"He's still in Makati right now? What about Ramon? Is he there?" sunod sunod na tanong ni Martha sa akin.
Inikot ko ang aking mata. Nilagyan ko ng dahan dahan ng lipstick ang aking labi matapos mawala ito dahil kumain ako kanina.
"Wala. Si Brandon lang ang nandito, all I know about Ramon is that he went to Europe already.." I uttered.
Narinig ko ang singhap ni Martha sa kabilang linya. "I thought I'd enjoy my stay there more." she whispered as I heard her drink.
Tumaas ang kilay ko. "Are you saying that you'll go here not because you want to see me but Ramon?"
"No! It's not what I meant, Ruby. It's just that it is better if I'm with Ramon while you're with Brandon diba.." paglambing niya sa akin.
Ipinasok ko ang make up sa loob ng aking bag at inilagay ang bag sa likod ng siko ko.
"If you say so.." pagpapalampas ko sa sinabi niya.
It's been two weeks since I started working here in Makati. And last two weeks I shared to Martha that Ramon and Brandon were the owner of the project we're up to.
She keeps asking and bothering me if she can leave her job and stay with me in my condo. I thought that she just misses me but now I can sense that it has something to do with Ramon.
"Kailan daw ang balik niya? Alam mo ba?" tanong niya.
"Hindi ko nga alam Martha! Do I look like his secretary or something?"
Lumabas ako sa banyo at dumiretso na sa labas ng restaurant. Coreen and the others were waiting for me outside.
"Okay okay! Ang init ng ulo ng lola mo. I'll call you later, Ruby." pamamaalam niya.
Our conversation ended after a few minutes as I went back to our office.
"Nandyan na daw si Sir Brandon." sulyap ni Phantine sa aking cubicle.
Nadatnan niya akong nakangalumbaba sa desk kaya naman inayos ko ang upo ko.
Tumango ako at kinuha ang usb at inayos ang mga papel na naka kalat sa desk ko. Brandon didn't have any absences since we started to plan out what he wanted. Araw-araw syang dumadalaw sa opisina para mai check ang progress ng project na ito. Marahil siguro ay gusto niyang makitang pulido ang lahat ng trabaho dito. He's the CEO after all. It's his duty to supervise the workers. Brandon is such a perfectionist when it comes to works.
"Tapos mo na ba yung presentation?" bulong ni Rasden habang papunta sa visual room.
Tumango ako at dahan dahang binuga ang malalim na hininga. Na pag usapan ng lahat na ako ang magpe present sa harapan para ma explain ng mabuti ang planong gusto ni Brandon.
Noong unang meeting ay nagbigay kami ng kanya kanyang huwestiyon para sa internal design. At ang suggestion ko ang napili niya.
Tatlong linggo lang ang inabot sa pag pipintura ng labas ng hotel. Sa sobrang dami ng trabahador nila ay mabilis itong natapos. Ang loob nalang ang tanging kulang pero marami rami pa din ang kailangang gawin. Designs sa walls, ceilings and floors pati na din ang pag install ng mga essentials.
Dumiretso ako sa harap at ni-set up ang laptop. Pinasadahan ko ng tingin ang aking plain white top na may kaunting ruffles sa gitna at inayos ang aking black pencil skirt. Hinigpitan ko ang aking coat at itinuwid ang aking legs.
Umupo na sa kanya kanyang silya ang lahat at ang huling pumasok ay si Brandon na matikas ang tindig. He's wearing a complete suit. Isang well-ironed gray polo at maroon neck tie ang mas nagpa angat ng kagwapuhan niya ngayong araw na ito.
BINABASA MO ANG
Wrecked
RomanceSome parts may contain unecessary words and scenes not suitable for young readers. But if you insist, read at your own risk. Inspired by Jonaxx's stories ☺️