Kabanata 6

30 6 0
                                    

Alas singko palang ng madaling araw ay agad na akong nagising. Napagtanto kong mula hapon hanggang umaga na inabot ang aking tulog dahil sa pagod sa byahe.

Humawak ako sa kumakalam kong tiyan. I'm starving.

Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ang studio type kong unit.

Hindi malaki pero hindi din naman masikip. Tama lang para sa isang tao ang manirahan dito. May complete appliances sa kitchen at mayroong wooden round table na kasya sa apat na tao. Walang living room pero may mahabang sofa sa kabilang dulo ng headrest ng aking kama. Sa tapat non ay ang flat screen tv.

Kumpleto ang lahat maging ang nasa cr. May 2 in 1 pang bathtub at shower.

Pagkatapos kumain ay mabilis akong naligo at nagbihis. Suot suot ko ang formal red dress at valentino heels. Unang araw ko ngayon sa site at may mangyayaring meeting mamaya.

Mabilis akong nakarating doon at agad pinark ang sasakyan.

Pinagmasdan ko ang buong paligid at nakita ang dalawang building na pinalilibutan ng magandang kalikasan. Ang isa ay architectural building na. May external design na ito at pulidong pulido na ang pagkakagawa. Habang ang pangalawa ay structural building pa lamang. Mukhang ito ang aming project na gagawin.

Kabado akong tumungo sa gawang commercial building at agad na pumasok para makisalamuha sa mga makakatrabaho ko. Naabutan ko naman doon ang apat kaya medyo nawala ang kaba sa dibdib ko.

Kumaway ako nang mahagip ako ng tingin ni Coreen. Lumapit ako sakanila at nakipagbeso.

"Muntik ka ng malate.." bulong niya.

Inayos ko ang sarili ko at umupo na sa tabi nila. Nagkukumpulan na ang mga trabahador kaya lumapit na din kami. Nagpakilala isa isa ang mga importante tao at ang may matataas ang tungkulin.

Diniscuss ng Project Engineer ang mga dapat gawin at dapat pang ayusin sa building. Hinayaan niya kaming i-tour sa buong gusali kaya naman seryoso ako sa pagmasid at pag aaral sa bawat detalye nito.

Patapos na ang pagbubuhos at bukas na ang simula ng aming pag pa plano para sa paglagay ng disensyo sa loob ng gusali. Nagbigay ng anim na buwan na palugit ang may ari para matapos ang dalawang gusali. Apat na buwan ang naubos bago matapos ang paggawa sa building 1 at sa structure ng building 2 kaya naman nire-ready na ang lahat para malagyan na ng design ang mga ito.

"The owner trusts us to finish this project in just 6 months and he wants everything polished. Malapit sa akin si Gatcheco at ayaw ko siyang biguin. Can I trust working with you, guys?" ani boss namin.

"Yes!" sigaw ng lahat.

"Any questions? concerns?" tanong niya.

Nagsibalikan na ang mga construction workers at iilang engineer sa building 2 para matapos na ang huling pagbuhos.

Mananatili kami dito ng dalawang buwan sa Makati kaya matatagalan ang pagpunta ko sa Amerika. Ngunit naisip ko din naman na sayang ang sweldong ipinangako ng boss ko sa Cebu. Pwede ko iyon idagdag sa pocket money ko pag pumunta ako na sa Amerika.

"Architect Medina!" natatawang salubong sa akin ng lalaking may edad na.

Kinamayan ko siya at ngumiti. Ramdam ko sa gilid ko ang nagtatakang mukha ng mga ka-team ko. Hindi ko din maitago ang pilit kong ngiti sa matandang lalaki.

"Uh..you're?" nahihiya kong sabi.

"Oh!" lumundag ng bahagya ang kanyang balikat at agad na umiling habang nakangiti. "I'd like to formally introduce myself. I am Architect Paulo Velasquez, I worked with your boss and he is my friend to. I assume ito ang team mo?" turo nya kela Coreen.

WreckedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon