa ulo ko para di rin siya maulanan. Yung bag ko din, nilagyan ko ng plastic cover para di mabasa. Andun kasi lahat ng importanteng bagay.

Parang nagiging awkward na ang silence tsaka parehas na kaming nakakaramdam ng pagod.

"Keitthe ibaba mo ako." I just said.

"H-ha? tss.. wag kang makulit. Ayoko." bwisit naman to.

"Dali na!" I pouted at napaharap siya sakin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Slow ako pero ako lang ba yun o parang nailang siya?

"Ibababa kita pero saglit lang." tumango ako. Nang makababa ako nag stretch siya.

"Napagod ka no?" I laughed.

"Ang payat mo pero ang bigat mo." reklamo niya.

"Hoy! hindi ako mabigat ah!!" sinipa ko yung baha muntikan naman siyang mabasa.

"Aish makulit ka ha!" bumelat ako.

Di na gaano kataas yung baha dito sa baha sa kanina. Malayo-layo na rin kami dun pero malakas pa rin ang ulan kaya basang basa na kami.

"Bakit? anong gagawin mo sakin?" sinipa ko ulit yung baha di naman siya natamaan.

"Aish! ang kulit mo ah!"  tumakbo siya kaya tumakbo rin ako.

Basang basa na kami. I continued to run wala namang mga sasakyang dumadaan dahil baka halos lahat sila ay stranded. Medyo natatagalan ako sa pagtakbo dahil sa bag ko.

Mag su-sunset na.

I stopped and watched it for a while.Napatigil din ata si Keitthe.

"Gotcha!" natauhan ako tapos bigla niya akong binitbit.

"Oh my!! let me go!" natatawa ako 'cause he was tickling me.

"Arghhh! You're mine!" tuloy pa rin siya sa pagkiliti sakin.

My Husband is A Pervert?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon