Kabanata 9

18 2 0
                                    

Maayos ang sumunod na mga araw. Pagkatapos nang nangyari ay hindi ko na nakita iyong Annabelle. Tatlong oras na lang din ang itinatagal ni Brandon sa opisina. Abala sya sa pakikipag usap sa mga kliyente niya.

Halos isang linggo na kaming hindi nakakapag usap dahil sa dami ng inaasikaso niya ngunit hindi naman lumilipas ang araw na hindi nya ako nginingitian.

"I want carbonara!" Biglang sabi ni Rasden.

Pang ilang ulit na nya ngayong gabi ang salitang carbonara. Naglilihi ata ang isang ito.

Disenyo naman para sa function halls ang naatasan sa amin pero isinama na din naman doon ang mga kainan. Simple ngunit elegante ang dating nito. Nilagyan pa ni Rasden ng kaunting arte sa dingding at pader na lalong nagpa sosyal sa buong lugar. Kadalasan kasi ng mga magrerent doon ay prom at birthday celebrations. Pagkatapos ma aprubahan ng ama ni Brandon ay sumunod naman ang pag plano sa gymnasium. Kumpleto ang pasilidad doon, may court, swimming pool at gym kung saan maaring mag work out.

"I'm so stressed out!" ani Coreen na padabog na nilagay ang folders sa kanyang lamesa

Napakangalumbaba ako sa aking desk at nag iisip ng magandang ideya para sa mga furnitures na ilalagay sa lobby.

"Lahat tayo." singhap ni Phantine sabay hikab.

It's seven in the evening already and we are all still here.

"Alam nyo, bukas ko na ito pagpapatuloy. Umuwi na tayo." sabi ni Rasden at pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bag.

Diretso ang tingin namin ni Phantine kay Coreen at Rasden na nakatayo na, "Ano pang ginagawa nyo, umuwi na tayo!" sabi ni Coreen sabay kuha na din sa bag niya.

Umalis sya sa desk niya at iniwan ito ng magulo. Umiling si Harry at inayos ito bago kuhanin ang bag niya.

"I can't, kailangan matapos na ito." ani ni Phantine at sumang ayon ako. Sasamahan ko siya dahil may tatapusin din akong plano na kailangang ipasa bukas.

"Yeah right, you girls don't bring works at home." humalakhak si Rasden.

"Let's go."

"Kakain ba tayo ng pasta?" giliw na tanong ni Rasden kay Coreen.

Umirap si Coreen at naghawi ng buhok, "Bukas na lang, umuwi na tayo."

"Bukas kakain tayo ng pasta ah?" pag a assure ni Rasden.

"Oo, maghahanap ako ng restaurant na puro pasta ang tinda." Tumango tango si Coreen.

Nagpaalam na ang tatlo at naiwan kami ni Phantine sa opisina. Hinilot ko ang sentido ko at bumaling sa aking laptop.

Since tapos na ang disenyo sa labas ng condominium ay doon ko inihambing ang gagamiting mga furnitures para sa lobby.

Isang apricot long L-shaped sofa bed ang ilalagay ko sa corner kung saan ang waiting lounge at nilagyan ito ng malaking glass chandelier na nagpaaliwalas sa buong lugar. Mga ilang abstract painting ang nasa counter at malaking art painting sa may sofa. Isang rectangle table naman ang kumumpleto doon. Para sa sahig ay light brown granite tiles ang inilagay ko. Kulay puti ang pintura ng buong lugar pero may iilang naka wood-like tiles. Ang iilang pader ay naka embossed at kulay dark brown ito.

Pagkatapos ng iba pa ay saka ko naisipang sumimsim sa kape na nasa tabi ng aking laptop.

"Gusto mo kumain sa labas?" tanong ni Phantine na nakatingin lang din sa laptop niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WreckedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon